CHAPTER SIX

6 0 0
                                    


@ PHYSICAL EDUCATION TIME

Nasa gym kame ngayon at kasalukuyang naghihintay sa PE prof. namin. Nakasuot na rin kame ng PE uniform namin. Nakaupo lang ako sa may bench nang may mapansin akong apat na lalaking nakaupo din sa kabila. Isa sa kanila ang naka PE uniform kagaya ko at hindi nga ako nagkamali, si shin nga yung nakita ko kasama nya si lucas at siguro mga ibang kaibigan nya. Andami nya sigurong goup of friends. Pinagtatawanan sya ng mga kaibigan nya habang panay turo sa uniform na suot nya. Ano kayang nakakatawa sa suot nya eh bagay na bagay naman sa kanya. kahit mag taong grasa ito eh bagay pa rin sigurong tingnan. Naku! Eto na nman ako, iniisip na naman sya. Haaaaaaay!

"OMG. OMG. OMG.!" Tili ng isang babae. Mga classmate ko pala.

"Is that shin? Wearing a freaking PE uniform?"

"It's my first time to see him like that!"

"I know right? Hindi naman sya umaatend ng PE kaya himala talaga na pumasok sya! Aaaaaah!"

Bigla kong tinakip ang tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw nya. Jusko!

"Girls, pagkakataon na natin to para mapansin na tayo ni shin!"

At nag group hug pa sila ha. Kaloka mga kababaihan ngayon!

Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko dahil dumating na din ang prof. namin. Umupo kami sa kabilang bench dahil nandun halos lahat ng studyante. May tumabi namang isang gwapong nilalang sa akin na walang iba kundi si shin pero hindi gaanong kalapit, malayo sya ng ilang hakbang sa akin. Sus, gusto lang ako nito makatabi eh.

"Okay class, since we're done with all the exercising activities, we will now proceed to different kinds of dancing." 

Napuno ng sari't saring reaction ang buong klase. Ang iba ay tuwang tuwa at ang iba naman ay nabobored na, well on my side hindi ko alam dahil hindi naman ako marunong sumayaw, never pa akong sumayaw & worst ang tigas ng katawan ko kaya medyo kinabahan ako sa susunod na mangyayari.

"I will give each one of you of this book that I'm holding right now & inside this book are the basic fundamental steps of dancing & different kinds of dancing."

Isa-isa naman nyang binigay ang libro sa amin habang patuloy na nagsasalita.

"You will choose a dance that you want to participate together with your partner & perform it at the end of this month, I already have the list of who will be your partners."

Biglang nag-ingay na naman at samut saring reklamo ng iilan na kung pwede ay sila na lang ang pumili ng partner nila pero hindi naman ito pinansin ng prof. namin. Hindi na lang ako kumibo. Sana mabait yung magiging kapartner ko.

Isa-isa nang tinawag ng prof. namin ang mga pangalan at ang mga kapartner nito, nagsialisan na rin ang ilan para puntahan ang mga partners nila para i-discuss kung ano yung isasayaw nila. Nabigla naman ako kasi lahat ata may partner na pero hindi pa rin tinawagan pangalan ko.

"And last but not the least, Miss Claire Faeldin partner with....Shin Spencer"

Lahat ng matatalim na tingin ng mga babae napunta sa akin. Tama ba yung narinig ko? Si shin yung partner ko? May parte sa akin na natutuwa dahil si shin ang partner ko pero natatakot dahil baka sigawan na naman ako nito o di kaya ay mairita. I sighed.

"Are you just going to sit there & ignore me?"

Nabigla ako dahil nasa harapan na pala nya ako at naka cross arms pa. Nilakasan ko ang loob ko na kausapin sya ng formal at mahinhin dahil mahirap na. Tumayo ako at nginitian sya bago ko kinuha yung libro na binigay sa amin ni prof. Nagulat naman sya sa ginawa ko at biglang kumunot ang noo. Haaaaay! Ang gwapo talagang nilalang.

"So anong gusto mong sayaw ang pag-aralan natin?" tanong ko sakanya.

