Bumalik na kami sa classroom, time na for our next class. Nang biglang nag vibrate yung phone ko.
Mom calling....
"Yes ma? Uhhhm opo, andito yung adviser namin. Bakit ba ma? Wait lang."
Binigay ko yung phone sa adviser namin gusto kasi siyang makausap ni Mom. Hmmmm. Bakit naman kaya? Wala naman akong ginawang masama ah or wala naman akong naikwento kay Mom.
"Sige po Mrs. Evangelista, ihahanda ko po yung mga papers na kakailanganin niya."
Narinig kong sinabi ng adviser namin. Luh, anong mga papers yung sinasabi niya? Haaaaaay. Seriously I feel something na mangyayari. Ewan ko lang ano ito, pero nararamdaman ko talaga. Nang biglang.
"Okay class. The mother of Chloe just called me, and said that Chloe is going to transfer school."
ANO? TOTOO BA TONG NARIRINIG KO? NO!
"Huh? Maam, wala namang sinasabi si Mama ah." Pagtataka ko
"Well Ms. Evangelista she just did.".
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bat ganun? Hindi man sinabi sa akin muna. Ayokong mag transfer :( Huhuhu. Ayokong iwan mga kaibigan ko dito.
"BEST! :(( " Sigaw ni Rai na parang mapapaiyak na.
Pagkatapos ng class ay agad akong umuwi sa bahay. Hindi ko muna kinausap mga kaibigan ko, ayoko kasing makita mga iyakan nila at ang mga katanungan nila, hindi ko masasagot dahil wala akong kaalam-alam sa nangyari. Pagpasok ko sa bahay, hindi namalayan na andyan pala si Mom.
"Pack up your things. We'll leave tomorrow night."
"Mom! Bat biglaan? Hindi ko man lang nasabi sa mga kaibigan ko tungkol dito. "
"We opened up a new restaurant in Manila, para hindi na ako mahirapan naisip kong doon na lang tayo manirahan ,syempre ayokong iwan kayo dito."
Umakyat ako kaagad at pumunta sa kwarto ko. Hay life, bat ganito? Sana pinagraduate muna ako oh bago mag-transfer. Wala akong magagawa kundi sumunod sa gusto ni Mom. Makapag'impake na nga.
I checked my phone, ayun tinext nila akong lahat. Then I replied
"Sorry guys ah, hindi ko nasabi sa inyo. Di ko rin naman kasi alam na mangyayari to. I LOVE YOU ALL :* "