~Reign POV~
Nagising ako ng dahil medyo nagugutom na ako kaya naman kinuha ko ang cellphone ko saka tiningnan kung ano na ang oras
Gabi na rin pala kaya naman tumayo na ako at dinala ang cellphone ko saka lumabas sa kwarto
Naglakad ako papunta sa restaurant namin dito sa resort
Pagpasok ko sa restaurant ay sa vip ako pumasok
"Same order" sabi ko sa waiter at tumango lang sya saka umalis
Alam na nila ang order ko dahil minsan nagbabakasyon kami dito ay paulit ulit lang ang order ko
Bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Kaya naman sinagot ko kaagad ito
*Conversation*
Reign: Hello?
: Reign asan ka?!
Reign: andito lang ako sa restaurant, bakit ba Alexander?
Alexander: dyan ka lang,pupuntahan kita
*End of conversation*
Mga ilang oras rin ay dumating na mga pagkain kaya naman nagsimula na rin akong kumain
Mga ilang oras rin ay dumating na si Alexander
"Bakit ba hindi mo tinawagan na aalis ka?" tanong nya saakin saka umupo
"Eh nagugutom na ako eh saka di ko naman napansin na nandoon ka lang pala sa kwarto" sabi ko saka nagsimula ulit kumain
"Diba sinabi na ng Kuya mo kung saan ka pupunta e dapat kasama mo ko" sabi nya
"Oo alam ko na yun,kumain ka na lang dyan" sabi ko sakanya
Kapag talaga may ng isturbo saakin lagot talaga sila. Bawal akong isturbohin pag kumakain
Nagulat na lang ako ng may na tapon na inumin saakin
Shit!
"Naku maam! Okay lang kayo?" tanong ng waitress saakin
"Okay lang ako,sino may gawa nun?" tanong ko sakanya saka tumayo
"Sya po maam,parang sinadya nga po eh" sabi ng waitress kaya tiningnan ko yung tinuro nya
"I knew it! Ikaw nga!"
"Christina,ano nanaman ba kailangan mo?" tanong ko sakanya
"Gusto ko lang naman na umalis ka dito dahil hindi ako makakain pag nakikita kita" sabi nya saakin
Kaya naman napatingin na saamin ang ibang customers dito
"Kung ayaw mo akong makita edi pumikit ka!" Sabi ko sakanya
"You bitch! Pagkatapos mo agawin si Jacob saakin?!" Sigaw nya
Shit,abnormal ba sya?
"Hoy! Baka nakalimutan mo na ikaw nang agaw kay Jacob saakin?! Diba nga pumasok ka sa kwarto nya?" Pang aasar ko sakanya
Suntukin ko kaya ang babaitang ito? Pinapainit ang ulo ko -_-
"Dahil sayo kaya ako iniwan ni Jacob!" Sigaw nya
"Hindi ko na kasalanan yun! Nakaya mo nga syang agawin saakin sure din akong kaya mo yun pabalikin sayo! Sa landi mong yan!" Sigaw ko
Hindi ko na talaga mapigilan at naiinis na ako sa babaitang to -_-
"How dare you!" Sigaw nya saka sinampal ako kaya sinampal ko rin sya
Pero bigla na lang nya hinila ang buhok ko kaya naman sinipa ko sya tiyan
"Wag na wag mo ako gagalitin Christina baka mapatay kita. Paalisin nyo yan dito ngayon din! Kung ayaw nyo mawalan ng trabaho!" Sigaw ko sakanila saka lumabas sa restaurant namin
Nag buntong hinga muna ako bago naglalakad lakad dito sa resort. Magpapahangin na lang muna ako baka sakaling mawala yung inis ko sa Christina na yun -_-
"Hey.."
"Ay baklang bakulaw!!"
Tiningnan ko kaagad kung sino yung nagsalita,di ko napansin na andito na pala to si Alexander
"Wow,napaka pogi ko tapos sabihan mo ako ng baklang bakulaw?" sarcastic na tanong nya saakin kaya naman inirapan ko na lang sya
"Eh ginulat mo ako eh" sabi ko sakanya at napa iling na lang sya
"Ano masakit ba pagka hila ng babae na yun sa buhok mo?" tanong nya saakin saka inayos ang buhok ko
"Hmmm medyo,nakakainis talaga yung babae na yun kahit kailan. Inggitera kasi" sabi ko
"Sino ba yun?" tanong nya saakin
"Si Christina,magkaibigan kami noon sa LA pero inagaw nya saakin si Jacob nun kaya ayun nagkawatak watak ang pagkakaibigan namin" sabi ko saka hinimas ang braso ko
"Nilalamig ka na eh,tara na" sabi nya saka ako hinila
Pagpasok namin sa kwarto ay nagbihis kaagad ako ng pantulog sa cr
Paglabas ko ay nakita ko nanonood ng tv si Alexander
"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko sakanya habang umupo sa kama
"Hindi pa" sabi nya kaya nagkibit balikat na lang ako
"Okay,matutulog na ako. Goodnight" sabi ko saka humiga na sa kama saka pumukit
~~~~
Hope you enjoy this chapter!😊winternessa <3
BINABASA MO ANG
The Gangster Who Fall For Me {Completed}
FanficPrincess Reign Faith Gomez Fernandez daughter of Kristalyn Gomez-Fernandez and Christian Fernandez and owner of the Fernandez Company and 'Famous' Kristal' Salon. Reign don't want to called "princess" because its to corny and she dont believe and fa...