Chapter 1: Don't Cry

19 2 1
                                    


Chapter One: Don't Cry

"I told you I won't drink that thing." Mariing tugon ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. I drifted my eyes to the window and stare at it blankly, not showing any expression.

"Sweetie, please. Para gumaling ka." Pagpupumilit niya.

"No." I said coldly.

"Brielle, anak. Sige na, inumin mo na ang gamot." Sabi naman ni Manang, isa sa mga katulong na tumutulong kay Sandra para painumin ako bang gamot.

"Sweetie, please. I'm begging you to move on. It's been 2 months since your-"

"Leave." I cut her off before she finished her sentence. I motion my finger to the door asking her to leave my room.

"Ma'am Sandra, tara na po baka mas lalo lang magalit si Brielle at ikasasama pa yun nang pakiramdam niya." Aya ni Manang kay Sandra. Kita ko sa peripheral vision ko na may pumatak na namang luha sa mga mata niya. Drama...

"Brielle, ano bang nangyayari sayo? Hindi ko kayang nakikita kang ganyan, anak. Please, just let me be your mother, after all this years na hindi kita naalagaan babawi ako sayo ngayon. Just forgive me." Humagulgol na siya sa pag-iyak at saka tinignan ako nito.

I smiled sarcastically, not showing any emotions in my eyes.

"I don't need you to be my mother, and you will never ganna be my mother, maybe by blood but not in my heart. Leave. And don't show me you're face ever again." Itinuon ko ulit yung atensyon ko sa bintana. Napabuntong hininga ako nang marinig ang pagka-sara nang pinto.

Tuloy tuloy lang ang pagragasa nang luha ko saking mata sabay nang malakas na pag-ulan. Humikbi na ako para lang maibsan ang sakit na nararamdaman ko, eh kailan lang ba naibsan ang lungkot ko? Parang araw araw mas lalong nadadagdagan eh.

When my father left me because of my mother ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa puntong yun. I lost him... the only man I only treated my family, the man who raiced and love me more than his life. But he choose to leave me because of his stupid and unreasonable reason.

Gustong gusto ko na siyang sundan kung nasaan man siya, pero may pumipigil saking gawin yun. Ewan. Naiinis na ako, nalulungkot at gusto ng gusto nang wakasan ang buhay ko.

Bakit ba kasi ang lupit nang tadhana? Bakit parang unfair naman ata? Sobra sobra naman ata? Hindi ko na kasi kaya.

Unti unting bumigat ang talukap nang mga mata ko, itutulog ko na naman ang nararamdaman ko. Palagi naman.

Mula sa mini couch na nakadikit na nasa harapan lang nang bintana ay ipinagsiksikan ko ang sarili ko para lang makahiga nang maayos. Ilang sandali lang ay natulog na nga ako.

Nagising ako dahil sa kumakalam na ang sikmura ko. Hindi pa pala ako kumakain kaya bumangon ako at saka sinuot yung pink jacket ko a
saka hinablot ang wallet at cellphone. Walang paalam na lumabas ako nang bahay nila.

Nila. Kasi hindi naman to samin. Nakikitira lang ako dito sa bahay nang asawa ni Sandra nung namatay si Daddy. Sa mga tita at tito ko naman sa side ni Daddy ay walang magawa dahil gusto ni Sandra na siya ang mag-aalaga sakin.

Sumakay ako nang taxi pagkalabas ko nang subdivision. Bumaba ako sa 7/11 at saka pumasok. Binati ako nang guard at iilang staffs nila kaya tumatango lang ako. Bumili ako nang cup noodles at saka mogu-mgu, lays at saka nova.

Inilapag ko ang tray sa mesang hindi pa ukupado at napansin kong dalawa lang pala kaming customer dito, anong oras narin din kasi kaya hindi nakakapagtaka na wala nang tao na makikita sa daan. Maliit lang na bayan ang Hamilton Bridge. Ewan ko ba, pero ang weird nang pangalan nang bayang to. May Bridge eh.

Napansin kong nakatingin sakin ang kaharap kong lalake. Magkaharap lang kami dahil sa right ako naka-upo at siya naman sa left kaya malamang magkaharap kami. Medyo pamilyar na siya saken dahil minsan ko narin tong nakikitang bumibili dito dis-oras na din nang gabi.

"Madalas kitang nakikita dito." Luminga ako sa paligid nang mapagtantong ako nga ang kinakausap niya. My eyebrows farrowed.

He smiled.

"Bago ka rito, no?" Tanong niya ulit. I nod.

"I see. What's your name?" Alam ko na ang mga galawang to, laos na kasi saken to. Psh.

"Did your mother teach you that don't talk to strangers?" I asked. Mukhang napaisip pa siya bago tumango

"Then don't talk to me." Pagsusungit ko.

"Yes, but talking to a beautiful stranger isn't bad at all." Inirapan ko siya at saka sinimulang kainin ang noodles sa harapan ko.

"Compliment na yun, uy!"

"As if I care." Mahinang sabi ko at nilantakan ang pagkain ko.

"Luh. Ba't ang sungit mo naman ata Miss?" Nakangising tanong nito.

"Because I don't talk to stranger."

"Gorgeous hot stranger to be exact." Hobby ata nitong ngumiti eh, at saka ang yabang daig pa yung hangin sa labas.

"Don't say bad words, that's bad." Note the sarcasm.

"Kung alam ko lang na masama pala ang pagiging gwapo edi sana hindi nalang ipinakalat nang mga ninuno ko ang dugo namin." My jaw dropped.

"Seriously, dude. Don't talk to me. Please lang." These guy is getting into my nerves. Ang over naman ata nang confedence nang isang to.

"To naman di na mabiro! Para kasi ang lungkot lungkot mo, pansin ko lang." Nakangiti niya paring sabi dahilan para manumbalik ang sakit na nararamdaman ko kanina lang. Ipinagpaguloy ko nalang ang pagkain ko at hindi na muna siya pinansin.

"May nasabi ba akong masama? You okay?" Pansin kong may luhang pumatak sa pisnge ko kaya marahas ko itong pinahid.

"Don't cry." Nakalipat na pala siya nang upuan sa harapan ko at binigyan ako nang panyo

"I don't need your pity." Mariing wika ko.

"Grabe siya oh." Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya, nag peace sign naman siya.

"Babatukan na talaga kita, bwesit ka." May halong pagbabantang sabi ko.

"Wanna go with a late night walk with me?" Aya niya, hindi na niya pinansin ang banta ko.

Late night walk? Isn't it dangerous? I don't care about the dark at night but him. Baka masamang tao siya? O di kaya kukunin ang laman ko at saka ibenta?

Baka...

No that's too cliché. Wtf?!

"I know that your having a second thoughts, Its really hard to trust someone you just met but I won't hurt you. Sa gwapo kong to, uy!" Okay na sana yung una pero yung huling sinabi niya, wag nalang uy!

Wtf.

Nahahawa na ata ako sa lalakeng to.

"Fine. Thirty minutes." Tatayo na sana ako at handa nang iiwan ang mga hindi ko naubos na pagkain nang bigla niya itong kinuha lahat maliban sa cup noodles.

"Dadalhin ko na'to, sayang naman kasi. Hihi." Umiling iling lang ako at nauna nang lumabas sumunod naman siya. Napangiwi ako dahil hawak hawak niya yung mogu-mogu ko, walang pag-aalinlangan hinablot ko ito sa kanya.

"Akin yan, uy!"

"Aangal ka? Akin to!" Ipinakita ko sa kanya yung kamao ko na handang handa siyang suntukin kung aangal nga siya.

"Ang sabi ko nga, sayo na diba? Ikaw naman kasi hindi mo pa ako pinapatapos eh." He form his lips into a pout. I glared at him.

"Cute ko, no?" Sabi niya at nag puppy eyes.

"Mukha kang asong ulol." Tinignan niya ako nang masama.

"Tara na, bago pa mag bago ang isip ko na iwan ka dito." Nagsimula na akong maglakad at agad naman siyang sumunod na may ngiti sa labi.

He looks so really happy while we're walking. I guess wala siyang iniintinding problema? Sana ako din. Sana tulad niya nalang din akong masaya at mukhang walang problema. At least masaya diba?

End of Chapter One

The Stars In The SkyWhere stories live. Discover now