Chapter 6

22 1 0
                                    

Skiev's POV

Gusto kong punitin ulit yung form ni jara!! Ayoko siyang sumali sa game! Baka kapag sumali siya magkagulo pa!

Ayokong makipag-ayos sa kanya!

Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong mainis dahil ang pangit niya talaga!di niya siguro nahalata ang reaksyon ko nang tignan niya ako.

Nasa classroom na kami.wala pa namang teacher kaya tabi-tabi muna kami ng upuan.

Nawala tuloy ako sa mood tsk!

"Tahimik ka ah, anong meron?!"Nang-aasar na sabi ni steph. Tinignan ko siya ng masama kaya natahimik siya.

"PEEESSSTE!!!! "sumigaw ako dahilan para magulat ang tatlo at ang mga tao.

"Easy bro,what happend? "Nakangising tanong ni lyndon.

"Gusto kong punitin yung papel ng jara na yun! Ayoko siyang sumali sa game! "

"Bakit naman? Kaya nga pinag-aayos kayo diba? Para hindi na kayo mag-away kapag nasa field na. "Si russ.kahit na! Ayoko makita siya! Ang panget!!

"Basta! Hahanapin ko yung papel niya at susunugin ko, at kapag nangyari yon,maaalis na siya sa school!hahahaha! "Nag evil laugh ako.

"Samahan kita kay sir harlon, gusto mo? "Sabi ni steph.

"Hoy!umayos nga kayo!mas ok na nga na sumali si jara sa taf para mas gumaling tayo,third time gold medalist siya kaya kung aalisin pa natin siya, paano ang school? "Sabat ni lyndon. Hayst.. Nung nakaraan pa to si lyndon ah!lagi niyang pinoprotektahan si jara! Type niya ata eh! Kadire!

"Hoy ikaw!nakakahalata ka na ah!may gusto ka ata dun sa panget na yun eh!" Sinigawan ko siya.di niya ako pinansin.

"Panoorin nalang natin siya sa practice..kung magaling siya,wag mo siyang tanggalin,pero kung mabagal siyang tumakbo at alam mong di niya kakayanin,dun mo na siya tanggalin," paliwanag ni Russ.

yumuko na lang ako.kahit na,ayoko siyang makasama sa practice lalo na sa game..

"OK lang yan skiev,malalagpasan mo rin yan..hayst," hinihimas-himas ni steph ang likod ko.

"Ano ba!"tinignan ko siya ng masama kaya napatigil ulit siya.bumalik ako sa pagkakayuko nang dumating na ang teacher namin.

" bro,andyan na si ma'am umayos ka na,"bulong ni steph.di ko siya pinansin wala talaga ako sa mood!habang nag lelesson si ma'am ay nakayuko lang ako.wala tuloy akong balak makinig.

The Hexagon LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon