Chapter 7

10 1 3
                                    

LILY's POV

Hanggang ngayon tulala padin ako dahil sa ginawa niya sakin, bigla niyakong hinalikan.

Sa cheeks lang yun, wag oa bes!

Nakakainis talaga tong konsensya ko, sabagay totoo naman, sa cheeks lang pero kasi first kiss ko yun, kahit sa cheeks kiss padin naman yun, first kiss ko si Drake, except kay papa, di naman consider si papa kasi malamang i-ki-kiss niyako kasi anak niyako, pero si Drake? Kiniss niyako kahit di ko siya papa, ano bayan! Kung ano-ano iniisip ko, friendly kiss lang naman yun, teka may friendly kiss ba? Alam ko friendly hug lang meron, pero bahala na nga! Kung di friendly kiss yun, e ano? Basta! Friendly kiss lang yun tapos!

"I'm sorry" nahihiyang sabi ni Drake.

Omg, kinikilig padin ako, pero kailangan pigilan ang kilig, baka mahalata ni Drake baka ano pang mangyari dapat chill lang sige Lily chill ka lang.

"Okay lang, friendly kiss lang naman yun" chill kong sabi, para di halata pero parang natatawa si Drake sa sinabi ko.

"What? Friendly kiss? First time kong narinig yun" sabi niya habang ngumingiti.

"Pero, again sorry, na carried away lang" natatawang sabi niya.

"Di wala yun, friendly kiss nga lang diba?" chill ko pading sabi sakanya.

"Oo na" natatawa niyang sabi, ang ganda talaga ng ngiti niya parang anghel, ang amo ng mukha.

Pagkatapos niyang bilhin ang sing sing, agad kaming lumabas, sabi ni Drake ililibre niya daw ako kaya dumiretso kami sa isang malapit na restaurant, grabe nagutom ako kahit yun lang ang ginawa namin.

"Anong gusto mo?" tanong niya.

Ikaw, ikaw Drake ang gusto ko

Ano ba tong konsensya ko, ang harot harot.

"Ah, kahit ano nalang" Nakangiti kong sabi sakanya. Kaya nag order na si Drake sakto naman at dumating kaagad yong order mukhang masarap to.

Habang kumakain, kinukwento ni Drake yong tungkol sakanila ng gf niya, ang saya saya niya habang kinukwento yun, wala siyang ibang bukambibig kundi gf niya, kaya naman na realized ko kahit masakit sa part ko tatanggapin ko nalang ang sitwasyon ko, na kung saan sa isang labanan ng pag-ibig talo ako at dahil sa pagkatalo ko bigo kong makamit ang premyo, ang premyo na inaasam asam ko ang premyo na kasalukuyang abot kamay ni Nelly, ang premyong kahit kailan di ko na makukuha at mababawi dahil nasakamay na ni Nelly iyun, nasakamay na niya ang pag-ibig ni Drake at kahit kailan hinding-hindi mapapasaakin.

Pagkatapos naming kumain, nagyaya nanaman si Drake, sabi niya mag bonding daw kami since ilang years din kaming di nakakapag bonding dahil nga sa di pagpapansinan naming dalawa, ilang oras na di parin kami umaalis di kasi kami makapag decide kung sa'n kami pupunta.

"San mo gusto pumunta?" sabi ni Drake.

"Kung san mo gusto" sagot ko habang iniinom yong juice.

Sa huli, sa energy park pa din ang tuloy namin, wala kasing masyadong lugar dito na pwedeng mag bonding, ayaw naman ni Drake sa mall kasi common na daw yong mall tsaka di daw namin mae-enjoy yun. Lumabas na kami sa restaurant hinintay ko nalang si Drake matapos magbayad ng bill, nagtalo pa nga kami, sabi ko ako nalang magbayad tutal kanina pa niya'ko nililibre, pero ayaw niya talaga kasi daw lalaki siya, dapat siya daw ang nanglilibre tsaka siya daw yong nag offer sakin na samahan ko siya, kaya di nako nakipag talo.

Ilang minuto din bago nakalabas si Drake.

"Ba't ang tagal mo?" sabi ko.

"Hinanap ko pa kasi wallet ko, nahulog lang pala" sabi niya.

"Teka, bat di ka pumasok sa kotse?" sabi niya.

"Wala ka pa e, ayokong pumasok dun na wala ka, di ko naman yun sasakyan" pagrarason ko.

"So, kanina ka pa naghihintay dito sa labas?" tanong niya.

