Tres

21 2 0
                                    

Nang kami ay makauwi na at nakapagluto na ng pananghalian. Tumabi ako sa aking kapatid at tinanong siya tungkol kay Ron.

"Paano mo nakilala si Ron?" Mausisa kong tanong kay Sunny.

Tumingin sa akin si Sunny ng may nagtatakang tingin.

"Bakit mo naman natanong ate?" Sagot ni Sunny.

"Kuryoso lamang ako kasi bakit kayo lang ni papa ang nakakakilala sa kaniya. Ni hindi ko nga siya nasilayan dito sa bahay na bumisita." Saad ko.

"Si Kuya Ron ay pinalaki ni Father Tristan, dati siyang nakatira sa simbahan ngunit ng siya'y nagbinata ay naisipan niyang bumuklod kay Father. Dati ay hindi ko rin siya kilala o napapansin man lang sa simbahan, pero ng ikaw ay isang linggong na hospital ay naisipan ni papang lumapit kay Father para humingi ng payo dahil siya ay nahihirapan na. Kasama niya ako noon at doon namin nakilala si Kuya Ron." Mahabang paliwanag ni Sunny.

"Bakit hindi mo man lang nabanggit sa akin na kaibigan mo pala si Ron?" Tanong ko ulit.

"Dalawang beses ko lang nakausap si Kuya Ron at hindi na nasundan iyon kaya siguro nakalimutan ko ng banggitin sa iyo." Aniya.

"Ah ganoon ba. Bakit dalawang beses lang kayo nagkausap?" Tanong ko ulit.

"Ang narinig kong sabi ni Father Tristan ay umuwi muna si Kuya Ron sa probinsiya dahil may nakapagsabing hinahanap daw siya ng kaniyang lola, kaya siya pumunta para kumpirmahin kung lola niya ba talaga ito."

"Mabuti naman at may nahanap siyang kamag-anak." Ani ko.

"Masyado kang maraming tanong tungkol kay Kuya Ron. Gusto mo ba siya Ate?" May mapanuksong saad ni Sunny.

"Anong gustong sinasabi mo dyan? Wala akong gusto sa kaniya no!" Pasigaw na saad ko.

Bigla akong napatayo kasabay ng malakas na pagtawa ni Sunny. Nagsimula siyang asarin ako kaya'y napagdesisyonan kong ayusin na lamang ang aming lamesang gagamitin para sa tanghalian.

Maaga akong gumising pagsapit ng lunes. Maaga na rin akong umalis para hindi malate sa aking unang subject.

Nang ako'y nasa room na ay tatlo pa lamang kami ng aking kaklase ang nandito. Minabuti kong magbasa na lang ng libro tungkol sa medisina.

Limang minuto ang lumipas ay may kaklase na naman akong pumasok ngunit hindi na ako nag angat ng tingin dahil abala ako sa aking pagbabasa.

"Masipag ka pa lang mag-aral."

Napa angat agad ako ng tingin ng marinig ko ang boses na iyon sa aking harapan.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Ron.

"Nakalimutan mo na ba?" Tanong niya.

Kumunot ang aking noo at bigla kong naalala ang kaniyang sinabi nakaraan.
Kung ganoon, totoong dito siya lumipat. E bakit ngayon ko lang siya nakitang pumasok? Nasaan siya noong nakaraang linggo?

"Naalala ko na." Sagot ko.

"Talaga? Pwedeng tumabi sayo?" Tanong ni Ron.

Kumunot ang aking noo at napailing ng konti.

"Pwede bang huwag mo na lang akong kausipin? Kalimutan mo na lang na kilala mo ako." Saad ko.

Ang kaninang ngiti ni Ron ay biglang nawala at napalitan ng seryosong mukha.

"Masyado mong inilalayo ang iyong sarili sa mga tao." Saad niya at umalis.

Simula noon ay hindi na ako nilapitan ni Ron o kinausap man lang. Mas mabuti na iyon, ayaw ko naman talaga ng kaibigan.

Rain ìll Heart (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon