Chapter 7: Goodnight

0 0 0
                                    


Chapter Seven: Goodnight

Umuwi kami nang mag six na, njiyaya kasi ni Sandra na don nalang daw  kami mag dinner sa bahay at isama daw yung kaibigan ko.

Kay Paxton nalang ako sumabay dahil ayaw na nilang makipag-siksikan sa sasakyan ni Dempsey.

"Ganon ba talaga si Price?" Tanong niya sa kalagitnaan nang byahe.

"Yup. Moody minsan pero mabait naman yun, overprotective nga lang." I chuckled.

"Pansin ko nga kanina habang umuusap tayo palaging nakatingin nang masama sakin eh." Nakabusangot na yung mukha niya.

"Huwag mo nalang pansinin."

"Ganon ba talaga mga pinsan mo?"

"Oo, alam mo bang ikaw lang ang lalake na nakakalapit sakin nang ganito?" Nakangisi kong sabi.

"Oh? Bakit naman?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Kasi hindi nila hinahayaang may lumapit sakin ni isa. Bantay sarado ako non kung alam mo lang. May overprotective na nga akong tatay dadagdagan pa nang mga pinsan ko na mas dumoble pa nga. Lahat dapat kailangan kong sundin at wag na magreklamo dahil yun daw ang ikabubuti para sakin." Natawa ako sa sariling sinabi.

"I remembered nung time na tinanong ako ni papa kung nagiging intresado daw ba ako sa business dahil ako lang ang nag-iisang tagapag-mana niya, hindi ko alam ang sasabihin ko nun dahil I want to pursue architectural. Mahilig akong mag drawing at yun lang ang nakikitang talent ko, pero si papa na mismo ang may gusto na business management ang kunin ko. Highschool pa lang naman ako pero ang bigat bigat sa pakiramdam dahil hindi ko manlang masusunod yung gusto kong gawin."

"Pero hindi ka manlang ba nalungkot dahil lahat nang mga kilos mo ay binabantayan nila at lahat nang gusto mo ay hindi masunod?"

Hindi ko inaasahang tatanungin niya sakin yun. Hindi ko kasi natanong yan sa sarili ko eh, naging masaya nga ba ako? Pero bakit ako nakakaramdam nang lungkot gayong alam ko na tama yung ginawa nila para sakin?

"Oo naging masaya dahil alam ko yun ang tama nilang gawin."

"Pero hindi ka naman totoong naging masaya." Parang may bikig sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita. Ayaw lumabas nang mga salita sa bibig ko!

"Alam mo kasi Brielle hindi sa lahat nang oras kailangan mong sundin ang mga sinasabi nang iba, kahit mahal mo pa yan. May sarili kang desisyon at gusto, diyan mo lang masasabi na masaya ka dahil sariling desisyon mo ang sinunod mo at hindi sa iba." Seryuso gung mukha niya habang nakatingin sa daan, hindi manlang ako tinignan.

"Dahil mahal ko sila kaya may tiwala ako sa kanila?"

"Mahal ka nga pero ni minsan ba tinanong ka kung ano talaga ang gusto mong gawin?" Hindi ako nakapagsalita agad.

Tama siya. Kahit anong kakaisip ko nang rason ay may point parin ang mga sinasabi niya. Kainis!

"Alam mo Pax, malapit na tayo sa bahay, let's end our conversation here." Isang beses palang niya ako hinatid pero tila memoryado niya na kung saan ang bahay sa loob nang subdivision. I guess matalas ang memorya niya?

"Brielle may sasabihin sana ak—" I cut him off

"Maya na, pumasok muna tayo. Please?" Agad naman siyang tumango at saka nauna na akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ni Briana nang yakap, hinalikan ko naman siya sa cheeks.

"How's your day ate? Did you have fun" I nod.

"Mabuti naman at nakarating na kayo, asan pala yung kaibigan mo, Brielle?" Tanong ni Tito. Teka nahihiya ba siyang pumasok kaya hindi siya pumasok agad?

The Stars In The SkyWhere stories live. Discover now