LILY's POV
Medyo hinihingal nako, nakakapagod na, kanina pa kasi ako naglalakad hinahanap ko si Drake kaya hindi ako pwede sumuko! Lakad lang toh! Di baleng mapagod ako, di nga ako napagod magmahal sakanya kahit na palihim, kasi ayokong magalit siya mula pagkabata magkaibigan na kami at ayokong masira iyun dahil lang sa pagmamahal ko at isa pa, may mahal naman siyang iba may girlfriend na siya, akala ko nga noon ako ang magiging first gf niya kasi sabi niya gusto niya ako pero iba palang gusto, gusto niya lang akong maging kaibigan kaya eto ako, nag iisang naglalakad sa mahabang kalsada nang baryo namin lahat na ng lugar na posibleng puntahan niya pinuntahan ko na pero, bigo akong makita siya.
Habang umuupo ako dito sa may upuan na katabi nang puno, tinatawagan ko siya ngunit walang sumasagot.
Asan ka na ba drake nag-aalala nako! Bat ayaw mong sagutin.
Kanina pa'ko dito nakaupo, kaya napagdesisyunan ko na pumunta sa mall baka naman may binili lang, pinara ko yong napadaan na tricycle.
Sumakay na'ko habang malapit nako sa mall may natanaw ako na parang kamukha ni Drake sa taas sa second floor, nakikita ko kasi transparent at glass yong ding ding ng mall, kinawayan ko siya, pinagtitinginan na ngako ng mga tao pero bahala sila jan pake ko sakanila si Drake ang pinunta ko dito."DRAKE! DRAKE!" sigaw ko habang kumakaway ngunit parang di man lang ako pinansin, alam ko nakita niyako napansin ko na tumingin siya dito pero imbis kawayan ako pabalik, hinila niya yong kasama niyang babae paalis mukhang girlfriend niya ata, hindi pa ngako pinapakilala ni Drake sakanyang nobya tsaka parang napansin ko na iniiwasan niyako may nagawa bakong masama? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ibang ginawa kundi mahalin siya.
Pati ba yun ikinagagalit niya? Yun na nga lang ang kaya kong gawin ipagkakait niya pa.Kaya agad akong pumasok sa mall, pumunta ako sa taas kung saan nakita ko siya habang tunatakbo ako may nabangga akong babae.
Teka siya yong babaeng kasama ni Drake ah.
Napatigil ako nang makita ko si Drake na papalapit na may dala dalang ice cream.
"Babe, sorry choco lang na flavor yong nakuha ko e ubos na kasi yong cheese flavor na gusto---" di na niya natuloy ang sasabihin niya nong nakita niya ako.
"Bakit babe? Kilala mo siya?" sabi nong babae na girlfriend niya kasi tinawag na babe e di naman pwedeng kaibigan niya lang, brown yong mata niya, maputi, mistisa sa madaling salita maganda.... Maganda din naman ako ah? Kaso di nga lang brown mata ko, blue kasi mata ko nagmana kay papa na nasa states pinapadalhan lang kami ng pera ni mama. Kung gusto niya ng brown na mata di sana bumili nalang ako ng lense sa mata na brown, para mahalin niya din ako.
"A-ahh O-o babe" nauutal niyang sabi.
"Kaano-ano mo siya babe?" sabi nong girlfriend niya.
"Kaibigan ko siya, kaibigan ko lang" sabi niya.
Napatigil ako sa sinabi niya, tama naman siya kaibigan lang naman niya ako, kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya akmang tutulo ang luha ko pero agad kong pinigilan ang luha na parang aagos na, ayokong makita niyakong umiiyak.
"Ah ma-una nak-o" sabi ko na nakangiti, pilit tinatago ang sakit sa pamamagitan ng pilit na ngiti.
Agad akong tumakbo, gusto kong lumayo dito, malayo sa taong minahal ko na hindi ako magawang mahalin.
BINABASA MO ANG
A One Sided Love (Short Story)
Historia CortaAre you ready to love without being loved back? Magpapakatanga ka ba?