Girl:Babe,kamusta ka na?
Boy:Ok lang ako,ikaw??
Girl:ok lang,may gagawin ka ba?
Boy:Ahhm.wala naman
Girl:Gusto mo gala tayo??
Boy:ok....
Pumunta kami sa mall sa plaza ,at kung saan saan pa.nanibago ako sa Girlfriend ko hindi naman sya pala gala .ewan ko kung anong meron kasi tapos na ang monthsary at wala namang may b-day sa aming dalawa ...baka namiss lang ako jajjaja
Boy:babe,matanong ko lang ,bakit ginaganahan kang gumala
Girl: bakit??ayaw mo(nalungkot)
Boy: hindi naman sa ganoon nanibago lang ,wag ka ng malungkot ok??
Girl; ok
Akala ko yun lang ang araw na magpapasyal kami ng sagad pero nagtataka na talaga ako kasi araw araw na naming ginagaa ..parang wala na siyang paki alam na mauubas ang pera niya
Girl:ang saya ko babe....
Boy:teka nga,winawaldas mo ba ang pera mo??halos araw araw na tayong namamasyal at andami mo pang binibiling stuffs toys ..pls.wag kang magalit....
Nagulat ako ng tumulo ang mga luha nya at umiyak ng umiyak ..
Girl: babe ,aalis na ako
Boy; saan ka pupunta??
Girl:Pupunta ako ng London sa susunod na araw
Boy: huh..b-bakit ??kailan ka babalik ??
Girl: kasi doon na ako papag aralin ni mama ng college hindi ko alam kong babalik pa ba ako
Boy: So ano..maghihiwalay na tayo ??
Hindi sya nag salita't niyakap lang ako ...gusto ko siyang pigilan para dito na sya mag aral ..hindi ko makakaya na mawala siya...pero kahit pigilan ko sya wala rin akong magagawa, nangyare na nga ang kinatatakot ko pumunta na siya ng London ..sobrang nangungulila ako sa kanya dahil mismong araw na yun naghiwalay na kami
After 6 years .,.,.......
Ikakasal na ako ngayon ..wala parin akong balita sa kanya ...
Oo aaminin ko na matutuwa ako kong makakabalik na siya dito sa pilipinas ....andito ako ngayon sa mall para bumili ng mga damit ..naala ko ng minsan kaming namasyal kami dito ang saya saya naming dalawa hindi ko mapigilan mapangiti ...habbang namimili ako nabangga ko ang lalaki familiar ito sa akin ...hindi ako nagkakamali kapatid niya ito at kung hindi ako nag kakamali sabay din silang pumunta sa London.. ibig sabihin andito din siya.....
Boy:Uyyy,musta na??
Boy2:Kuya??ikaw pala yan ....ito ok lang.....medyo
Boy:huh??bakit medyo??
Boy2:basta,ikaw kamusta ka na??
Boy:heto, masaya naman..ikakasal narin kasi ako..
Boy2:ahh ganoon ba ?? Congrats.....ahh kuya??
Boy:bakit??
Boy2:mahal mo pa ba ang ate ko..??
Natigilan ako sa sinabi niya hindi ko agad masagot ang tanong nito ang totoo hanggang ngayon mahal ko parin siya ..pero ikakasal na ako at alam kong masaya narin siya...........
Boy: alam mo naman kong gaano ko kamahal ang ate mo,pero hindi na maari ehh...tsaka alam kong masaya na sya...
Bigla naman syang nalungkot sa sinabi ko alam kong masakit din ito para sa kanya ..pero hindi talaga pwede ehh hindi na pwedeng balikan lalo na't may masasaktan
Boy2: kuya pwede ka bang sumama sa akin??
Boy:Oh sige,saan ??
Boy2:sa amin...
Boy:hah..
Boy:sa huling pagkakataon kuya..
Boy:ohh sige sige...
Sumama na lang ako sa kanya ..hindi ko alam kong matutuwa ba ako o hindi na makikita ko na siya..
Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na kami sa bagay nila ...katulad ng dati ganoon parin ito pinapunta niya ako sa balkonahe nila...
Nakita ko ang isang babae na nakatalikod at naka upo sa wheelchair niya at tinatanaw ang nag gagandahang mga bulaklak sa garden sa labas,
Kinuha ko ang upuan doon at tinabihan siya,ang putla niya yung makinis nyang balat ngayon'y magaspang na kahit andaming nag bago sa kanya pero ang hindi nag bago ang mga mata nito nakaka attract parin ito sa akin..Boy:kamusta ka na??
Hindi ko namamalayan na napaluha na ako ,naawa ako sa kalagayan niya ....naawa ako sa kalagayan ng mahal ko..Girl:andito ka(smile)
Boy:oo,kasi miss na kita
Girl:(smile)masaya ako para Sato
Boy:ako nalungkot naman
Pinunasan ko ang luha ko
Girl: huwag kang umiyak,mawawala na ang kagwapuhan ..mo
Boy:palabiro ka parin babe,
Girl: b-babe???
Boy:oo,mahal kita ehh
Girl: salamat babe,,salamat at andito ka...
Girl:magpapahinga na ako hah ...masaya ako para sayo, ..mahal kita b-babe...
Boy:sige na magpahinga ka na babe mag kikita pa tayo ulit...mamimiss kita ....
Inihiga niya ang ulo niya sa balikat ko,ngumisi ito na may luha at tuloyan ng nawalan ng malay ......
Kung dati lang ang saya saya namin nag kukulitan nag tatawanan,nag lalambingan... ngayon tuloyan na syang nawala iniwan na ako ng taong minsan akong pinasaya ,nakaramdam ng tampo at lungkot ,sabay na nangagarap pero lahat ng yun nawala na dahil wala na siya....
****THE END****