TGWFFM 17

2.3K 52 0
                                    

~Reign POV~

Andito ako ngayon kwarto habang naka higa. Tapos ko na rin naman ligpitin ang mga susuotin ko papunta sa palawan, and yes,kasama ko pa rin si Alexander dun -_-

Mamaya na ang flight namin. Susunod daw doon sina Kuya Keil at Kuya Drake,pero sa susunod na araw pa sila pupunta doon

Nagulat na lang ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto ko at saka pumasok si Alexander

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" Sigaw ko sakanya

"Ha! Baka nakakalimutan mo ngayon tayo pupunta sa resort nyo? Malalate na tayo" sabi nya kaya napatingin naman ako orasan at nanlaki na lang ang mata ko ng mapansin ko na malalate na pala kamk kaya tumayo kaagad ako

"Tara na!" Sabi ko sakanya saka kinuha ang mga gamit ko. Buti na lang talaga at tapos na ako mag half bath

Paglabas namin sa bahay ay kinuha ni Alexander ang mga gamit ko at sya na ang naglagay sa mga gamit ko sa likod ng van kaya naman pumasok na ako sa loob ng van

Pagkapasok nya ay nagsimula na rin mag drive ang driver namin. Kasama ko dito sa loob ng van ay sina mommy and daddy saka si Kuya Keil at Kuya Drake

Pagdating namin sa airport ay lumabas kaagad kami

"Princess mag iingat ka doon okay?" Sabi ni mommy saakin saka ako niyakap

"Alexander,bantayan mo ang kapatid ko ah?" Sabi ni Kuya Keil saka nakipag manly hug kay Alexander kaya naman kumalas na ako sa pagka yakap namin ni mommy

"Princess,please kahit saan ka magpunta dapat kasama mo si Alexander. Para wala nang manyari sayo,ayaw nanamin na pag pupuntahan ka na namin ng mommy mo ay nasa ospital ka" sabi ni daddy saka hinimas ang buhok ko kaya naman tumango na lang ako

"Sige punta na kayo sa loob,malalate na kayo eh. Susunod rin kami doon" sabi ni Kuya Drake saka ako hinalikan sa noo

"Sige Kuya Drake,Kuya Keil,mommy at daddy alis na po kami" sabi ko sakanila saka kumaway bago pumasok sa loob

Pagpasok namin sa loob ng airplane ay humanap ng ako ng mauupuan namin ni Alexander. Ng makahanap na ako ng mauupuan namin ay kinuha ko ang ibang gamit ko na hawak ni Alexander pero napa kunot na lang ang noo ko ng ilayo nya ang mga gamit ko

"Umupo ka na, ako na maglalagay ng mga gamit natin" sabi nya kaya nagkibit balikat nalang ako saka umupo na pero umupo ako malapit sa window

"May headset ka?" tanong ko sakanya

May kinuha naman sya sa bulsa nya saka ibinigay saakin ang headset nya

Habang nakikinig ako sa mga music ay hindi ko mapigilan na humikab dahil sa antok

Kaya naman humilig na lang ako sa salamin pero bigla na lang lumipad na ang eroplano kaya naman nauntog ako sa window kaya napahawak ako sa gilid ng noo ko

"Shit" sambit ko habang nakahawak pa rin sa gilid ng noo ko

Naramdaman ko naman may humawak sa kamay ko

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Alexander at sya na ang humihimas sa gilid ng noo ko

"Eh inaantok ako kaya humilig ako sa window at di ko napansin na lumipad na pala tayo kaya nauntog ako" sabi ko sakanya

Nagulat na lang ako ng inilagay nya ang ulo ko balikat nya

"Matulog ka na" sabi nya saakin saka ako inakbayan

Wala akong panahon makipag bangayan sakanya ngayon kaya matutulog na lang ako

~~~
Sana nagustuhan nyo!😊

winternessa <3

The Gangster Who Fall For Me {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon