Kabanata 7

10 1 0
                                    

Hey guys! Welcome for another chapter. Congrats, from #37 to #19 in the Historical Fiction category. Anyway, enjoy!

------------------------------------------------------

Pumasok si Renato at halatang-halata na tinititigan rin niya ako ngayon. Pumunta nalang ako sa kusina para ipagpatuloy yong pagluluto. Sana walang mangyari ngayong araw na ito at sana panaginip lang yong nangyari! Si tita naman inimbitahan niya si Marie at Renato sa kusina. Tita? Bakit mo ba siya pinapasok dito? Sana hindi maging awkward ito! Haaaay.

"Bella at Renato! Tulungan mo ako dito. Hugasan niyo ang mga ito." sabi ni Tita Felicita.

"Sige po." sabi ni Renato.

Tapos ako naman, nakatulala pa rin sa mga nangyari.

"Bella?" rinig kong sabi ni Tita Felicita.

"Uh, ano po yon?" sagot ko naman sa kanya with a question.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.

"Uh, nahihilo po ako. Ughh, ahh!" hahaha galing kong mag acting.

"Binibini, ayos ka lang?" tanong ni Renato sa akin habang hinahawakan yong balikat at kamay ko.

"Dalhin mo nalang si Bella sa kwarto niya Renato." alalang sabi ni Tita Felicita.

OMG! Hindi ito ang gusto kong mangyari. Wrong move Bella! May pinagsusunduan ba si mommy at si Tita Felicita? Ang weird! Pero wrong move pa rin!

"Sige po." sabi naman ni Renato habang tinutulungan niya akong paakyat sa aking kwarto.

"Binibini, alam ko na hindi ka talaga nahihilo." sabi ni Renato habang nakatingin sa akin.

Oo nga pala, nandito na kami sa kwarto ko. Bakit niya nalaman? At dahil don, nagulat ako sa sinabi niya. Aisssh! Tama nga, wrong move nga!

"Teka lang, nagkita ba tayo kagabi?" tanong ko sa kanya at ang aking puso, ang bilis talaga ng tibok.

"Binibini, tinatanong pa ba iyan?" dagdag niyang tanong at halatang nang-aasar talaga siya sa akin.

"Kung ganon, nangyari talaga yong ano, uh, um, paano ko ba sasabihin ito? Ummm..." sabi ko at hindi ko talaga kayang masabi yong word na 'halik'.

"Uh ito ba ang ibig mong sabihin Binibini?" tanong niya sa akin at unti-unting lumalapit sa akin.

Tapos, bigla nalang niya akong binigyan ng passionate kiss! Shocks! Renato, huhu. Di ko nalang namalayan na pumikit rin pala yong mga mata ko.

"Yon ba ang ibig mong sabihin Bibibining Bella?" tanong niya sa akin.

Nakatitig nalang ako sa kanya ngayon diretso sa mata. Pinahirapan niya talaga ako ngayon. Gosh!

"Bakit ka ba namumula binibini?" tanong niya sa akin.

Eh sino bang hindi mamumula sa ginawa mo sa akin kanina? Aissh! Itong lalakeng ito talaga! Sakit sa ulo!

"Ang init kaya dito!" sigaw ko sa kanya o sasabihin ko nalang na, palusot ko. Hehe!

"Huwag kang magsalita! Sasabihin ko talaga sa Tita Felicita mo na hindi ka talaga nahihilo." sigaw niya sa akin na may halong asar.

"Uy, huwag naman." pakiusap ko sa kanya.

"Sige bumaba ka na!" sigaw ko sa kanya sabay tulak sa labas.

"Sige na, sige na! Lalabas na talaga ako." sabi naman niya.

Lumabas si Renato sa aking kwarto at ako naman, nakahiga lang dito sa kama. Kasi baka ano pa ang iisipin ni Tita Felicita eh. Ang bored naman dito! Naisipan ko nalang na matulog dito para naman pag pumasok si tita dito, she will be convinced na nahihilo talaga ako. Sayang nga lang, gusto ko pa nga namang magluto.

Fly Me To Your World (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon