Palagi na lang ako
Yung nakakaramdam ng ganito
Palaging nasasaktan
Kahit totoo lamang sa nararamdaman
Palaging sawi dahil sa nadarama
Kahit masakit ikaw ay pinalaya
Palaging nagmamahal
Kahit sa huli natatapakan na ang dangal
Palaging nagpaparaya
Kahit nasasaktan na ako di mo ba mahinuha?
Palagi nalang naman
Ako si tanga na iniiwan
