Chapter 2: The Name Was Paxton

4 1 0
                                    


Chapter Two: The Name Was Paxton

"Where have you been last night, Brielle? Wala ka sa kwarto mo, kahit sa garden wala ka? Umalis ka ba at bakit hindi ka nagpaalam?" Tanong ni Sandra.

"Oo." Tipid kong sagot.

"Brielle saan kaba kasi nanggaling?" Tanong ni Tito Art, yung lalakeng pinalit ni Sandra sa papa ko.

"7/11 kumain ako." Malumanay ma sagot ko at saka pinatuloy ang pagkain dito sa kama ko. Dalawang subo palang ako pero tila nawalan ako nang gana kasi nandito yung mag-asawa sa harapan ko. Nilagay ko sa maliit na mesa ang tray at agad na humiga saka nag talukbong. I heard them sighs because of my action. Siguro dahil sa dalawang buwan na ganito ako ay nasanay na sila. Narinig kong lumabas na sila nang pinto. Isang oras na akong nakahiga at sumasakit na yung ulo ko.

May marahang kumatok sa silid ko pero hindi ko ito pinansin. Nanatili lang akong tulala nang makita ko si Briana na pumasok.

Anak nina Sandra at Tito Art, she's my half sister. Kahit galit ako sa parents niya ay hindi ko magawang magalit sa kanya, shes too young and innocent to understand the situation.

"Ate! You want Chickie?" Masiglang sabi nito at saka nilapitan ako. Agad niya akong niyakap na para bang isang teddy bear.

"Ate is already full." I cupped her face then squeeze her cheeks na agad namang namula.

"Machakit ate." Nag-pout siya at saka hinimas himas yung cheeks niya.

Kahit papano ay naging close kami ni Briana. Kahit 5 years old palang siya ay minahal niya ako na parang totoong kapatid niya.

"Ate loves you, Brian."

"Briana loves ate too, so don't cry na." Pinunasan niya yung luha na pumatak sa mukha ko. Ngumiti ako. Ngiting ngayon ko lang ulit nagamit.

"Ate your smiling pa pala? Akala ko palagi ka nalang tulala. And it makes Briana sad." Napa crossed arms siya.

"The reason why im not smiling is because ate is sad. But you were here that's why im happy. Remember this Briana, the moment you see me smiling it means im already happy." I don't want to promise her that I can't keep, this is the best thing I can do to cheer her up.

"I can't wait for that moment to come, ate."

***

"Oh, tulala ka na naman?" Halos matapon ko yung kinakain kong lays dahil bigla bigla nalang sumulpot sa harapan ko yung nakakainis niyang mukha

"Ba't ka nanggugulat?" Inis na tanong ko.

"Sadyang nagulat kalang talaga." He occupied the seat right infront of me without asking my permission.

"Huwag kang maki-share dito, don ka sa puwesto mo." Sabi ko at tinuro yung upuan niya kahapon. Nagkibit balikat siya at saka sinunod yung sinabi ko. Gaya lang kagabi, mag-kaharap ulit kami.

"Na-miss moko no?" Nang-aasar na tanong niya.

"Mahiya ka, hindi ko nga alam yung pangalan mo." Naka-ngiwing sabi ko. Seryuso lang yung mukha ko na nakatingin sa kanya.

"Grabe ka ha! Sinabi ko na sayo pangalan ko kagabi, nakalimutan mo agad?!" May pahawak-hawak pa siya sa puso niya na tila pa nasasaktan.

"Im not good with names, especially ugly people with stinky names." Gusto kong matawa dahil nakabusangot yung mukha niya. But I remain my straight and serious face.

He glared at me. Marahas niyang ininom yung gulp niya dahilan para umawas yung laman nitong drinks.

I laughed.

The Stars In The SkyWhere stories live. Discover now