Itong mga tula
Hilam sa mga luha
Para sa mga nasaktan
Para sa mga taong iniwanTunay na nararamdaman
Itong pait na naranasan
Para sa mga sawing puso diyan
Para sa mga taong palaging nariyanNag aabang na mahalin
Kahit imposible, tanga parin
Para sa mga nawalan na ng pag asa
Para sa mga nagmahal pero umasaHuwag kayong mabahala't mag alala
Darating din sayo ang tunay na magpapasaya
Para sa mga naghahanap pa
Para sa tulad mong walang kasamaChill lang muna diyan sa tabi
At basahin ninyo 'tong mga tula kung pwede
Para sa lahat to ng mga mambabasa
Malay mo dahil dito magkaroon ka pa ng tsansa...
Bow! Hahaha. Maraming salamt po sa mga bumabasa nitong mga tula na galing sa mga naiisip na kalokohan ko. Sana po huwag kayong magsasawang subaybayan ito. Promise gagawin ko ang lahat para lang makapag update ng dalawang beses sa isang linggo. Thank you po mga readers! May bago po pala ako. Tagalog naman ngayon. Dumugo na kasi ang ilong ko sa kaka english. Hahaha. Pero meron parin naman akong english poems na ia update. Again thank you so much! Salamat sa pagbabasa nitong note ko. <3
