TGWFFM 16

2.3K 49 8
                                    

~Reign POV~

Andito na kami ngayon sa bahay at ako naman ay andito sa kwarto. Bukas pa naman ako pupunta doon sa isa pa naming resort

Pababa na ako ngayon kasi balak ko sana pumunta sa timezone eh sa nabo bored ako dito sa bahay eh. Naka jeans,vans na sapataos at white t-shirt lang naman ako saka dala dala ko yung maliit na backpack ko

Ayoko na may magbabantay saakin at balak ko silang takasan mwehehehe

Pagbaba ko ay hindi nila ako napansin kaya naman dahan dahan akong naglakad papunta pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto at ready na lumabas ng may nagsalita

"Saan ka pupunta?"

Dahan dahan akong tumingin sa likuran,nakita ko si Kuya Keil,Kuya Drake and Alexander na seryoso ang mga mukha

Gulp*

"Hehehe,sa timezone lang naman ako pupunta" sabi ko sakanila

"Okay,pero dapat kasamw mo si Alexander" sabi ni Kuya Keil saakin

Omyghadd! Not again! Sorry Kuya...

"Ayoko!" Sigaw ko saka binuksan ang pinto at tumakbo papalabas saka pumunta sa kotse ko buti nalang dala ko na susi ko sa kotse

"Manong,paki bukas ang gate! Dali!!!" Sabi ko saka pumasok

Magda drive na sana ako ng humarang sa daan si Kuya Keil at Kuya Drake

"PRINCESS REIGN FAITH!!!" Sigaw ni Kuya Keil

Patay kang bata ka
gulp*

Bumaba naman ako kaagad sa kotse at lumapit naman si Kuya Keil saakin

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Ano ba ang hindi mo maintindihan na kailangan may magbabantay sayo dahil mapapahamak ka nanaman!!" Sigaw ni Kuya Keil kaya yumuko na lang ako

Galit talaga si Kuya

"Reign naman! Pwede makinig ka naman! Kung ayaw mong makasama si Alexander eh dito ka nalang sa loob ng bahay!"

"Insan tama na yan" sabi ni Kuya Drake

"Reign,please? Makinig ka naman oh" sabi ni Kuya Keil saka naman ako dahan dahang tumango

Yinakap naman ako ni Kuya Keil kaya niyakap ko rin sya

"Sorry Kuya" sabi ko saka hinigpitan ang pagkayakap

"Sorry rin kasi nasigawan kita. Pero please,kung gusto mo pumunta sa timezone eh dapat kasama mo si Alexander" sabi ni Kuya kaya tumango na lang ako saka kinalas ang pagkayakap

"Alexander,bantayan mo ng maigi ang kapatid ko ah" sabi ni Kuya Keil at nakita ko naman na tumango na lang si Alexander kaya naman pumasok na lang ako sa kotse saka rin pumasok si Alexander sa driver seat

Habang nagda drive na sya ay tahimik lang kaming dalawa habang papunta sa timezone

Pagdating namin ay pinark nya muna ang kotse saka kami lumabas. Pagpasok namin sa timezone ay maraming tumingin kay Alexander na mga babae kaya napa irap na lang ako saka ako pumunta sa basketball

Ini swipe ko muna yung card ko saka ako naglaro. Buti na lang tinuruan ako ni Kuya Keil mag basketball at kahit papaano ay naka score ako

"Ang galing mo pala maglaro,bihira lang sa mga babae ang maglaro ng basketball"

Tiningnan ko yung sino ang nagsalita. Pero hindi si Alexander ang nakita ko,medyo familiar nga sya eh

"Oh? Ano? Hindi mo ako naalala? Kita mo to?" Sabi nya habang ipinakita ang papagaling na black eye nya kaya napa kunot ang noo

"Anong pinagsasabi mo dyan?" tanong ko sakanya

"Ikaw yung may gawa nito,doon sa resort nyo" sabi nya kaya nanlaki nalang ang mata ko

Sya yung sinuntok ko!
Lord,may mangyayari nanaman ba saakin?

Nagulat na lang ako ng hawakan nya ang braso ko. Ang sakit kasi sobrang higpit ng pagkawak nya

"Aray! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko kaya naman napa tingin saamin ang mga tao na nandito sa loob ng timezone

Nagulat na lang ako ng biglang natumba ang lalaki na humawak sa kamay ko kaya naman tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Alexander.Bago pa ako magsalita ay hinawakan nya ang kamay ko saka lumabas sa timezone at pumasok sa kotse

"Ano? Okay ka lang?" tanong nya saakin pagkapasok sa kotse at hinawakan ang braso ko na hinawakan ng lalaki kanina

"O-okay lang ako" sabi ko sakanya

Ang awkward ah -_-

Binitawan nya na ang braso ko saka nagsimula ng mag drive

~~~
Ahihihihi😂 sana nagustuhan nyo mwehehehe🌸

Facebook: Winternessa WP
Twitter: imwinternessa

winternessa <3

The Gangster Who Fall For Me {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon