Sulat

7 0 0
                                    


'Mahal ko,' ang iyong bungad

Sa sulat na hindi ko hinangad

Mabasa man lang o matanggap

Ikaw lang ang tanging hanap

'Patawad aking mahal ngunit,'

Bago ko itinuloy ay dagli itong pinunit

Alam ko na kasi ang kasunod nito

Lilisan ka na't guguho lamang itong puso

Hilam na mga luha'y tumutulo sa aking pisngi

Di tanggap ang desisyon niyang di mawari

Paano na itong ating sumpaan

Paano na itong buhay sa aking sinapupunan

Kailan nga ba ako sasaya

Sa pag ibig ba'y habang buhay na magiging tanga?

Poetic ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon