TGWFFM 22

2.2K 43 0
                                    

~Reign POV~

Naka titig lang ako sa cabinet na andito sa kwarto. Sina Kuya naman ay sa lapag humiga,ang iingay nga nila kanina eh pero tumahimik sila ng sumigaw ako ng tumahimik sila

Kaya ngayon ay tulog na sila ngayon,ako lang ata ang gising dito sa kwarto ngayon kaya naman ay dahan dahan akong tumayo saka lumabas

Balak ko ngayon ay magpapa hangin lang. Hindi ako maka tulog ngayon eh,di ko rin naman alam kung bakit

Paglabas ko ay umupo ako sa sand at saka pinaka ramdaman ang malamig na hangin. Nagulat na lang ako ng may tumabi saakin

"Princess"

Ano nanaman ba kailangan nitong si Jacob?

"Ano kailangan mo?" Tanong ko sakanya habang hindi sya tiningana

"Let me explain please for what happen" sabi nya saakin

Wala naman sigurong masama kung pakikingan ko ang paliwanag nya no?

"Kaya ko lang naman nagawa yun dahil inakit nya ako"

"At nagpa akit ka naman? Alam mo naman ang kayang gawin nun. Sabihin mo nga saakin,minahal mo ba talaga ako?" tanong ko sakanya

"Sorry,pero si Christina talaga ang mahal ko pero di ko naman akalain na mahuhulog ako sayo"

Tf? Ang sakit nun ah. Di ko napigilan at napa hagulhol na lang ako

"Okay,wala rin naman akong magagawa kung si Christina ang mahal mo. Pero please wag mo saktan si Christina ha? Mahal na mahal ka nun,kaya nya akong saktan kahit na best friend nya ako" sabi ko sakanya

"Im really sorry,sana mapa tawad mo ako" sabi nya saka ako pinatahan kaya naman mas lalo akong napa hagulhol

"Hey.."

Kinalas ko naman ang pagkayakap kay Jacob saka tiningan yung isa pang tumabi saakin

"Hi best friend" sabi nya kaya naman lumakas ang pag iyak ko saka sya yinakap

"Im sorry Reign, di ko naman talaga sinasadya ang mga nangyari pero mahal ko lang talaga si Jacob. Im really really sorry" sabi nya saakin

"No,its okay. Alam natin na iba talaga ang magyayari sa isang tao dahil sa pagmamahal,and im sorry rin dahil nasaktan kita" sabi ko sakanya

"So? Bati na tayong tatlo ha?" Sabi ni Jacob at tumango na lang ako

"Yey! Group hug!!" Sigaw ni Christina kaya naman nag group hug kaming tatlo at bumitaw rin kaagad

"Alam nyo,namiss ko kayo" sabi ko sakanilang dalawa

"Kami rin naman" sabi ni Jacob saka ngumiti

"Teka nga pala Reign,bakit gising ka pa?" tanong ni Christina saakin at inakbayan naman sya ni Jacob kaya naman napa ngiti na lang ako

"Hindi ako maka tulog eh,ay sya nga pala Christina,may sasabihin ako sayo" sabi ko sakanya

"Oh? Ano naman yun?" tanong nya saakin

Sorry Kuya Keil kung sasabihin ko kay Christina mwehehe

"May gusto si Kuya sayo dati,kaya nagalit sya sayo" sabi ko sakanya

"Ano?! Seryoso? Paki sabi na lang na sorry pero si Jacob talaga mahal ko eh" sabi ni Christina kaya naman natawa na lang ako

"REIGN!!"

Tumingin naman kami kung sino yung sumigaw at tiningnan namin kung sino yun. Si Kuya Keil pala kasama ang mga kapwa gansters nya

Kaya naman tumayo kaming tatlo saka tumingin sakanila

"Christina,pag tripan mo nga si Kuya. Okay lang naman siguro sayo no Jacob?" tanong ko at tumango naman sya

Pagkalapit nila Kuya saamin ay lumapit si Christina kay Kuya

"Ikaw ah,di mo pala sinabi na may gusto ka saakin noon" sabi ni Christina kaya naman tiningan ako ng masama kay Kuya kaya nag peace sign na lang ako saka ako inakbayan ni Jacob

"Yung sinabi ko sayo Jacob ah? Wag mo saktan si Christina" sabi ko sakanya

"Alam ko na yan princess" sabi nya saka ako yinakap patagilid kaya natawa na lang ako

Napako ang tingin ko kay Alexander na masama ang tingin saamin ni Jacob. Anong nangyari sakanya?

"Bitawan mo na nga ako,baka mag selos yang girlfriend mo" sabi ko kay Jacob kaya binitawan nya naman ako kaagad

"Christina tama na yun hoy!" Tawag ko sakanya saka sya hinila

"Okay na kayong tatlo?" tanong ni Kuya Drake saamin at tumango lang kami

Tumingin ulit ako sa pwesto ni Alexander kanina pero wala na sya,asan kaya pumunta yun?

~~~~~
Hope you enjoy!

winternessa <3

The Gangster Who Fall For Me {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon