Chapter Three: DepressedPinatawag ko si Briana kay Manang dahil magpapatulong ako sa kanya. Tuwang tuwa naman siya na makita ang ilang stick-o at mogu-mogu sa higaan ko.
"OMG ATE! ANDAMI! YUMMMMY!" Excited niyang sabi at saka kinuha ang isang garapon nang stick-o na binili ni Paxton para sakin. Sa sobrang dami ay inuwi ko nalang dahil hindi ko maubos lahat kagabi.
"Bakit ang dami dami? Pahinge nang tatlo ah?" Tumango lang ako at hinayaan siyang kumuha nang mga pagkain ko.
"Don't tell Sandra."
"Why do you call her by her name? She's your mother too right?" Tumango lang ako.
"So, instead of calling her Sandra why not Mom? Mommy? Momma? Nanay or Inay?" Takang tanong niya. I just shrug at her question.
"I think Tito Art is already here." I diverted the topic as I glance at my window. Hindi lang dalawang sasakyan ang paparating kundi tatlo talaga.
"It's not Daddy's cars, I think we have a visitors ate!"
"Go downstairs and welcome them." Walang emosyong sabi ko. Dali dali naman siyang lumabas nang kwarto ko, ako naman ay kumuha nang isang garapon nang stick-o at kinain ito.
"Ateeeee!" Nahihingal ma bumalik si Briana sa kwarto ko.
"Bakit?"
"Hinahanap ka nang mga visitors! Lahat sila lalake!" Sa sinabi niya ay alam ko na kung sino ang mga bisita.
Tumango at agad niyang sinara ang pinto.
Ano kaya ang ginagawa nila dito? Buti naman at naisipan pa nilang bisitahin ako dito, kung hindi itatakwil ko talaga sila bilang mga pinsan ko.
"Brieeeelleeee!" Halos mapatakip ako nang tenga dahil lahat talaga sila ay sinigaw ang pangalan ko. Sumimangot ako at pinagpatuloy ang pagbaba nang hagdan, hindi pa ako naka-apak sa ikatlong hagdanan ay niyakap na nila akong lima.
"Get off." Mariing sabi ko, pero tila hindi nila ako naririnig.
"Na-miss ka namin!" Mangiyak iyak na sabi ni Miller.
"Waah! Pumayat ka!" Hinawakan ni Tyler ang wrist ko at ikinumpara niya ito sa kanya.
"Kamusta kana? Tita told us about your condition." Nag-aalalang sabi ni Price.
"Pinapunta ko sila dito para may maka-halubilo ka. I know you missed your cousins, Brielle." Sabi ni Sandra na may malapad na ngiti. Tss.
Umupo ako sa couch at saka tumingin nalang sa malayo. It's been two months since I left my home town, and leaving my home town means leaving my cousins too. After my father's funeral Sandra took mo from them, I didn't even bid goodbye to them. Two months had past but I never get a chance to visit my father's grave. At bumalik naman sa ala-ala ko yung itsura ni Daddy na nasa loob nang kabaong. The way I shouted his name and asking him to wake up it was still fresh on my mind. Parang hihimatayin ako nun, buti nalang nandiyan yung mga pinsan ko.
"Daddy! Daddy please! Please wake up! Huwag naman Dad! Nagmamakaawa ako! Gumising ka!" Iyak ako nang iyak habang niyuyog-yog ang walang kabuhay buhay na katawan nang aking ama. I was just getting ready for school nang maabutan ko yung mga maids namin na nagkakagulo dahil hanggang ngayon daw ay ayaw lumabas ni Papa sa room niya at inutos ko na kunin ang spare key sa kwarto niya.
But I didn't expect what I saw.
He's lifeless body on the floor, may hawak hawak siyang gamot at bumubula yung bibig niya.
"Tumawag kayo nang ambulansya!!!" Sigaw ko, agad naman nila akong sinunod. Yung ibang maids ay umiiyak sa nasaksihan.
"Daddy.... Please.... Hold on." Iyak ako nang iyak habang yakap yakap siya.
"Don't you dare leaving me, dad. Your the only one left... I cant..." Halos hindi na lumabas yung mga salitang yun sa bibig ko kasi patuloy parin akong umiiyak.
Nang dumating yung ambulansya ay chineck nila yung pulso ni Daddy. Nagdadasal ako sa lahat nang santo na sana.... sana... buhay pa siya.
