Dos

33 0 0
                                    

Malakas ang buhos ng ulan dahil sa bagyong paparating. Sampung taong gulang ako noon habang nakikipaglaro sa bunso kong kapatid na lalake na nasa walong taong gulang na noon. Ang aming tili at tawanan ang umalingawngaw sa loob ng aming tahanan kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa labas ng aming bahay.

Sa kalagitnaan ng aming paglalaro ay bigla akong tumigil dahil sa walang kadahilanang pagbilis ng pintig ng aking puso. Umupo ako sa sofa habang sapong-sapo ang aking dibdib. Hindi ko maintindihan kung ano iyon pero ito'y nagpapahirap sa aking huminga.

Umiyak ako dahil sa sakit ng aking dibdib na siyang nagpabahala sa aking bunsong kapatid. Tinawag niya ang aming ama ng paulit-ulit hanggang sa lumabas sa kung saan ang aking ama at dali-daling lumapit sa akin.

Ang mukha niya ay punong-puno ng pag-aalala habang inaalo ako sa pag-iyak. Tinanong niya ako kung anong problema ngunit hindi ko magawang makasagot sa kadahilanang naghihirap akong huminga. Tinuro ko ang aking puso at tumingin naman agad doon ang aking ama.

Makalipas ang dalawang minuto ay huminto ang mabilis na pagpintig ng aking puso kasabay ng unti-unti kong panghihina at pagbagsak ng talukap ng aking mga mata.

Umulit pa ng ilang beses iyon kaya napagdesisyunan ng aking ama na ipatingin ako sa isang espesyalista.

Sampung taong gulang ako ng madiskubre namin na mayroon akong arrhythmia. Ito ay ang abnormal na pagpintig ng puso. Ang sabi ng doktor ay wala namang dapat ikabahala sa arrhythmia ngunit may mga gamot lamang akong dapat inumin. Ang sabi rin ng doktor ay dapat na akong magpapayat dahil isa ito sa dahilan ng aking arrhythmia.

Malimit na akong gumalaw sa takot na bumilis ulit ang pintig ng aking puso. Sa aking pagkain ay may dapat lamang akong kainin, at hindi dapat. Maraming bawal at hindi pwede ng magkaroon ako ng arrhythmia.

Bumaba ang aking timbang simula noon para maiwasan ang pagbilis na pagpintig ng aking puso ngunit sa nagdaang taon ay hindi pa rin nawawala ang aking sakit.

Nasa labing limang taong gulang ako nang maranasan ko ang pinakamalala ko na arrhythmia. Nilalagnat ako noon at nakahiga lamang sa aking kama ng biglang bumilis ang pintig ng aking puso na halos marinig ko na ang bawat pitik nito. Sumisikip ang aking dibdib at halos hirap na akong huminga. Gusto ko mang umiyak ngunit hindi ko magawa dahil sa bawat pagngiwi ko ay mas sumasakit ang aking dibdib.

Nahihirapan man ay pinilit kong tawagin ang pangalan ng aking ama
Nabigkas ko ang pangalan ng aking ama ngunit kulang ito para marinig niya. Sobra na akong nahihirapan kaya ay nagpagulong-gulong ako sa aking kama at doon ay nahulog ako sa sahig.

Nagbigay ito ng malakas na tunog kasabay ng aking malakas na pagsigaw dahil sa kirot na aking nararamdaman at doon ay narinig ko ang mabibilis na yapak papunta sa aking kwarto at doon tuluyang nagsara ang aking mga talukap.

* * * *

Pagmulat ng aking mata ay nasa isang silid na ako kung saan ay puti ang halos lahat ng aking nakikita. Mga isang minuto pa ang lumipas bago ko napag-alaman na ako'y nasa isang hospital. Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa ang aking ama at kapatid kasabay ang isang lalaking nakaputi lahat, na sa tingin ko ay doktor.

Tahimik lamang ang aking ama at kapatid ng nagsimula akong tanungin ng doktor kung ano ang aking palagay sa ngayon at kung ano ang naramdaman ko bago ako himatayin.

Sabi ng doktor ay gagawa muna sila ng mga test bago makumpirma kung anong klaseng arrhythmia ang mayroon ako. Nagtagal ako sa hospital ng dalawang araw bago nalaman kung ano ang aking sakit.

Ventricular Tachycardia. Isang klase ng arrhythmia na delikado. Pwede itong maging dahilan ng pagkamatay kung hindi magagamot. Malaking halaga ang kakailanganin para magamot ang sakit na ito. Kailangan kong magpatingin sa aking doktor dalawa o tatlong beses sa isang buwan.

Rain ìll Heart (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon