"Maico? Walang hiya ka talaga, alam ko ikaw ang nasa likod ng accidente ni tanya" giit ko. Ang lakas din ng loob tumawag pa.

"hey hey mi amor, baka nalilimutan mo, wala ka ngayon jan sa kinatatayuan mo ngayon kung wala ako" sabay tawa nito na mala demonyo.

Hindi ganito ang maico kilala ko noon, nag bago na siya, alam ko nabulag lamang siya ng galit at puot, pero sobra namn ang ginagawa niya ngayon, hindi makatarungan idamay pa ang mga tao inocente

"Maico tigilan mo na to, wala ka naman mapapala sa mga ginagawa mo" mahinahoon ko sagot, ayoko ko na ng away tama na, hindi ko akalain ganito ka kumplikado ang napasukan ko,

"Sa akala mo lang wala, pero meron ligaya, ikaw yun makukuha ko sa huli at ang pag baksak ng pamilya Dela-Cruz, kaya kung ako sayo gawin mo na pinapagawa ko sayo bago maubos ang pasesya ko at pamilya mo naman ang pag diskitahan ko" agad niya binaba nag telophono, naiwan ako gulong gulong takot sa pwede manyari, pero isang lang naiwan alam ko pwede gawin ngayon, kinuha ko ulit ang akin cellphone

"Troy, may na send ako papers sayo please keep it" agad ko yun binaba.

---

"Mommy, sama ka?" tanong ng akin anak. Inaayus ang kanila gamit, nag pasyahan dalhin ni rance si lea sa kanila conference, gusto ko man sumama kaso alam ko ayaw ni rance.

"hindi anak eh, may gagawin si mommy" pag dadahilan ko, bakas sa kanya mukha ang paka dismaya at natahimik, kaya iniwan ko muna ang mga natiklop na damit at nilapitan siya,

"ganito na lang pag uwi ninyo ni daddy mag laro tayo sa amusement park, gusto mo ba yun?"

"pero gusto ko kasama ka sa pupuntahan namin ni daddy, ayaw ko wala ka please mommy"nag puppy eye siya at umakap sakin.

"anak kasi...." hindi ko na natuloy ang akin sasabihin ng bigla siya umalis sa kwarto, tinatawagan ko siya ngunit hindi naman to bumaling sakin. Kung kaya hinabol ko siya, nakita ko siya pumasok sa opisina ni rance, hinayaan niya bukas ang pinto kaya . Malaya narinig ko ang kanila usapan mag ama, wala naman ako balak pumasok ngunit nakita ko agad niya niyakap si rance na ngayon ay abala sa kanya computer

"daddy please sama si mommy please...."

"busy si daddy lea later na natin, pag usapan yan"

"please daddy please..."

"pag usapan muna namin yan ng mommy mo mamaya alam mo naman na may work din siya diba?"

Hindi ko na narinig ang susunod nila usapan,nag pasya ako tapusin ang akin naiwan trabaho sa pag aayus ng damit, naging abala ako sa pag ayus ng gamit sa bahay kasabay na yun paglilinis ng mga gamit at itapon ang hindi na kailagan kung kaya hindi ko napansin mag hahating gabi na pala, masyado ako nawili sa akin ginagawa hindi ko na pansin na naka tingin lang si rance sakin

"may kailagan ka?" tanong ko, binalik ko sa cabinet ang album na kanina ko pa tinitignan, alam kasi yun ng mga picture ni lea nun baby pa siya,

"kinausap ako ni lea, nag tatanong ko pwede ka bang sumama sa conference?" bakas sa kanya mukhang ang dis-gusto niya makasama ako sa sumit

"sinabi ko naman kay lea na hindi ako pwede sumama" pagpapaliwanag ko

"mabuti, pero nasa sayo yun gusto mo," tumalikod na siya ng bigla siya tumigil "matulog kana good night" saka siya lamayo at pumasok sa kanya kwarto. O sa kwarto namin, hindi ako makapaniwala sakin nakita

Gusto lumundag ng puso ko sa akin narinig, hindi naman yata yun guni guni o imahinasyon lang. Kaya nag madali na ako pumasok sa kwarto niya o masasabi sa kwarto namin, nakita ko siya inaayus ang comforter. Gusto ko sana mag tanong kaso minabuti ko na lang isa walang bahala, pumunta na lamang ako sa banyo upang gawin ang night routine ko, matapus yun tumabi ako kay rance ng ngayon ay nag babasa ng libro,

"dito muna ako matutulog habang sira pa, ang aircondition sa guestroom" pag papadahilan niya, wala naman ako tanong o sinabi

"ok" mabilis naman ako naka tulog dahil na rin sa pagod pero may parte sa puso ko na masaya dahil katabi ko ngayon ang aking mahal

Ganun siguro pag mahal ka, kahit ilan beses ka man saktan mamahalin at mamahalin mo parin siya,

---

4-15-18

--

Ligaya RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon