CHAPTER ONE

13 0 0
                                    


Euphoria

/juːˈfɔːrɪə/

a feeling or state of intense excitement and happiness.

"in his euphoria, he had become convinced he could defeat them"

synonyms: elation, happiness, joy, joyousness, delight, glee, excitement, exhilaration, animation, jubilation, exultation;

 ----- + ----- + ----- + -----


Nagising ako dahil sa lakas ng tunog na nanggaling sa ibaba.Bigla akong kinabahan dahil baka umuwi na namang lasing ang tatay ko na wala nang ginawa kundi maglasing at pagbuhatan ako ng kamay.

"Ma, Please guide me" yun nalang ang nasabi ko at ipinikit ang aking mata bago ako tuluyang bumaba.

Nakita ko ang mga basag na bote ng alak sa may sala at naroon ang aking ama na tila may malalim na iniisip sapagkat nakaupo lang ito sa sahig ng nakayuko habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang ulo.

Dahan-dahan akong lumapit kahit na alam ko sa sarili ko na sasaktan na naman nya ako pero hindi ko rin kayang makita na ganito ang sitwasyon ng tatay ko.



/ Flashback /

6 years ago. I was 11 yrs. Old.

"Ma, halika na maligo na tayo ulit sa dagat!" galak na sabi ko sa nanay ko. Ako na yata ang pinaka maswerteng anak dahil sobrang bait at napakaganda ng nanay ko, nasa kanya na ang lahat kaya patay na patay ang tatay ko sakanya.

"Claire, kanina pa tayo nakababad sa dagat at mag gagabi na lumalakas na rin ang alon oh." Malumanay na sabi nito.

"Ehhhhhh! Sige na last na lang! Puhlease??" at nag puppy eye pa ako sakanya. Alam ko namang hindi nya ako tatanggihan eh. Hihi

"Sige na nga, hindi ko matiis ang baby ko eh." Yes! At sabay kaming pumunta sa alon ng magkahawak ang kamay. Ang saya-saya ko nun dahil first time kong magcelebrate ng birthday ko sa dagat. Kung nandoon lang rin sana si tatay para mas masaya kaso subsob ito sa trabaho at walang oras para sa amin kaya kami nalang dalawa ni mommy ang nagbonding pero may hangganan pala lahat ng mga masasayang araw.

Yun din kasi yung araw na nalunod kaming dalawa dahil sa lakas ng alon at ako lang yung nakaligtas. Hindi rin nila nakita ang katawan ng mommy ko sa dagat kaya hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Matutuwa dahil umaasa akong buhay pa siya pero nagagalit ako sa sarili ko dahil kung hindi ko sya pinilit na tumuloy pa, hindi sana to mangyayari.

Simula nung araw na yun, kinamumuhian na ako ng sarili kong ama dahil sinisisi nya sa akin kung bakit namatay si mommy o kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang katawan nya.

/End of flashback/


"Anong tinitingin-tingin mo dyan?!!" Galit na sabi ng papa ko sa akin.

Hindi ako kumibo dahil hindi ko din naman alam kung ano yung sasabihin ko. Bigla naman nyang hinawakan ang braso ko ng sobrang higit at tumingin sa akin na nanlilisik ang mga mata.

"Wala ka talagang kwentang anak!! Nagkanda letche-letche ang buhay ko ng dahil sayo! Nawalan ako ng trabaho at pera ng dahil sayo!! Nawala si clara sa akin ng dahil sayo!! Sana ikaw nalang ang nawala at hindi sya! Di sana masaya ako ngayon!!"

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko sa mga narinig ko. Ganun naba ako ka walang kwentang anak?. Hindi nya ba alam na nasaktan at nagdusa din ako nung nawala ang pinakamamahal ko sa akin? Sa amin?

"Pa, n-nasasaktan din ako, hindi ko naman po gusto yung n-nangyari" pilit kong hindi humikbi sa harap nya dahil any moment babagsak na naman ang mga luha ko. I'm a crybaby & weak. Alam ko iyon.

"At sumasagot ka pa?!!!" sabay sampal nya sa akin na syang dahilan para sumubsob ang mukha ko sa sahig. Sobrang sakit ng sampal nya pero wala ito kumpara sa mga sinabi nya kanina. Tagos na tagos.

Dun ko napagpasyahang lumayas ng bahay dahil hindi ko na kaya ang lahat ng mga pasakit na ginagawa sa akin ng sarili kong ama.Kailangan kong mabuhay ng mag isa para sa sarili ko at sa pag-aaral ko. Siguro naman kahit papaano ay magiging Masaya na ang papa ko dahil wala nang bwisit na anak ang makikita nya araw-araw.

"Ma, kung nasaan ka man ngayon, sana parati mo akong gabayan sa lahat ng pagsubok na haharapin ko. I love you ma.." kasabay nun ang pagtulo ng luha ko sa loob ng aking kwarto.


/ End of Chapter 1 /




THE CAUSE OF MY EUPHORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon