Haydra's POV
Maaga akong nagising nitong umaga dahil mababaw lang naman ang aking tulog. Agad kong inayos ang sarili ko at dumiretso sa kusina para magalmusal, nakita ko si capt ayven na nagluluto sa kusina.
"Magandang umaga capt" sabi ko
"Magandang umaga din Haydra, kamusta ang tulog mo?" Tanong niya
"Maayos lang naman po, pagod po masyado sa laban kahapon" sabi ko
Nang matapos na syang magluto agad ko syang tinulungan sa paghahanada ng pagkain, nang matapos na namin ayusin ang aming mga pagkain ay nauna na kaming kumain ni capt sa ibang black knights. Tahimik lang kami habang nakain ng maisipan ko syang tanungin.
"Capt, ano pong gagawin natin ngayon" sabi ko habang patuloy pading nakain
"Ahh siguro ensayo na lang muna dito sa kaharian at maghanda kayo mamaya may dadating na bisita" sabi nya habang nakatingin parin sa dyaryo
"Sino po?" Tanong ko
"Mamaya nyo malalaman"sabi niya
Nagpatuloy lang kami ng pagkain ng biglang dumating ang mga kasamahan ko.
"Magandang umaga sa inyong lahat!" Sabi ni clary
Ang babaeng ito talaga di mo malalaman agad kung anong natakbo sa utak, minsan seryoso minsan may tama.
"Nubayan ang ingay agad, agang aga" sabi ni thomas
Agad naman syang inirapan ni clary bilang sagot, tong dalwang to hindi na nagkasundo
"Magandang umaga din magsiupo na kayo at magumagahan madami kayong gagawin ngayon" sabi ni capt ayven kaya agad na nagsiupuan ang aking mga kasamahan at nagalmusal na agad sila matapos sabihin yun ni capt ayven.
Habang nagaalmusal kami ay biglang nagsalita si capt ayven
"Kamusta ang inyong ensayo kahapon?" tanong niya
"Maayos lang naman po, nakalaban namin po ang hallows" sabi ko
"napatay po ni kint ang controller nila" sabi ni clary
"hindi ah, gawa din yun ni haydra kaya ko yun nagawa" sabi ni kint habang nakatingin sakin, agad akong ngumiti sa kanya pero bigla syang umiwas ng tingin sakin kaya pinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"anong elemento ang meron yung controller?" tanong ni capt ayven, napatigil ako ng pagkain pero di ko inaangat ang tingin ko tanging sa pagkain ko lang ako nakatingin.
"Kidlat po ang elemento nya, nahirapan po ako makipaglaban sa kanya dahil sa aminin man natin o hindi, hindi ko maipagkakaila na talagang malakas sya" sabi ni kint.
" Okay ka na ba yung sugat mo?" tanong ni clary. napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya, sa pagangat ng tingin ko nakita ko si thomas na blangko lang ang itsura habang nakatingin kay clary na inaabangan ang magiging sagot ni kint.
okay? anong meron?
" Okay na salamat" sabi ni kint
Matapos ang paguusap naming iyon at pagaalmusal agad kaming pumunta sa silid na lagi naming pinaguusapann dahil may sasabihin pa daw si capt ayven samin bago magensayo. habang nasa silid kami naguusap uusap lang kami kung ano kaya yung sasabihin ni capt ayven samin.
"Ano kaya yung sasabihin ni capt?" tanong kiana
"siguro tungkol sa ating ensayo?" sabi ni tyler
BINABASA MO ANG
A War Between The Risen
Mystery / ThrillerIsang batang musmos lamang ang sapilitang isinali sa militar, pinasabak sa mga pagsubok na naglagay ng buhay niya sa kapahamakan, dahil siya nakaligtas sa pagsubok siya ay idinistrito ng militar sa mga taong may kakayahang makipaglaban para sa goby...