Marahan akong tumango, e ayoko kasi pumasok sa kotse niya na wala siya, baka sabihin niya feeling close na talaga ako, tsaka di niya naman ako gf niya para feel free na sumakay kaagad sa kotse niya, Oo bestfriend ako, pero di nam yun sapat na dahilan para manghimasok sa kotse niya.

Ang Oa mo bes!

Nakakainis talaga tong konsensya ko, oa na kung oa bahala ka dyan!

"Lily, bestfriend naman kita tsaka di ka naman iba sakin wag ka ng mahiya pumasok sa kotse ko pag wala ako okay? Yan tuloy nilamig ka" nag aalala niyang sabi.

"S-sige" nakangiti kong sabi.

Bubuksan ko na sana yong pintuan ng kotse, pero naunahan ako ni Drake, ang gentlemen talaga nitong bestfriend ko kahit kailan, kaya ako nahuhulog e pero nong nahulog naman ako wala namang sumalo di niyako sinalo ibang babae ang nasalo niya.

Mga ilang minuto din, bago kami nakarating sa energy park, unang lumabas si Drake tas sumunod naman ako. Naglilibot libot muna kami naghahanap kami ng magandang lugar kung saan pwedeng pumwesto. Matapos ang ilang minutong paglilibot sa wakas nakapag decide nadin kami na dun nalang sa may puno pumwesto saktong sakto at may upuan dun, umupo na kami at malayang inaamoy ang preskong simoy ng hangin. Hanggang sa napagdesisyunan namin na mag rent ng bisekleta para makapag bike naman kami dito.

Sabay kaming naglakad ni Drake papunta dun sa may mga bisekleta.

"Pili ka na Lily, ako na magbabayad" sabi ni Drake.

"Hala hindi na, kanina mo pa'ko nililibre tsaka bente pesos lang naman to" sabi ko.

"Lily, sinabi ko naman sayo diba n---" di na niya natuloy ang sasabihin niya kasi inabot ko na kay manang ang bayad kaya wala na siyang nagawa.

Pinili ko yong pink na bike, ang cute kasi habang kay Drake naman ay yong black, kinuha nanamin yong bike tsaka sumakay.

"Ano? Karera tayo?" hamon ko sakanya.

"Sige ba, basic! Pag nanalo ako lilibre mo'ko bag ikaw naman nanalo libre kita" sabi niya.

"Game, dun sa may poste yong finish line" sabi ko.

At nagsimula na ang karera, ang bilis pala magpatakbo ni Drake, pero mag papahuli bako? Kaya nong malapit na sa finish line binilisan ko na pagpadyak hanggang sa naunahan ko na siya, pero nong malapit na talaga sa Finish line naunaha ako ni Drake ang bilis nong pangyayari akala ko ako na ang mananalo kaya sa huli, si Drake ang panalo at nilibre ko siya ng Juice, sabi ko nga kanina yong halo halo nalang sa labas sabi niya Juice nalang daw pinilit ko pa siya pero ayaw niya talaga kaya Juice nalang binili ko sakanya.

Tinatawanan niyako kanina, kasi para daw akong natatae kanina sa sobrang concentrate ko mag padyak, hanggang ngayon tinatawanan niya padin ako.

"Yabang mo!" sabi ko.

"AHAHHAHAHAHAHAHHAHAHA!" Malakas niyang tawa, pinagtitinginan tuloy kami.

Namula tuloy ako ang sagwa talaga natatae ba talaga mukha ko? Nakakainis.

Naglakad na kami patungo sa sasakyan niya, nong nasa kotse niya nako parang may kulang sakin, saka ko lang na realized na naiwan ko pala yong cellphone ko dun sa park.

"Drake, naiwan ko yong phone ko sa park" nahihiya kong sabi sakanya.

"Okay, san do'n?" sabi niya.

"Dun sa inupuan natin kanina" sabi ko.

At nagdrive na si Drake pabalik. Nong nasa park na uli kami bababa na sana ako.

"No, stay here ako na ang kukuha" sabi ni Drake, kaya di nako umangal.

Antagal ni Drake ilang minuto na pero di pa siya bumabalik kaya pupuntahan ko sana siya nong makita ko siya. Teka diba umalis na yong gf niya?

Ba't nandito yong gf niya? Tsaka may kasamang lalaki, mukhang nagsisigawan sila dun, parang makikipag sapakan si Drake buti nalang inawat sila nong guard. Di nako lumabas kasi kinakabahan ako, galit na galit si Drake naglakad na siya pabalik dito hawak yong phone ko, saka padabog niyang sinira ang pinto.

Ano kayang nangyari? Sana okay lang si Drake, pero mukhang hindi e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A One Sided Love (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon