Unknown's POV
"Black knight?" tanong ko habang nakatingin sa mga litrato na inabot nya sakin
"Oo, yan daw yung grupong binubuo ng gobyerno " sabi naman nya
Tumango na lang ako sa kanya at sinenyasan syang maari nang makalabas.
Nang makaalis sya ay muli kong tiningnan ang mga litrato, napatigil ako sa pagtingin t napatitig sa isang litrato, kilalang kilala ko tong taong to, hindi ako pwede magkamaling sya ito.
Nabitawan ko yung litrato nya at napatulala, makakaya ko kayang kalabanin sya? kakayanin ko ba syang labanan kahit sobrang importante nya sakin?
'Tok tok'
Agad akong napatingin sa pintuan at tinago yung mga larawan sa aking kahon.
"Pasok" sabi ko
Nakita ko naman na nagbukas yung pinto at pumasok ang isang lalaking nakaitim.
"Pinatawag nyo daw ako, ano ang mapaglilingkod ko?"sabi nya
"May paguusapan tayo, tawagin ang buong grupo natin, iibahin natin ang plano" sabi ko sabay tayo
'Dito na magsisimula ang tunay na laban'
Clary's POV
Ano ba yan, masyadong tahimik ang grupo ko, pero naisip ko paano nga kaya kung gusto maghiganti ang black hoods kaya nila ginagawa yun?Ano kayang ginawa ng gobyerno't kaya ganon na lang ang galit ng black hoods sa kanila?
"Magsitayo na kayo dyan, at magsipunta sa inyong mga sariling silid, simula ngayon dito na kayo maninirahan sa palasyo bilang mga gwardya ng gobyerno" sabi ni capt ayven.
Hindi namin napansin na bumalik na pala sya dahil na din siguro sa sobrang lalim ng mga iniisp namin
"Tsaka nga pala, ito ang unang araw nyo para magpatrol sa buong kaharian, magamasid kayo dahil baka may biglang dumating na mga rebelde at manakit na naman ng opisyal ng gobyerno" sabi nya sabay alis
Matapos nya sabihin yun ay mga nagsialis na kami at hinatid ng katulong sa silid namin. Agad kong inayos ang gamit ko bago maglinis ng katawan, pagod ako masyado dahil madami akong naranasan sa araw nato at nalaman.
Matapos kong maligo agad akong nagayos ng sarili at kinuha ang aking espada at lumabas na ng silid. Pagalabas ko ng silid sakto naman ding labas ni thomas ng silid nya na katabi lang ng silid ko.
Tiningnan nya lang ako, ngumiti naman ako sa kanya kaso biglang syang tumalikod at naglakad na
'Bastos talaga to psh!'
Tumakbo ako para makahabol sa kanya at hinampas sya sa balikat matapos ko sya mahabol, paano ba naman ang bilis bilis magalakad
"Hoy bat di mo ako inantay, nginitian kita ah tas tinalikuran mo lang ako, kakabastos ka" sabi ko sa kanya
"Ang bagal mo kasi, may pagingti ka pa don, alam mo bang nakakatakot yung ginawa mo, titingin ka tas bigla kang ngingiti parang baliw lang" sabi ni thomas habang seryoso padin nakatingin sa daan
' anak ng bastos talaga tong lalaking to '
"Bastos ka talagang lalaki ka, syempre kaya kita nginitian kasi binabati kita" sabi ko naman habang naiinis pa din sa kanya, ang lakas nya lang mangasar kanina pa yan eh
"Pasensya na di ko naman alam eh" sabi nya sabay lingon sakin at ngumiti ng pilit
"Aba maalam ka pala ngumiti noh, okay lang yun kapag ginagawa mo ulit yun di lang hampas abot mo sakin, babanatan na kita" sabi ko sa kanya habang pinapakita ang kamao ko sa kanya
BINABASA MO ANG
A War Between The Risen
Misteri / ThrillerIsang batang musmos lamang ang sapilitang isinali sa militar, pinasabak sa mga pagsubok na naglagay ng buhay niya sa kapahamakan, dahil siya nakaligtas sa pagsubok siya ay idinistrito ng militar sa mga taong may kakayahang makipaglaban para sa goby...