CHAPTER FOUR

7 0 0
                                    



@ The Coffee Shop

Kinuha ko na ang uniform sa locker ko dahil magsisimula na ang part time ko. Ang laki na din ng naitulong ng coffee shop na to sa akin, mabuti na lang at mabait si ma'am zomy kaya tinanggap nya ako kahit part time lang ako kasi usually full time lang ang mga kinukuha nila dahil na rin siguro sa dami ng mga customers na pumupunta dito kaya laking pasasalamat k okay ma'am Zomy.

Si ma'am zomy ay magka edad lang pati ang nanay ko kaya siguro napamahal na rin to sakin, may anak na ito na kasalukuyang nag-aaral ng grade 1 at may sariling yayang nagbabantay dahil abala si ma'am zomy sakanyang negosya at eto na nga yun, ang kanyang coffee shop.

"Ay! Palakang bakla!" napasigaw ako dahil bigla na lang akong ginulat ni jane sa tabi ko. Baka magkaroon ako ng heart attack wala sa oras dahil sakanya. Tsk!

"Hahahahaha! Grabe reaksyon mo Claire."

"Jane naman eh, alam mo naman na mahina ako sa ganyan" at hinawakan ko pa ang dibdib ko na nagkunwaring inaatake sa puso.

"Naku! Sorry na, kaw naman. Namiss lang kita!" sabay yakap sa akin. Mabuti na lang naging ka-close ko itong si Jane. Ewan ko ba sa babaeng to. Nagrebelde sa magulang! Mayaman naman to eh, may condo, may sariling kotse tapos dito lang nagtatrabaho? Kalokohan. Palibhasa kasi, hindi pa handa sa kasal. Pina aaranged marriage kasi sya kaya eto sya ngayon nag rebelde at ginagawa ang mga gusto nya. Hindi ko rin naman sya masisisi, magpapakasal ka sa taong hindi mo naman mahal. Haaaaay.

"Ikaw muna magserve Claire, ako muna sa cashier kasi hindi pumunta si ate Micah, nilalagnat daw yung anak nya eh."

"Ahh, ganun ba? Sana gumaling na agad anak nya." Sagot ko naman ditto.

"Sige mag umpisa na tayo at marami tayong customer sa labas, naku may dalawang gwapo pa naman sa labas Claire. Ang ha-hot nila! Ayoko naman kumuha ng mga order nila kasi nahihiya ako. Hihi!" ayan, lumalabas na pagiging malandi nito kapag nakakakita ng gwapo. Hahahaha

"Nako ayan ka na naman. Tulo laway ka na naman kapag nakakakita ka ng gwapo" sumimangot lang ito kaya tumawa na lang ako at napailing. Kinuha ko na ang maliit na notebook at pen at nagsimulang nang maglakad palabas.

Inisa-isa ko ang lahat ng mga table para kunin ang mga order nila. Nung makalapit na ako sa pinaka dulo, nakita ko agad ang dalawang lalakeng pamilyar ang mukha. Ang isa ay tumitingin sa labas ng bintana habang ang isa naman ay busy na nakikipag kwentuhan sakanya. Ano kaya ang ginagawa ng dalawang to dito. Nag lakas loob akong lapitan sila para makakuha agad ako ng oorderin nila.

"Hi sir, may I take your order?" sabi ko kay lucas. Teka lucas nga ba name nya o luke? Hindi ko matandaan eh. Si shin lang yung natatandaan ko. My first crush. Haha! Oo minsan lang ako magka-crush kaya pagbigyan nyo na.

Napanga-nga naman ito ng Makita ako at kinalabit si shin ng paulit-ulit. Dahilan para magalit ito at sumigaw.

"What is it now lucas?!" singhal nito sakanya at hindi man lang ako pinansin.

"Dude, look! The Goddess that we're talking about awhile ago is here RIGHT INFRONT OF US!" diniin nya pa ang ang mga huling salita nya. Ngingiti pa ito na parang asong ulol. Kumunot lang ang noo ko sakanya at ibinaling ko ang tingin kay shin. Nang magtama ang mata namin, napanganga din ito pero agad na itiniklop at ibinalik agad ang tingin nya sa labas ng bintana. Sungit naman!

"So Claire, you're working here? Woaaah! What a coincidence!!" gulat na tanong ni lucas sa akin. Aba! Pano nya nalaman ang pangalan ko? Baka mga secret agent to?

"Yes sir, & if you don't mind can I take your orders now kasi may pupuntahan pa po akong ibang table." Malumanay lang ang pagsabi ko sakanya. Mahirap na baka sumigaw na naman si shin eh.

"Nah, screw the sir already. By the way I'm Lucas & this dude right here is my friend Shin. You remember us right? We're your classmates" at nginitian na naman ako. Aba mukhang jolly tong isang to samantalang yung kasama nya eh pang byernes santo yung mukha. Teka, classmates? So magkaklase pala kame pati na rin si Lucas.

" We were just talking about you awhile ago because... ARAY!! What the fuck was that shin?!" singhal nito kay shin habang hinihimas ang kanyang binti sa ibabaw ng table. Tinadyakan siguro ni shin. Grabe masama na nga ugali sadista pa.

"When will you shut the fuck up?" walang emosyon nyang sabi. Bakit ganun, parati na lang syang walang buhay kung magsalita. Pasan nya ba ang mundo kaya ganito ito umasta?Naiinip na ako sa dalawang to kaya sinabi ko na lang na tawagan nila ako kapag may order na sila. Puro pagmumura na lang naririnig ko sa dalawang yun eh.

Naging busy masyado sa loob coffee shop kaya hndi ko napansin na umalis na pala yung dalawa without getting their order. Nantitrip lang yata ang mga yun.

--

Inayos ko na ang mga gamit ko at nagpalit na rin ako ng damit dahil tapos na ang work sa coffee shop. 

"Bye Jane, bukas ulit, bye ma'am Zomy" kumaway pa ako sa kanila bago umalis.

"Mag-iingat ka iha." Sabi ni ma'am zomy. Ang bait nya talaga.

Nang nasa apartment na ako, dumiretso ako sa kwarto ko at pinikit ang mata ko. Sobrang pagod ko ngayong araw na to tapos idadagdag pa yung mga titig ni shin sa akin. Bakit sya ang iniisip ko ngayon? Pumunta na lang ako sa shower at naligo, maghahanda pa ako ng hapunan.

What a tiring day!


/ end of CHAPTER FOUR  /

THE CAUSE OF MY EUPHORIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon