Chapter Eight

7 1 0
                                    

Third person's POV

Habang naguusap ang black knights biglang pumasok si capt ayven ngunit may nakasunod sa kanya isang lalaki

"Magandang araw Black knights, kailangan ko kayo makausap" sabi ng isang lalaki at biglang ngumiti ng nakakaloko sa kanila.

"Black knights sya ang ikalawang kamay ng pinuno may sasabihin sya sa inyo " sabi ni capt ayven at naupo sa upuan nya,  sumunod naman ang lalaki sa pagupo.

Umayos ng upo ang black knights at nakinig sa lalaking kaharap nila.

"Nais kong ipaalam sa inyo na dahil sa pagdating nyo dito sa palasyo, hindi na masyado umaatake ang black hoods, nais kong sabihin sa inyo na sana ipagpatuloy nyo yan,  at magkakaroon kayo ng isang pagsubok. Pero tsaka ko yun ibibigay sa inyo ang pagsubok na yun pag kumpleto na kayong lahat" sabi nya at tumayo na

"Hanggang dito na lang black knights, magensayo kayo ng mabuti at tapusin nyo sila" sabi nya at ngumiti ng nakakaloko bago lumabas ng silid.

Hindi agad nakaimik ang black knights matapos sabihin yun ng ikalawang kamay ng pinuno. Puno sila ng pagtataka dahil hindi nila alam kung ano yung pagsubok na sinasabi ng taong iyon sa kanila.

"Huwag nyo muna masyado pakaisipin yung sinabi nya,  ang mahalaga ay magpokus muna kayo sa ensayo nyo,  dahil kahit anong oras ay maaring sumugod ang balck hoods" sabi ni capt ayven.

Winasik na lang ng black knights ang sinabi ng ikalawang kamay ng pinuno at tumingin muli kay capt ayven.

"Bukas, ang gagawin nyo ay lilibutin nyo ang central geo,  magobserba kayo dahil maaring may nagmamasid sa atin" sabi ni capt ayven kaya agad silang nagsikilos at lumabas na ng silid.

Hinati nila muli ang grupo nila para malibot nila ang buong central geo ng mabuti. Ang unang grupo ay sina kiana, ashton, clary, thomas, kint, at ang pangalwang grupo ay sina haydra, cole, zen, tyler, mine.

Napagdesisyunan ng unang grupo na sa may bayan muna sila maglibot dahil maaring nanduon lang ang mga nagmamasid,  humiwalay sina kiana, thomas,  kint kina ashton at clary.

Pumunta sina kiana sa parteng kanan ng bayan samantalang sina ashton ay sa kaliwa.

"Bili na kayo!!! Mura lang ito! "

"Nako suki bili ka sakin,  di ka magsisi sariwa ito! "

"Mas sariwa dito, kaya dito na kayo bumili! "

Yan ang mga naririnig nila kiana habang binabagtas nila ang mga daan sa bayan.  Talagang maingay dito,  at madaming tao kaya madali lang sa mga black hoods na magmasid dito dahil hindi sila masyado mapapansin.

"Diba sabi nila,  karaniwang nasugod ang black hoods tuwing hating gabi? " sabi ni kint

Tumango naman si kiana

"Bakit sila magmamasid ng gantong oras? " sabi ni kint

Pinagpatuloy ni kiana ang pagmamasid at sumagot sa tanong ni kint

"Dahil maaring nalaman na nila ang tungkol sa grupo natin,  maaring gumagawa na sila ng bagong plano para hindi sila mahuli" sabi ni kiana

Tahimik lang na nagmamasid si thomas ng may mapansin siyang isang lalaking nakatingin sa direksyon nila,  nakahood ang lalaki, ngumiti ito ng nakakaloko sa kanya at tumalikod na.

Agad na tumakbo si thomas papunta sa lalaking iyon,  hindi siya makadaan ng ayos dahil nga masikip at madaming tao ngayon sa bayan.

"Teka thomas pasaan ka? " tanong ni kint at humahabol kay thomas,  sumunod naman si kiana dahil nakita niyang parang may hinahabol si thomas

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A War Between The RisenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon