~Reign POV~
Naglilibot ulit ako dito sa resort at dala dala ko naman ang cellphone ko at camera ko. Kumukuha ako naman ako ng magagandang view dito eh
Nagulat na lang ako na may tumigil na kotse at motor sa harap ko
"Ikaw si Reign diba?" Tanong ng lalaki saakin
"Oo,bakit?" tanong ko sakanya pero nagulat na lang ako ng may humawak saakin
"Ano ba?!! Bitawan nyo ako!" Sigaw ko sakanila at pinilit na makawala sakanila
"Pwede ka naming gamitin na alas para mapa sunod si Alexander at Keil. May naka kita kasi sa inyo ni Alexander na magkasama so maybe jowa ka nya" sabi nya kaya natawa na lang
"Ulol! Di nya ako jowa at kailan man di mangyayari yun! Kaya pakawalan mo na ng ako!!" Sigaw ko sakanya pero nagulat na lang ako ng bigla nya akong sampalin sa mukha
"Tumahimik ka!! Ang ingay ingay mo!" Sigaw nya saakin kaya inapakan ko yung dalawang lalaki na nasa likod ko kaya nabitawan nila ako. Kaagad ko naman silang sinipa at sinapak saka tumakbo
Pero bago pa ako makalayo sakanila ay may mga lalaki na humarang saakin kaya sinipa ko kaagad sila saka sinapak. Buti na lang talaga at pinag aaral ako ni daddy ng mga martial arts
Pero napatigil ako sa pagsuntok sakanila ng may humila sa buhok ko. Nanaman?!! Magpapasalon nanaman ako nito eh!!!
"Aray!! Ano ba bitawan mo nga ako!!" Sigaw ko at pinilit na makawala
Pero napa upo na lang bigla ako sa damuhan ng sinuntok nya ako at sinipa. Kaya napa sigaw ako dahil sa sobrang sakit pero napa tigil sila sa pag suntok saakin at pagsipa ng may guard na sumita sakanila kaya umaalis kaagad
"Naku maam okay lang po ba kayo?" tanong guard pero di ko sya pinansin at tinawagan ko na lang si Kuya
*Conversation*
Kuya: Bakit baby sis?
Reign: Kuya,tulungan mo ako may mga lalaking umatake saakin
Kuya: Ano?!! Asaan ka ba?!
Reign: Nasa labas ako ng resort
Kuya: Sige pupunta na kaagad ako dyan,wala bang tao dyan?
Reign: Meron yung guard natin
Kuya: Sige,hintayin mo lang ako malapit na ako
*End of Conversation*
Naghihina na talaga ako pero bago pa dumilim ang paningin ko ay nakita ako na tao na papalapit saakin
~Keil Nathan POV~
Andito ako ngayon sa hospital binantayan ang kapatid ko pero di ko pa naman sinabi kina mommy at daddy ang nangyari
"Kuya?" tiningnan ko si Reign gising na pala sya
"Kaya nga ayaw kitang palapitin kay Alexander para walang mangyari sayo" sabi ko sakanya
"Di ko naman alam na mangyayari to eh" sabi nya saka umupo
"Kaya nga sa susunod wag ka na lumapit kay Alexandre sa susunod baka hindi lang yan ang abutin mo sa mga kaaaway namin" sabi ko sakanya
"Bakit ba kasi nila ako sinali sa away nyo? Ayan tuloy nasira nanaman ang maganda kong mukha at buhok" sabi nya kaya binutukan ko
"Aray!! Kuya naman eh!! Kitang may galos mukha ko!!!" Sigaw nya habang hihimas yung noo nya
"Napaka babae mong tao napaka yabang mo. Saan ka ba nagmana?" Sabi ko sakanya
"Kanino pa ba? Edi sayo,duh!" Sabi nya kaya natawa na lang ako
"Lika ka nga dito" sabi ko at niyakap sya
"Ayaw ko lang naman na may manyari sayong masama syempre baby sister kita eh" sabi ko at hinalikan ang noo nya
"Ang sweet talaga ng Kuya ko" sabi nya at niyakap rin ako
~~~~
Yang may binilugan ko yan ang nilalaro ko kaya matagal akong mag update mwehehehe😂😂 Yun lang naman and hope you enjoy!😘winternessa <3
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Fall For Me {Completed}
FanfictionPrincess Reign Faith Gomez Fernandez daughter of Kristalyn Gomez-Fernandez and Christian Fernandez and owner of the Fernandez Company and 'Famous' Kristal' Salon. Reign don't want to called "princess" because its to corny and she dont believe and fa...