"A stranger."

12 5 0
                                    

Roby's Point of View:

Hindi ko talaga alam kung bakit ako humingi ng tulong sa kanya. Hindi ko nga alam kung sino ba siya.

Baka mamaya holdaper siya, kidnapper, or rapist. Oh my ghad. You're so stupid, roby.

Bakit ba kasi hindi nalang yung personal maid ko yung tinawagan ko? Eeeeh, nakakahiya naman kasi, nasa vacation siya tapos tatawagan ko siya.

Wala talaga ako'ng choice.

Habang lumilipas yung oras, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Ang tanga-tanga ko talaga. Bakit ba kasi hindi nalang ako humingi ng tulong sa iba? Or nag-order ng new shoes online. Engot talaga.

Ilang minuto pa ko'ng nag-intay kahit sa totoo lang sobra'ng kinakabahan ako. Pano kung may gawin siya'ng masama sakin? Hindi naman siguro. Masyado lang siguro ako'ng nagiging judgmental.

"I'm here!"

What the....

Bigla ako'ng na-stiff sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Ni hindi ako makalingon para tingnan siya.

Oh my god!

Sino to? Siya na ba to?

Bigla kasi'ng may nagtakip sa mata ko.

Para'ng tumigil yung mundo ko. Sobra'ng kaba yung napi-feel ko ngayon. Pano kung bigla nalang niya ko tutukan ng baril or saksakin ng kutsilyo sa tagiliran.

Shit. Bakit ba ganito yung iniimagine ko? Inhale.... Exhale.... Inhale.... Exhale.... Relax, roby. Think positive. Kung may mangyari man, you have to run. Run to escape.

Inhale....

Exhale....

Inhale....

Tinanggal niya yung kamay niya sa pagkakatakip sa mata ko. Pero nanatili lang ako'ng nakapikit. Ayoko'ng makita kung sino siya.

"Hey! Are you okay?" Tanong niya.

His voice....

I fucking remember that angelic voice.

Kilala ko siya. I convinced myself.

Oo, tama! Siya nga! The guy who gave me hanky. Yung gwapo na mabait. Ano nga ulit pangalan niya? But....

How did he get my number? And where the hell did he get that shit? How come na siya yon? Is it for real?

"Hey, roby. Are you okay?" Ulit niya sa tanong niya kanina. At this moment, hindi ko talaga alam kung ano'ng irereact ko. I was dumbfounded all along. Wala ako'ng kaalam-alam.

Iminulat ko ang mata ko.

Bigla naman siya'ng lumakad papunta sa harap ko, "Hey, okay ka lang?" Sabi niya ng nakatingin sakin, sabay luhod sa harap ko para maging magka-level kami.

Hindi ko talaga alam kung pano nangyari na siya yung nagmessage sakin. At siya yung hiningian ko ng tulong ngayon. At, pano niya nalaman yung contact number ko...

Story of usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon