Chapter Four: ScaredNagising ako sa kwarto na kulay puti. Nasa langit na ba ako? Asan si Daddy?
"D-daddy." Tawag ko pero may kamay na humawak sa kamay ko. Si Killian at sa likod niya si Price.
"Si daddy..." Pabulong na tawag ko hanggang sa may namuong butil nang mga luha sa mata ko. And then it hit me, that his already gone, that he left me alone.
Niyakap ako ni Killian habang umiiyak ako at si Price naman nakita kong may tumulong luha sa pisnge niya pero tumalikod ito para punasan.
"Killian, si Daddy." Hindi bumitaw sa yakap si Killian, tahimik lang siya habang may nagbabadyang luha sa mga mata niya.
"Shh, Brielle tahan na. Huwag ka nang umiyak, please." Pag-alu niya sakin.
"Pero Killian, ang Daddy ko. Miss na miss ko na siya." Umiiyak lang ako sa balikat niya.
"And I know that he already misses his princess too." He brushed my hair to calm me down.
"Natandaan mo nun nong umiyak ka dahil hindi ka binigyan nang stick-o ni Miller when we we're 8? Diba hindi pinapansin nang daddy mo si Miller nung nalaman niya, unless hindi magso-sorry si Miller? Kasi Brielle, nagagalit si Tito na makita kang umiiyak, ayaw niya nun, baka nagagalit na nga siya sa sarili niya dahil siya ang rason kung bakit ka nagkakaganito." Every words that Killian said was soft and gentle, nag-iingat siya sa bawat binibitawang salita niya.
All my life nandiyan silang lima sa tabi ko, nakita nila kung paano ako inalagaan, minahal, prinotektahan ni Daddy. Kaya nung namatay ang Daddy, natakot sila sa kung anong pwedeng mangyari sakin dahil pumanaw ang nag-iisang tao pinapahalagahan ko nang sobra. My father is the only man what i've got, his my family. Kasi simula nung iniwan kami ni Sandra ay hindi lang pagiging ama ang ginampanan niya kundi ang maging ina na din saken na dapat ay si Sandra ang gumawa, pero asan siya? Ayun, nagpapakasaya sa bago niyang pamilya.
Simula nung malaman ni daddy na may bagong pamilya ang mommy a months ago ay napapansin ko ang pagiging tahimik at malungkot niya, hindi na siya masyadong kumakain, at nakatutok ang atensyon niya sa trabaho. My Father really loves my mom so much at nakuha niyang magpakamatay. I was there, ako ang nakakita nang lahat nang pag-dusa nang ama ko, na walang ginawa kundi ang mahalin ako.
And now that Sandra is asking for my forgiveness. It's a, no. I will never forgive her no matter what it may be. Kayang kaya kong talikuran ang responsibilidad bilang ina niya sakin dahil siya ang may kasalanan nang lahat nang ito.
Siya ang rason kung bakit nagpakamatay si Daddy at kung bakit ako nagkakaganito.
"Ayoko na, pagod na ako." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Don't you ever say that again, Brielle. Think about us too, nasasaktan din kaming makita kang nagkakaganito." Mariing wika ni Price at saka hinawakan ang kamay ko.
"Please move on, Bri. Yun din ang gustong mangyari ni Tito." Yun nalang yung naalala ko bago ako natulog kagabi.
"Good morning! Brielle!" Masiglang bati ni Tyler.
"My back hurts." Nakangiwing sabi ko.
"Simula kasi kahapon nung nawalan ka nang malay ay sinugod ka agad sa ospital, edi isang araw kanang nakahiga." Miller smirked. I glared at him.
"Where's the others?" Walang emosyong tanong ko habang nakatingin lang sa puting kisame.
"Sina Tita mamaya pa daw ang dating dahil ang bagal bagal kumilos ni Briana, si Price at Killian ay natulog muna sa bahay niyo dahil kagabi pa sila nagbabantay dito. Si Kano bumili nang pagkain dahil kanina pa yun gutom." Sabi ni Tyler. Nanatili lang akong nakatingin sa kisame at hindi na pinansin ang daldalan nilang dalawa.
Hindi nag tagal ay dumating na nga si Dempsey na may dala dalang pagkain. Kahit isang model to ang takaw talagang kumain. Buti hindi nawawala ang abs niya.
"Yow! Kano! Your here!" Maligayang kinuha ni Tyler ang paper bag na may tatak nang isang pamilyar na fast food.
"It's for Brielle, Ty." Masungit nitong sabi, napanguso naman si Tyler.
"Tsk! Damot mo ah! Bumalik kana sana sa Australia! Leche ka!"
"I'm staying here for good, bro."
"Hindi ko naman tinatanong!"
"Sinasabi ko lang." Natawa si Miller dahil narinig niya na naman na mag tagalog si Dempsey, mahahalata mo kasi talaga ang accent nito.
"Bigyan mo na nang pagkain si Brielle!" Utos ni Miller agad namang sumunod si Dempsey.
Madali kong tinapos ang pagkain at saka humiga at pinilit nalang matulog. Nagising ako na gabi na at nakita ko ang limang pinsan ko pati sina Sandra, Briana at Tito Art.
They were glad that im already awake dahil kanina pa daw akong tulog, makalipas ang ilang sandali ay dumating ang doktor at chineck ako. Nanatili lang akong nakatingin sa mansanas na kinakain ko habang kumikinig sa mga sinasabi niya.
"Iwasan niyo muna ipaalala sa kanya and mga bagay na pwedeng ikakalungkot niya. Huwag niyong ipaalala sa kanya ang mga nang-yari sa papa niya kahit mga gamit nito na nakapagpaala tungkol sa papa niya gaya nang mga pictures at mahahalagang gamit nito na makikita ni Brielle. Dahil hindi natin alam na baka ma trigger ang emotions ni Brielle nito. Help her to move on from her tragic past, make her happy." Sumasakit na yung ulo ko sa mga sinasabi nang doktor kaya huminga na lamang ako nang malalim at napapikit.
My cousins are listening intently, Briana is playing with her doll and not minding all the people around her. Sandra was crying while Tito Art is hugging her wife to calm her down.
Pwede daw akong mabaliw pagnag-kakaganito ako.
Sa sobrang depress at stress ko baka daw maging baliw ako.
Natatakot na ako.
How can I move on? Hindi ko na alam, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Can I be happy? Can someone make me happy? I don't know but im already scared.
END OF CHAPTER FOUR
YOU ARE READING
The Stars In The Sky
RomanceZaylee Brielle Delgado. A girl who suffered because of her fathers death. She's sad and empty, she even wanted to surrender because of what she felt. It was like her life is not that lively and happy like before not until she met someone who can bri...