"Simple one." Ang tipid ng mga sagot nya. Magiging pipi to di katagalan eh. Pinili na lang namin yung mga simpleng steps lang at sya na din yung pumili ng song para sa performance namin. Natawa ako sa pinili nya, wonderful tonight by Eric Clapton? Nakaraang tao ba to? Hahahaha. Gusto nya kasi ng slow dance lang para hindi daw kame mahirapan. Jusko baka hindi kame bibigyan ng points ni prof. nito.

"Okay, kung yan ang gusto mo." At nagsimula na akong lapitan sya ng dahan-dahan, sinubukan kong maging pormal ang pakikitungo ko sakanya kahit na sasabog na yung puso ko sa sobrang bilis ng pagtakbo nito.

"Give me your hand." Sabi ko sakanya pero kumunot lang ang noo nya at intense na nakatitig sa akin. Kinuha ko naman ang libro at pinakita sa kanya ang mga guidelines para naman may idea sya.

"See this picture right here? Eto sundan natin oh." Turo ko pa sa picture para makita nya.

"Okay." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko habang ang isa naman nyang kamay ay nasa bewang ko. Nakuryente ako bigla dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa bewang ko. Hinawakan ko naman ang balikat nya habang ang isa kong kamay ay nakahawak din sa kamay nya. Grabe ang tangkad nya na kapag kakausapin ko sya kailangan pa akong tumingala. Ang mga paru-paro sa tyan ko nagsisipagliparan na sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"Ouch! Wtf was that for?!" sigaw nya sa akin. Ang short tempered masyado. Bigla ko kasing natapakan ang paa nya habang sinusundan naming yung guide. Eh sa hindi nga ako marunong sumayaw eh. Nabingi naman ako sa sigaw nya.

"S-sorry." Yun na lang ang nasabi ko at kinagat ang labi ko. Hindi ko alam anong ginagawa ko. Nag aalburoto yung kaluluwa ko. Huminga naman sya ng sobrang lalim ng hindi ko alam kung bakit. Shet! Pati ang paghinga nya ang bango. Nakakaadik.

"Don't do that." Huh? Ang alin? Ahh, yung pagtapak ko sa paa nya. Huhu. Kinagat ko na naman ang labi ko dahil nakakahiya na talaga.

"Tsk! I said don't fcking do that infront of me." Nagtagis ang mga bagang nito at lumunok. Kitang kita ko ang adam's apple nya kung pano sya lumunok. Damn! What a sexy beast!

"Sorry, hndi kasi ako marunong sumayaw eh kaya please bear with me." Yun na lang ang nasabi ko at yumuko. Tumawa naman ito ng mahina, sapat na para marinig ko iyon. Ang cute.

"Tsk! Not that, stop biting your lips or I might lose control." Huh? Ano daw? Nabingi ako sa sinabi nya. Lose control saan?

Bago pa man ako magsalita ay tinanggal na nya yung pagkakahawak sa bewang ko at kamay ko. Woooooh! Mabuti naman dahil kanina pa nanlalambot ang mga tuhod ko pero hindi ko pinahalata, baka isipin nya may gusto ako sakanya kahit na totoo naman. Hehehe!

"We'll continue the practice in our house next week. I'll text you the location. Be there." Yun lang ang sinabi nya at tuluyan nang umalis. Hindi man lang nya ako tinanong kung pumayag ba ako o hinde? Nakakaloka! At itetext nya daw ako? Eh wala nga syang number ko at wla rin akong number nya. Ang gulo nya kausap. Promise.

Ang tanong, bakit sa bahay nya pa? alangan namang sa apartment ko eh sobrang liit lang dun. Pero nakakahiya at sa bahay nya pa talaga kame magpapraktis. Naguguluhan tuloy ako.

Muntik ko nang makalimutan, mamaya na pala yung party ni lucas. Nako isang problema pa to. Baka magtatampo yun kung hindi ako susupot. Wala din akong dress na maisusuot. Haaaaaay! Bahala na!

Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko dahil tapos na din ang PE namin, meaning part time ko na naman. Kay jane na lang kaya ako hihiram ng damit? I'm sure magpapahiram naman yun pero nakakahiya.



/ End of chapter six /

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE CAUSE OF MY EUPHORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon