CHAPTER TWO

13 0 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Haaaaaay. Napanaginipan ko naman yung nangyaring trahedya. Bigla akong nalungkot. Karma na ba to sakin na binibigay sakin ng Diyos ngayon? Kaya kong tanggapin lahat, mapatawad lang ako ni dad pero kahit na lumayas ako, hindi man lang nya ako hinanap o sinundo. Tuluyan na talaga nya akong tinakwil bilang isang anak nya. Umiling na lang ako at tuluyan ng bumangon.

Ngayon pala ang first day ng school ko as a college student. Mabuti nalang at nagsumikap ako, humanap ako ng maliit na apartment na kaya lang sa bulsa at part time job at nag aaral at the same time para naman matustusan ko yung sarili ko & look where I am now. Nasa college degree na ako. Konting tiis na lang, alam kong makakagraduate din ako.

Nagsimula na akong maligo at inayos ang sarili. Isa lang naman akong simpleng babae kaya naman simple lang din ang suot ko. Isang fitted na balck v-neck tshirt at maong jeans na ipinares ko sa vans na sapatos ko. Hindi naman sa nagmamayabang pero nakuha ko ata lahat ng features ng mommy ko, ang hazel brown nyang mata, ang matangos nyang ilong, ang natural na pink lips at ang dark black hair nitong kulot sa dulo kaya di ko kailangan ng make-up tsaka hindi rin naman ako mahilig sa mga ganoon.

Haaaaaay. Kinabahan tuloy ako, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa first day ko dahil hindi naman ako friendly, wala akong kaibigan maliban na lang kay Jane na kasamahan ko sa part time ko sa coffee shop. Naku! Oo pala, pagkatapos ng klase may part time pa pala ako. Oh diba? Ang hard-working ko na masyado.

---


"Welcome to Saint Claire's Academy"

Yun agad ang nakita ko sa may gate ng school na papasukan ko. Oh diba, kapangalan ko pa yung school nato. Pano naman kase sobrang elite ng school nato halos mayayaman ata lahat ng nag aaral dito eh pero iba naman sa side ko, nakakuha ako ng scholarship dito kaya free lahat ng babayaran ko sa school as long as kailangan kong i-maintain yung mga grades ko sa line of 9 at walang bababa sa 8. Hindi naman po ako matalino, sadyang ang sipag ko lang talaga mag-aral. Hehe. Ang kinuha kong kurso ay Business Management kasi pangarap ko talagang tumayo ng sarili kong business at ini-imagine na may sarili akong opisina. Wala namang mawawala kung susubukan ko.

Pagpasok ko ng gate, mas lalong bumilis yung tibok yung puso ko sa sobrang kaba. Pano naman kase andaming tao at lahat sila sobrang elegante ng mga suot na akala mo mga hari at reyna na nagpapatalbugan dito sa school habang ako, mukhang hamak na katulong lang nila. Pero ang ganda ko namang katulong. Hahahaha. Andami ring mga matang tumingin sa akin pero di ko na lang pinansin.

Pumunta muna ako sa faculty office para kunin ang report card ko para sa scholarship ko bago pumunta sa first class ko. Kakatok na sana ako sa pintuhan ng bumukas ito at iniluwa doon ang isang napaka gwapong nilalang. Oo gwapo sya. Sobra. Matangkad, makinis, at ang ganda ng hubog ng kanyang katawan pero hindi ako nagpa apekto dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako nababagay sakanya. Know your limitations kumbaga.

Kumunot naman ang noo nya na nakatingin sa akin, hindi ko alam pero tila hindi ako maka galaw sa kinatatayuan ko. Ang gwapo nya kahit na nakakunot pa rin ang noo. Damn!

"Move." Ma-awtoridad nyang sabi na syang ikinabalik ng kaluluwa ko. Damn. Pati boses nya ang sexy pero hindi to tama. Dapat tigilan ko na ang pagpapantasya ko. Hindi to nakakabuti sa akin.

Humakbang naman ako sa gilid para bigyan daan ang mahal na prinsipe ng hindi nagsasalita ng mapansin kong nakatitig pala ito sa akin. Hindi ko kinaya ang mga titig nya kaya yumuko na lang ako at hinayaan syang dumaan sa tabi ko. My heart is beating so fast ng hindi ko alam ang dahilan. Sht!

THE CAUSE OF MY EUPHORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon