CHAPTER THREE

8 0 0
                                    


After how many subjects I attended, ni isang prof. wala man lang pumasok. Ano ba yan. Nagpapagod lang ako sa kakalakad para matagpuan lang ang room ko tapos hindi naman pala sila pupunta.

Kasalukuyan akong nasa cafeteria ngayon para mag meryenda bago pumunta sa part time ko. Tiningnan ko ang wrist watch ko, may 30 mins. pa ako para makapag meryenda para hindi ako gutumin mamaya. Umorder lang ako ng dalawang cupcakes with coffee. Rinig na rinig ko naman ang chismisan sa likod ko na akala nila sila lang tao sa loob sa sobrang lakas ng mga boses. Haaaaay!

Girl 1: "Narinig mo ba? My God! Pumayag si shin na may umupo sa tabi nya?!"

Girl 2: "What? You're kidding right?!"

Girl 3: "Pinaka ayaw nya ang may tumatabi sakanya sa klase diba?"

Girl 1: "Nako! Papatayin ka nun kapag nangyari yun pero seryoso pumayag sya?"

Nabulunan ako sa kinakain ko, pati eto ginagawa nilang big deal? Ano bang meron sa upuan na yon at pinagkakaguluhan? Gold ba yun?

"So, who's the lucky bitch??!" lumaki ang tenga ko sa narinig ko, ako? Isang bitch? Hindi naman ako bobo para malaman kung ano ang ibig sabihin nun.

"I don't know her pero ngayon pa lang kumukulo na ang dugo ko sa babaeng yun, nakakalapit sya kay shin."

"Oo nga, I hate it!!"

Tinapos ko na ang pagkain ko bago ko pa man sila marinig ulit. Jusko. Di ako aabot ng buhay dito. Unang araw ko pa lang pero ganito na agad ang nangyari. Huhuhuhu!


/ End of CHAPTER THREE /



--

AN:

Pasensya na po kung maikli lang ang update. Hindi biro gumawa ng story. Huhuhuhu!

Kung hindi nyo nagustuhan please let me know para malaman ko kung kailangan ko pa bang ituloy to. Hehehe. Thank you! <3

THE CAUSE OF MY EUPHORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon