Chapter Three

25 3 0
                                    

Tyler's POV

Pagkatapos kami iwan ni Capt Ayven ay mga nagsiupo na kami, nakatinginan kaming lahat at napasabi ng

"Black Knights"

Natahimik ang buong silid matapos namin bangitin ang salitang yun,  sa totoo lang ay ayaw ko talaga sumali sa ganto at iwan ang aking pamilya sa malayo eh,  ngunit nagbago ang lahat ng yun nung nagkagyera sa lugar namin.

Flashback

"Anak!  Kamusta ang iyong pagsasanay! Mukhang lumalakas ka na huh! " sabi ng aking ama habang pilit akong niyayakap

"Ama!  Ano ba?! Ginagagawa nyo na naman akong bata eh!  Yung pagsasanay ko po ay ayos lang,  mahirap man po, pero kakayanin ko para sa lugar natin ama para may taga pagtanggol ang lugar natin! " sabi ko sa kanya habang pilit na kumakawala sa yakap ng aking ama.

"Magaling yan anak! Palibhasa simula ng mawala ang bayani natin ay nagkagulo na at wala nang poprotekta sa ating lugar" malungkot na sabi naman ng aking ina.

Kita ko naman ang lungkot sa mata ng aking ina,  totoo nga yung sinabi ng aking ina eh,  simula ng mawala yung tinatawag naming bayani ay nagkagulo na,  madami nang krimen ang nangyayari sa buong geo.

"Hayaan mo Inay at Ama! Pangako ko sa inyo na poprotektahan ko ang buong lugar natin! " sabi ko sa kanila habang nakataas ang kanang kamay

"Ikaw talagang bata ka,  basta lagi ka magiingat sa pagprotekta sa lugar natin anak,  mahal na mahal ka namin ng ama mo,  kahit ano man ang mangyari di yun mababago at habang buhay ay ipagmamalaki ka namin ng ama mo" sabi ng aking ina habang parang naiiyak na

"Susko naman, tingnan mo ang iyong ina nagdrama na,  pero totoo yung sinabi nya anak,  lagi mo yun tatandaan huh" sabi ng aking ama

"Sige po ama! " sabi ko naman sa kanila at niyakap sila ng sobrang higpit

Sa kalagitnaan ng tahimik na gabi ay may mga kaluskos akong narinig kaya ako nagising,  nakita ko na lang na wala na sa tabi ko ang aking amat ina kaya lumabas ako ng tahanan namin para hanapin sila. Ngunit paglabas ko ng tahanan ay may mga nakita akong taong mga nakataklob ang mukha at hila hila ang amat ina ko na walang malay na.

Hindi ako makagalaw dahil natatakot ako sa mga nangyayari,  batang musmos palang ako,  paano ko lalaban ng magisa ang mga armadong lalaking ito? Agad akong pumasok sa tahanan namin at kinuha ang sandata ng aking ama

Habang naglalakad ako papunta sa tinunguhan ng armadong lalaki ay may mga nakikita na akong patay na nagkalat sa buong lugar, mga taong humihingi ng tulong para tulungan sila,  binilisan ko ang aking paglakad papunta sa tinunguhan ng mga armadong lalaki.

"Nasaan ang dyamante? " tanong ng lalaking armado

"Hindi ko alam ang sinasabi mo,  wala sakin ang dyamante,  pakawalan mo kami ng aking asawa!" sabi ng aking ama

Sinipa sya ng armadong lalaki,  tinakpan ko ang aking bibig at sa pagtakip ko ng bibig ko ay sabay na pagtulo ng luha na pinipigilan ko kanina pa.

"ABAT TALAGANG SUMASAGOT KAPA!  ILABAS MO ANG DYAMANTE!  ALAM KONG NASA IYO YUN DAHIL SAYO INABOT IYON NG INYONG BAYANI! KAYA IBIGAY MO SAKIN! " sabi ng lalaking armado at pinagbubugbog ang aking ama.

Nagising ng aking ina dahil sa mga sigaw ng aking ama dahil sa pagiinda niya ng sakit

"ASAWA KO!!  MGA WALANGHIYA KAYO!  DIBA SINABI NA NAMIN SA INYO WALA SAMIN ANG DYAMANTE! "sabi ng aking ina habang umiiyak

Sinipa ng lalaking armado sa bandang tyan ang aking ina kaya napasigaw ng malakas ang aking ina,  wala akong magawa kundi umiyak dahil baka kaag lumabas ako ay saktan niya pa lalo ang aking magulang,  napapahigpit na lang ang hawak ko sa sandata ni ama

A War Between The RisenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon