Hey guys, another chapter coming right up! Anyways, thanks everyone for you help. Now, we are at the #37 spot in the Historical Fiction! Yayyy. Okay, enjoy reading this chapter readers.
------------------------------------------------------
Sana di nagtampo si Renato sa akin huhu.
Kinabukasan, dumating na uli si Marie galing kay Renato. Sabi ni Marie na sumang-ayon naman si Renato sa pakiusap ko sa kanya. 2:30 na dito at may 30 minutes akong mag prepare para magkita kay Renato. Pagkatapos mag prepare, pumunta ako sa simbahan kung saan don kami magkikita kay Renato. Pagdating ko, nakita ko agad si Renato sa harapan ng entrance sa simbahan.
"Renato!" sigaw ko sa habang nag wave sa kanya.
Nag wave back naman siya sa akin pero mukhang di naman siya nagtatampo sa akin eh kasi parang ang saya saya niya ngayon na nakita niya ako. Wow! Feeler Bella. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya. Habang tumatakbo, bigla akong nadulas malapit sa kanya. Akala ko na mapapayuko ako sa lupa pero wala akong naramdamang sakit. Nakapikit ako ngayon and parang may kumakapit sa aking waist. Minulat ko naman yong mga mata ko tapos nakita ko si Renato na hawak hawak ang aking waist at nagtitinginan kami ngayon.
*PAK*
Sinampal ko siya sa balikat niya tapos bigla naman niya akong binitawan kasi nabigla siya sa sapak ko.
"Binibini bakit mo ginawa iyon?" tanong niya sa akin habang hinahawakan yong balikat niya dahil sa sakit.
"Bakit? Hindi ba pwede iyon?" sigaw kong tanong sa kanya.
"Kung hindi dahil sa akin, nadapa ka na don sa nangyari." pang-asar niya sa akin.
"Aisssh! Tama na nga!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit mo ba gustong makipagkita sa akin ngayon? Akala ko ba babae lang ang gusto mo?" pang-asar niya ulit sa akin.
"Hoy! Tumahimik ka nga diyan!?" sigaw ko pabalik sa kanya.
"Pinapunta kita dito dahil-" sabi ko pero naunahan niya akong magsalita.
"Para sasagutin ako?" pang-asar niya habang nakangiti.
"Asa ka pa! Tuturuan kitang magsalita ng Ingles." sabi ko sa kanya.
"Sige binibini!" sagot niya naman at yong mga ngiti niya mula Cebu hanggang Maynila.
Sumunod nalang siya sa akin pero sa totoo lang, kinakabahan talaga ako ngayon at hindi ko alam kung saan kaming banda naglalakad.
"Uh, binibini? Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong niya sa akin.
"Uh doon!" sabi ko sa kanya habang nag po-point out sa narra tree, yong pinuntahan namin nomg last time na nagkita kami.
Kasi yon nalang ang nakita at alam na lugar eh. Kaya agad naman kaming pumunta sa ilalim ng narra tree. Kaya lang, ang awkward eh. Bigla kong naalala yong nangyari sa amin dito. Umupo ako sa lupa at umupo rin naman siya sa tabi ko.
"Ano? Magsisimula na ba tayo?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
"Uh, oo." sagot ko.
"Sige gaya nong tinuruan mo ako ng bisaya. Bigyan mo nalang ako ng salita." explain ko sa kanya.
"Sige." sagot naman niya sa akin.
"Uh, ano ba sa Ingles ang 'magandang umaga'? Tanong niya sa akin.
"Sus, madali lang iyan." sabi ko sa kanya with some angas.
"Good morning." sagot ko naman.
"Sige, ano pa?" tanong ko naman sa kanya at tinitingnan siya ng maigi.
BINABASA MO ANG
Fly Me To Your World (On Going)
Historical FictionSi Bella, isang tomboy na may matinding mararanasan sa ibang mundo, kung saan makikita niya ang isang taong makakapagbago sa kanyang sarili. Di lang sa labas, pati na rin sa loob. Kung gusto niyong subaybayan ang istorya ni Bella Madridejos, basahin...