Hey guys, I am here for a new chapter! Enjoy.
-------------------------------------------------------------
"Paumanhin kasi natagalan ako." sabi ng isang boses na nasa likuran ko.
Baka si Renato yan kaya di nalang ako lumingon sa likod.
"Oh Felipe! Nandito ka na pala." sabi ng kutsero na masaya talaga niyang makita yong lalake.
Ay, akala ko si Renato! Bella? Erase, erase, erase!
"Magandang umaga sa iyo Binibining Bella!" sabi ng lalakeng itong nangangalang Felipe. Ewan ko!
Nag-bow nalang ako sa kanya at sinenyasan ako ni Marie na pumasok na sa loob ng kalesa at sumunod na nga rin ako. Pumasok naman si Marie at sumunod naman si Felipe at nakita kong umakyat na rin ang kutsero sa kabayo niya. Nag go na kami at ako naman sumisilip sa mga daan. Hay, sana may wifi at phone pa dito, kaso wala eh. Matutulog na nga lang. Pinikit ko yong mga mata ko at nakatulog ng mahimbing.
An hour passed.
May narinig akong ingay pero di ko nalang pinansin ito kaya nagpatuloy ako sa pagtulog. Pero di talaga nawala yong ingay. May biglang sumigaw. Kaya na alert ako.
"Binibini!" rinig kong sabi ng isang babaeng boses.
"Tulungan niyo po kami!" sigaw ni Marie.
Bigla akong lumabas sa kalesa para matingnan ko kung ano ang nangyari sa labas. Nakita ko si Marie na hinahawakan niya yong kamay ng lalake ng mahigpit at ang lalake na nakaitim naman ay nakahawak sa kanyang. Yong kutsero naman at si Felipe, nakita kong nakagapos sa isang coconut tree. Patay! Ako nalang ang nag-iisa.
"Hoy lalake! Ano yang ginagawa mo?! Ibaba mo na siya, bilis!" sigaw ko sa lalakeng nakasuot ng itim na barong tagalog.
Napatawa naman siya, yong tawa na pang evil laugh.
"Siya? Ibaba ko?" sabi niya na nakangiting buhay demonyo at nag lingon lingon pa.
"Gusto mo bang makatikim ng suntok ko?" sigaw ko pabalik sa kanya.
"HAHAHAHA!" tumawa siya ng pang demonyo.
Binitawan naman niya si Marie kaya unti-unti siyang lumapit sa akin at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ang ganda mo naman binibini!" bulong niya sa akin at naistatwa nalang ako sa kaba, pero sisiw lang sa akin ito. Nag aral kaya ako ng karate noong 10 years old ako hanggang sa nag college ako.
Hahawakan niya sana yong pisngi ko pero naunahan ko siya ng suntok at pinatid ko yong right knee niya at bigla siya ng napasandal sa lupa.
"Alis!" sigaw ko sa kanya with some threat.
Tumakbo naman siya at halatang-halata talaga na natataranta siya ng dahil sa nangyari. Tumingin ako kay Marie, nakikita ko yong mga mata niya at mukhang nanginginig talaga siya sa takot. Lumapit ako kay Felipe at sa kutsero para tanggalin yong lubid na nakatali sa kanila.
"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko sa kanilang tatlo habang tinatanggal yong rope.
"Uh, ano kasi eh, hindi ko alam pero bigla nalang sumulpot iyong lalakeng iyon sa harapan natin yong habang natutulog ka. Pumunta pa nga siya sa itaas ng kalesa eh at bigla nalang kaming itinali ni Felipe sa kahoy." pahayag ng kutsero.
"Ikaw Marie? Okay, ay ayos ka lang?" tanong ko sa kanya na may halong nag aalala nga ako sa kanya.
"Uh, opo binibini." paikli niyang sagot sa akin.
"Sige na, magpapatuloy na tayo sa paglalakbay." sabi naman ni Felipe.
Sumakay uli kami sa kalesa at si Marie naman, takot na takot pa rin siya sa nangyari kanina. Kaya binigyan ko nalang siya ng yakap.
BINABASA MO ANG
Fly Me To Your World (On Going)
Historical FictionSi Bella, isang tomboy na may matinding mararanasan sa ibang mundo, kung saan makikita niya ang isang taong makakapagbago sa kanyang sarili. Di lang sa labas, pati na rin sa loob. Kung gusto niyong subaybayan ang istorya ni Bella Madridejos, basahin...