<RENA'S POV>
Talagang crush ko si Josef maliban kasi sa pagiging mabait, palatawa at mayaman, ay matalino din sya, understanding, caring, loving.. ay loving as a friend. Walang malisya ang pagkakaibigan namin kahit crush ko sya alam ko naman ang kaibahan ng mundo namin, NAPAKALAYO! Langit sya LUPA ako. Kahit maganda ako, hindi naman ako hiprokrita para sabihin na bagay nga kami. Lumaki man ako sa isang pamilyang puno ng pagmamahal mulat naman ang mga mata ko sa katotohanan na ang mayaman ay para sa mayaman at ang mahirap ay para sa mahirap.
Hindi kasi lahat ng tao ay open minded, usually kasi sa mayayaman ay gusto ang mayaman din para sa anak nila kay hindi na lang ako aasa na maging ala Cinderella ang buhay ko ano, masaktan pa ako.
Dahil busy ako sa kakausap sa inyo hindi ko namalayan na may mabubunggo na pala ako..
"BOGSH"
"F*ck sh*t" biglang dinig ko nlang kasabay ng pagtayo ng nakabunggo kong tao pala, akala ko kanina poste kasi ang tigas ng feeling ko sa nabunggo ko.
Wooow :O Akala ko si Josef na ang pinakagwapo at matikas na lalaki dito sa SIS, nagkamali pala ako. May isang hunk pa pala dito sa school pero parang ang sungit nito tsk, Walang wala to sa bestfriend ko mwahahaha, The best kaya yun.
Teka erase erase tama na ang pagpepraise ko dun sa kapreng yun, feeler pa naman yun tss.
Balik tayo sa nakabunggo ko, pagkatapos niyang tumayo lumakad lang siya agad at hindi man lang nag abalang tulungan ako, Natumba din kaya ako tsaka haler hindi siya gentleman katulad ni bestfriend. Nakaka turn off ew.
At dahil medyo nainis ako sa kanya kaya sinabihan ko sya.. "Hoy! magsorry ka man lang! Okay na yun kahit di mo na ako tinulungang tumayo"
Lumingon naman agad siya tapos medyo nagulat at natakot agad ako kasi nanlilisik na mga mata niya ang sumalubong sa akin nung lumingon siya sabay.. "Back off, tsss"
Ay leche nakakainis tong lalaking to ha. Kaya ayun binato ko siya ng isa sa mga notebooks na nahulog kanina.
"OUCH! SH*T! HEY! WHAT'S UR PROBLEM?!?!"
"MAG SORRY KA MAN LANG KASI!" balik na sigaw ko sa kanya kahit medyo natakot na ako tsaka pinagtitinginan na kami ng mga tao tsaka nagbubulungan na sila like "Omygeee ang gwapo talaga ni Allen!" "Hala lagoooot siya" ewan ko ba kung anong meron sa lalaking to at parang ang daming nakakakilala sa kanya, baka naman artista oh ano haist, mga mayayaman talaga.
"You're the one whose at fault why would I say sorry to someone who is stupid. Tsk You're wasting my time." sabay talikod.
Aawayin ko pa sana siya pero may biglang pumigil sa akin. Paglingon ko si Josef pala.
" Hayaan mo na yung lalaking yun, ganun talaga yun"
'Kilala mo siya?" Tanong ko sa kanya kasi parang kilalang kilala niya eh.
"Yeah, he's my cousin"
Nagulat naman ako sa sinabi niya kasi, hindi halatang magpinsan sila kasi ibang iba ang ugali nila. Ang sungit kaya nung lalaki kanina tapos ang bait bait ni Josef though kung naaalala niyo medyo masungit din pero tignan nyo naman mabait naman talaga siya.
"Ow, pinsan mo pala.."
"Yeah he's Allen Sy." Ay ang tipid naman yun lang. Parang di sila close. Ay bahala na nga sila sa mga buhay nila.
"Oh Josef bestfriend, di ka ba manlilibre, gutom na kasi ako eh hehehe."
"Gutom ka na naman? Hinay hinay naman sa pagkain, okay lang tumaba ka pero maawa ka nman sa wallet ko, araw araw nangangayayat na dahil sayo" Tsss lalaking to talaga patawa, ang yaman yaman kaya nito kung makareklamo naman parang house and lot yung pinapalibre ko sa kanya.
"Ang dami mong reklamo, alam ko namang bibigay ka rin naman, tara na at pakainin mo na tong mga alaga ko sa tiyan."