Chapter Five

12 3 0
                                    

Zen's POV

Matapos sabihin ni capt ayven yung aming mga distrito na babantayan ay agad kong binitawan ang librong hawak ko. Naglakad na ako papunta sa may library dahil dun ako nakadistrito.

Nagtataka na talaga ako sa lugar nato, bakit ang daming silid kakaunti lang naman ang mga tao dito. Sigurado akong may tinatago ang lugar na to, at hahanapin ko yun ngunit hindi ngayon. 

Nang makarating ako sa library agad akong nagsimula maglibot at magusisa. Malaki pala ang library na to, may dalwang palapag ito at napapalibutan ng maraming libro at mga lamesa at upuan. Di bale ang pinakapasukan nito ay nasa ikalawang palapag kaya ang ikalawang palapag muna ang aking nilibot at inusisa.

"Mukhang matagal na tong library to?" Sabi ko habang natingin sa istante ng mga libro

"1700...1800.....1990...2000"

Napatigil ako sa pagtingin ng may naalala akong taon kaya bumalik ako at tiningnan

"1887" sabi ko.

Tumingin muna ako sa paligid bago tumingin sa mga libro nanduon. Napatigil ako ng makita ko sa bandang baba yung mga parang folder. Agad akong naghanap ng mga folder at dinala sa lamesa malapit sa pwesto ko.

Nang madala ko na lahat ng folder na yun sa lamesa ay nagsimula na akong magbasa. Napansin ko na puro cold case yung mga nandito. 

'Bakit kaya hindi to nareresulba? Hmm'

Napatigil ako sa pagbabasa dahil may napansin akong isang kaso

"The under ground room" hmm halata sa folder na yun na hindi man lang ginalaw di kagaya ng ibang folder na halatang pinagaralan sadya.

Kinuha ko to at nilagay sa bag na daladala ko. Binalik ko yung mga kinuha ko sa mga pagkinuhanan ko

Siguroy nagtataka kayo kung bakit ko tiningnan yung year na yun, kanina ko pa kasi napapansin yung 1887 sa lugar na to, simula sa loob ng kaharian may nakita akong 1887 sa may bandang gilid ng pintuan, ngunit di ko yun pinansin tas may nakita akong 1887 sa may bandang lamesa namin kanina sa may silid na pinaguusapan namin lagi.

Pinagpatuloy ko ang paglilibot ng library ng bumababa na ako sa unang palapag ay may napansin akong librong naiwan sa may bandang dulo, agad ko yung nilapitan para ibalik sa lalagyanan.

Napansin kong parang lumang luma yung librong yun at ang daming nakasipit na parang mga larawan at sulat at dyaryo. Sa halip na ibalik ay nilagay ko din yun sa aking bag. Mamaya ko na lang babasahin 

"Teka ano yun?" Sabi ko habang nakatingin sa isang istante ng mga libro napansin ko kasing parang may liwanag na nagmumula dun. Agad kong nilapitan yun palapit na sana kaso

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng kung sino

Agad akong lumingon sa nagsalitang yun at nakita ang isang matandang babae na may salamin at hawak ang mga libro

"Ahh ako po ang isa sa mga inatasan ni capt ayven na bantayan ang library to" sabi ko sa kanya

"Isa ka ba sa black knights?" Tanong naman niya

"Ahh opo" sagot ko naman

Tumango lang sya sakin at pumunta sa istante ng libro, muli kong nilingon yung istanteng may liwanag kanina ngunit wala na yung liwanag na kanina  nakita ko. Tiningnan ko muling mabuti yung istante at napansin kong parang may nakaukit na namang 1887 dun sa gilid.

Di ko muna pinansin yun at sumunod muna dun sa matandang babae dahil baka mapano pa sya.

"Bakit hindi pa kayo nauwi gabi na po huh?" Sabi ko sa kanya 

A War Between The RisenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon