KAEL POV
Ngayon alam ko na ang totoong nangyayare, kung nasaan si Quences. Nakipagtulungan na ako kay Josh nung una ayaw niya nang nalaman niyang kapatid ko si Dindo pero kalaunan nakuha ko rin ang loob nito.
Galit ako kay Dindo lalo na nasa kanya ang taong mahal ko. Gali rin ako kay Dad dahil sanginawa niya, tinago niya ang mahal ko para sa kapakanan ni Dindo kaya naman humanda ka Dindo. Malapit ko nang kunin si Quences.
Papunta ako sa isang tagong lugar para maki'pag kita kay Josh dahil sa pag uusapan namin. Nakita ko naman ito at lumapit agad.
"Kailangan na nating makuha si Quences" panimula ko
"Oo, isang buwan ko na siyang hindi nakikita" randam ko ang lungkot sa bawat salitang binibitawan niya
"Gagawa ako ng paraan para mahanap natin si Quences. Kukunin ko ang loob ni Dad para matuntun natin sila" agarang sambit ko
"Salamat Kael--------"
Naputol ang sinasabe nito ng biglang may dumating
"Blake? 'Bat ka narito?" Tanong ni Josh
Oo, alam kong girlfriend niya si Quences pero wala akong pake. Malay natin baka hindi talaga sila para sa isa't isa.
Tumingin muna ito sa akin at bumaling kay Josh
"Tinitignan ko lang baka kase may mali"
Bigla naman ako napatingin sa kanya
"Haha, ano namang mali?" Pagtatanong ko
"Sa tingin mo? *smirk* Nandito ako Josh para ipaalala sayo na kailangan nating mag ingat baka nandiyan lang sila sa paligid" at tumingin sa akin
"Alam ko naman yun Blake" sabi ni Josh
"Uunahan na kita Blake, narito ako para tumulong dahil importanteng tao si Quences at hindi ako masamang tao na iniisip mo" sabi ko
Napatawa naman ito bago magsalita
"Hahahaha. Bakit? Sinabe ko bang may masama kang balak?" Tanong niya
"Wala kang sinabe pero sa bawat pagbitaw mo ng iyong salita ay alam kong pinaparinggan mo ako--------"
"Tumigil na kayo! Kung gusto niyong tumulong, tumulong kayo! Dumadagdag lang kayo sa sakit ng ulo ko!" Pasigaw na sabi ni Josh
Bigla namang umalis si Josh at sandali pa ay umalis na rin si Blake.
Hindi ko alam kung ano ag nagustohan ni Quences sa Blake na yun! Eh. Ang yabang yabang naman! Akala mo naman kung sino! Eh di niya nga deserve si Quences. Tsk!
MR. CRAEG POV
Habang may pinipirmahan ako ay biglang may tumawag sa cellphone ko kaya naman sinagot ko ito.
"Hello?"
"Dad! Ano na?!" Naiiritang tanong nito
It's Dindo
"Anak busy pa ako at may trabaho ako------------"
Medyo nilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa pagsigaw niya sa kabilang linya.
"Noooo! kailangan ko rin to! We need to get married! What if --- if iwan niya ako?! Pano nalang kong hindi na niya ako mahal?! That won't happen. Hahahahahahaha She love meeee! Kase pag hindi na niya ako mahal at iwan niya ako *sob* magpapakamatay ako! I swear! So be fast! Hihihihihihi"
Gusto kong umiyak dahil napabayaan ko ang anak ko pero bilang isang Tatay gusto kong mapasaya ang anak ko. Sabihin na nating selfish ako pero ayakong makita ang anak ko na malungkot at umiiyak kaya kailangan ko itong gawain.
"O-okay anak-------"
"Be fast!"
At bigla nalang naputol sa kabilang linya
Napabuntong hininga nalang ako.
Bahala na
__________
A/n: Luttaaaannngggg is reaaaalllll! Real na reaaaalllll, reaaalllll na reaaaallllllll!
