Kabanata 3

12 4 0
                                    

Another chapter! Enjoy.

-------------------------------------------------------------

"Gihigugma kita, una pa gani nakong kita kanimo, nakaingon ko sa akong kaugalingon nga murag siya na jud." (I love you, when I first saw you, I told myself that you are the one.) sabi niya habang nakangiti ng sincere sa akin.

Natatawa nalang ako sa nasabi niya kasi di ko naintindihan kasi masyado ring mabilis yong pagkasabi niya sa sentence eh.

"Ano ba ang ibig sabihin non?" tanong ko sa kanya habang tumatawa ng malakas.

"Basta." sabi niya yong tono na nang-aasar talaga siya sa akin.

"Uy, sabihin mo naman!" pampipilit ko sa kanya.

"Sige na nga." sabi niya habang nag smile.

"Ang pangit pangit mo." yan yong sinabi niya.

"Talaga? Uy, di ako naniniwala!" sabi ko naman.

Parang hindi talaga yan yong translation sa sentence eh kasi pag pangit, 'bati' yong word dapat. Hay, bahala na nga.

"Sige na, magpapatuloy na tayo sa pagpasyal dito sa mansyon." dagdag pa niya.

Nasa harapan kami ng isang malaking painting and familiar yong mukha ng babae. Parang nakita ko na siya.

"Nagtataka siguro ka kung sino iyan?" tanong niya habang nakangiti sa akin.

"Si Binibining Juanita yan nong labinlimang taong gulang pa siya." dagdag niya.

Si mommy yan? Ganda naman ng mommy ko. Di ako nag expect na siya pala iyan. Ayan tuloy, naalala ko uli si mommy na nasa hospital ngayon na nakahiga nang dahil sa akin.

"Sino ba ang nagpinta niyan?" tanong ko sa kanya habang titig na titig sa painting kasi detailed na detailed talaga yong painting eh.

"Ang nagpinta niyan ay ang walang iba kundi ang aking mapagmahal na ama." sagot niya sa akin.

WTH!? Ama niya ang gumawa niyan? Napakatalented naman ng ama niya.

"Galing naman ng ama mo Renato. Saludo talaga ako sa kanya." pahayag ko habang nakangiti sa kanya.

"Isa siyang sikat na pintor noon. Pangalawa kami noon sa may pinakamataas na antas. Ako lang din ang kaiisa-isang anak. Kaya lang, nong nalaman ni ama na may iba na palang mahal yong ina ko, napag-isipin nalang ng ama ko na magpakamatay kasi hindi na niya tiniis yong sakit na naramdaman niya. Tapos pagkatapos ng isang taon, may dumating na mga rebelde dito na galing Mindanao at napatay yong ina ko nang dahil sa mga rebelde kasi yong heneral, may matinding galit sa aking ina kaya napatay siya. At ngayon, hindi na ako kabilang sa mga antas antas na yan kaya naging taga serbisyo nalang ako dito sa mansyon."

Wow, grabe naman yong kwento niya. Ang dami nga niyang naranasan dito. Isang mayaman na naging mahirap. Ang sakit niyan.

"Pasensiya na Renato. Di ko alam na yan pala ang nangyari sa pamilya mo." sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata na mukhang nagdadalamhati talaga siya.

"Hindi, ayos lang." sabi naman niya pero halatang-halata talaga na nasasaktan siya.

"Tara binibini, may ipapakita ako sa iyo." sabi niya sabay hila sa aking kamay na nakangiti rin.

"S-sige." yan nalang ang nasabi ko.

Dug.dug.dug.

Yong katawan ko, parang nanginginit na nga!! Huhu!

"Nandito na tayo binibini!" sabi naman niya at nauna na siya sakin at nilingon niya ako.

"Eto, simbolo ng pagkakaibigan natin!" sabi niya at kinuha niya yong kamay ko at binigyan niya ako ng bato.

Fly Me To Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon