Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ko akalain na pasko na pala sa susunod na linggo. Masyadong maraming nangyari noong nakaraang buwan. Mas sumaya ako at mas sumigla.
Nakaupo ako ngayon sa aming hardin habang nakatanaw sa asul na asul na langit. Kasama ko ngayon si Sunny nakatanaw din sa langit.
"Ate, nakikita kong masaya ka kay kuya Ron." Saad ni Sunny.
"Masaya nga ako, pero hindi lang naman siya ang dahilan ng saya ko." Ani ko.
"Eh bakit ngayon ka lang naging masaya ng ganyan?" Tanong ni Sunny.
"Pinakita niya kasi ang mga bagay na dapat kong pagbigyan pansin sa mundong ito." Sabi ko ng nakangiti.
"Hindi mo na ba kami iiwan ate?" Tanong niya.
Pinatong ko ang aking kamay sa kaniyang buhok at ginulo ito.
"Ate naman! Hindi ako aso!" Sigaw ni Sunny.
"Hindi ko alam, Sunny. Hindi ko naman hawak ang buhay ko. Pero pangako ko na lalaban ako para sa inyo ni papa." Sabi ko.
"Ate, huwag mo muna kaming iwan. Pag umalis ka kaming dalawa na lang ni papa. Wala ng babae sa bahay. Malungkot yun." Seryosong sabi niya.
"Pero ipangako mo sa akin na aalagaan mo si papa palagi." Ani ko.
Tumango siya at tumingin ulit sa langit.
"Pangako ate." Aniya.
Ginulo ko ulit ang buhok niya habang nakangiti.
"Ate naman e! Kanina ka pa ah!" Sigaw ni Sunny.
Lumayo na si Sunny sa akin sa takot na guluhin ko ulit ang kaniyang buhok.
Mas pinapahalagahan ko lang ngayon ang mga araw na bigay sa akin ng Panginoon, dahil alam kong malapit ng lumubog ang araw sa dalampasigan at nagsisimula ng tumila ang napakalakas na ulan sa buhay kong ito.
Nang sumapit ang pasko ay inaya ni papa si Ron na dito na lang sa amin makisalo sa selebrasyon, ngunit tumanggi si Ron dahil gusto niyang bisitahin ang kaniyang lola na nasa probinsiya ngunit nangako naman siyang sa bagong taon ay dito siya makikisalo sa amin.
Mabilis lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Hindi ko namalayang papatapos na ang enero at sa susunod na linggo ay pebrero na.
Totoo nga pala ang sabi nila na kapag masaya ka ay mabilis ang oras. Kaya siguro ay hindi ko namamalayan ang mga araw dahil masasabi kong natutunan kong maging masaya at makontento sa araw na bigay ng Panginoon sa akin. Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Ron sa simbahan.
"Kung gusto kitang sundan ay dapat noong isang linggo ko pa ginawa. Hindi ba sumagi sa isapan mo na baka tayo ay ipinagtagpo talaga ng Panginoon."
Siguro ay ipinagtagpo kami ng Panginoon para matulungan ako ni Ron. Para mas maliwanagan pa ako sa mga bagay-bagay na mayroon ang mundo. Ito nga yata ang masasabi kong ipinagtagpo ngunit hindi tinadhana. Sinubukan ko namang pasayahin din si Ron at sa tingin ko ay nagagawa ko naman kaso kahit anong gawin ko ay si Cheska pa rin ang laman ng puso niya. Siguro nga ganito talaga ang mundo, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Sana bago man lang ako mawala sa mundong ito ay may lalakeng kayang tapatan ang pagmamahal ko sa kaniya o higit pa, pero kontento na ako sa ganito. Hihingi pa ba ako? Sobra na nga itong saya na nararamdaman ko ngayon.
"Bakit tulala ka?" Tanong ni Ron.
Nandito kami ngayon sa dalampasigan. Gusto ko kasing makakita ng dagat, makalanghap ng sariwang hangin, at maging mapayapa.
Patuloy lang akong nakatanaw sa magandang tanawin ng dagat.
"Naisip ko lamang ang mga sinabi sa akin ni Cheska noong nakaraan." Sabay ngiti ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/144543965-288-k219508.jpg)
BINABASA MO ANG
Rain ìll Heart (Short Story)
Cerita PendekIsang patak ng ulan, katumbas ng isang pintig ng puso.