"I'm sorry to say this, but your father is gone. Nakamamatay na gamot po yung ininom niya, kaya hindi na po namin siya nabuhay." Marami pang sinabi yung lalake pero yung salitang nag sink in sa utak ko ay yung patay na siya.
"Papa!!! Papa! Wag naman! Ano ba! Bumangon ka diyan! Hindi magandang biro to! Please pa, bumangon ka..." Halos nakaluhod na ako sa harapan nang katawan niya na tinakpan nang puting tela nang maramdaman kong may yumakap saken.
Si Dempsey at Killian, mga pinsan ko. Nagsidatingan pala sila kasama yung mga parents nila. Kagaya ko, naka-school uniform din sila.
"Demp... Killian... Daddy is alive right?" Sana sabihin nila na buhay pa siya at biro lang lahat nang to, na hindi totoo yung mga nakita ko kanina. Pero tanging iling lang yung mga sinagot nila habang sinasabayan ako sa pag-iyak.
"Brielle..." Niyakap ako nang mahigpit ni Price habang umiiyak.
"I can't believe it... Iniwan ako ni Daddy."
Nilapitan din ako nina Miller at Tyler para yakapin.
Hindi ako kumain at kahit kausapin nila ako ay tanging tango at iling lang ang mga sinagot ko. Halos araw araw akong umiiyak at hindi makausap nang matino. Hanggang sa kinuha ako ni Sandra at dinala dito sa Wilkinson Bridge.
"Brielle!" Napapitlag ako dahil tinapik ako ni Dempsey sa balikat.
"We've been calling you but it seems you didn't heard us, are you okay? You look pale." May lahing australiano tong si Demp kaya mahahalata mo talagang may accent to mag salita.
I shook my head.
"Drink your meds, ang sabi ni tita hindi mo raw iniinom to." Inabot sakin ni Miller yung gamot habang si Tyler yung may hawak nang tubig. Tinignan ko lamang ang mga kamay nilang dalawa.
"Brielle..." Tawag nila ulit. Wala akong magawa kundi inomin yun.
"What is happening to you? Bakit ka nagkakaganyan??" Marahang hinawakan ni Killian ang magkabilang balikat ko.
"It because of her father, kids. Ayun sa psychiatrist ay severe depression daw yan kaya kailangan niyang mag under go sa ibang mga test para ma monitor yung kalagayan niya. Madalas siyang tulala, walang ganang kumain, at minsan lang kung magsalita. Kaya intindihin niyo nalang muna si Brielle." Paliwanag ni Sandra, alam kong nalulungkot yung mga pinsan ko sa sitwasyon ko. I don't need there pity anyways.
"She's suffering because of her father, just don't loose hope on her, she'll be okay. She's depressed of her fathers death and until now she couldn't accept it." Nalulungkot pang dagdag ni Sandra. I want to shut her mouth from talking but I just remain staring blankly at the staircase na tila hindi sila naririnig.
I'm depress.
She's right, I'm depress. At gustong gusto ko nang lagutan yung buhay ko ngayon din dahil naalala ko na naman yung pagkamatay nang papa ko. Lahat. Lahat nang memorya ko ay tila nanumbalik sa utak ko. Parang sirang plakang paulit-ulit na lumalabas sa ulo ko.
Napahawak ako sa ulo ko, umaasang tumigil na yung sakit. Naririnig ko narin yung mga palayaw nila na tila humihingi nang tulong.
Umiiyak na ako, ayoko na. Ayoko nang maalala pa lahat nang to. Sa bawat paghinga ko ay lumalalim. Nakita kong umiiyak sina Briana at Sandra na tila pinapahinahon ako. Sina Tyler, Miller at Killian ay parang may tinatawagan habang si Dempsey at Price ay nanatili sa tabi ko at sinusuportahan ako dahil baka bigla nalang ako mawalan nang malay.
Hawak hawak ko lang yung magkabila nang ulo ko habang umiiyak. Habang tumatagal ay bumibigat na yung talukap nang mga mata ko. Mas lalong umiyak si Briana nang unti unting pumipikit yung mata ko, and everything went all black.
END OF CHAPTER THREE
YOU ARE READING
The Stars In The Sky
RomanceZaylee Brielle Delgado. A girl who suffered because of her fathers death. She's sad and empty, she even wanted to surrender because of what she felt. It was like her life is not that lively and happy like before not until she met someone who can bri...