DRAKE's POV
Tulala ako habang ginagawa ang sketch design ko, iniisip ko parin yong nangyari kagabi, nakakainis di talaga ako pinapatahimik ng utak ko, mabait si Nelly alam ko yun kailangan ko lang magtiwala sakanya hindi niya magagawa yun.
"Honey, lets sleep" rinig ko sa kabilang linya.
"Who's that babe?" sabi ko, sino yun? Nilololo na ba'ko ni Nelly? May iba na ba siyang lalaki?
"Ah-h si da-d babe hone-y tawa-g niya saki-n" nauutal niyang sambit.
"Ba't iba ang boses?" sabi ko.
"May col-d kasi siy-a anyways, good night babe, I love you" sabi niya.
"Okay babe, I love you too, night" sabi ko.
Pero di parin talaga mawala sa isip ko ang nangyari, what if all this time niloloko lang pala ako ni Nelly? Urghhh! I should stop this di yun magagawa ni Nelly sabi niya daddy lang naman niya yun, I should trust her.
Baka naman sugar daddy
Lecheng konsensya na to, walang ibang ginawa kundi guluhin ang utak ko. Bago pa man ako mabaliw kakaisip itinuon ko nalang ang pansin sa pag s-sketch at sa wakas natapos na rin. Tutal wala naman akong gagawin mamaya, bibisitahin ko nalang si Lily hihingi nalang ako ng tawad sa ginawa ko, bago ako umuwi ng bahay dumaan muna ako sa isang flower shop.
"Good morning sir" bati nong guard, at tinanguan ko naman.
"Isang bouquet ng white roses please" sabi ko, yun kasi yong favorite flower ni Lily naalala ko pa nong mga bata pa kami.
"Tignan mo drake oh may mga bulaklak ang ganda nila, tara pitasin natin" sabi ni Lily.
"Ayoko, baka may snake jan, umalis na tayo dito Lily baka tuklawin tayo, sige ka" sabi ko.
"Ehh! Gusto ko yaan! Wala naman atang snake dito tsaka di mo naman ako papabayaan diba drake?" sabi niya.
"Oo naman, pero baka malaki yong ahas nakita mo yong sa mga movie malalaki ang mga ahas baka di lang tayo tuklawin kainin pa tayo" sabi ko.
"Eh, wala namang ganun dito sabi ni teacher nasa amazon forest lang daw yun, kaya wag kang mag alala wala namang ganun kalaking ahas dito" sabi niya.
"Sige na nga!, basta bilisan lang natin ah" sabi ko.
"Yeheeey! Promise mabilis lang 'to" sabi niya, at pinitas yong mga white roses.
Naaalala ko pa nun pinagmamayabang niya yong white roses sa mga kalaro namin, tuwang tuwa talaga siya sa mga bulaklak. Nong nakuha ko na ang bulaklak agad akong umalis sa shop at dumeritso kila Lily.
Nong nasa tapat na'ko ng bahay nila agad akong kumatok.
"Tok! Tok! Tok!
Bumungad sa'kin si Tita Cassy.
"Ah-h si Lily po?" sabi ko
"Nasa kwarto niya nagpapahinga pasok ka drake" sabi ni Tita.
"Salamat po, Tita" sabi ko.
Umaakyat ako kaagad diretso sa kwarto ni Lily at kumatok, kaagad din naman niyang binuksan.
"Oh-h, Drake napadalaw k-a?paso-k" gulat niyang sabi.
"Salamat, Gusto ko sanang humingi ng tawad" sabi ko.
"Wala yun, wala namang may kasalanan, aksidente lang naman yun." nakangiti niyang sabi.
Nag usap kami, nakakatawa padin siya bigla kong naala yong sabi ni Tita kaya tinanong ko kay Lily.
"Ah, Lily may I ask?" sabi ko.
"Sure, what is it?" sabi niya.
"Ano yong tungkol sa head operation?" sabi ko.
"Ah-h yun, na aksidente kasi ako nong papunta ako sainyo kasi nabalitaan ko na patay na daw si Thea pero nabangga ako nong paparating na sasakyan habang tumatawid sa kalsada niyo, kaya dinala ako sa states upang operahan, di na namin nasabi sainyo kasi umalis kami kaagad, kailangan kasi akong ma operahan agad kundi mamatay ako, kaya nga'ko umalis dahil dun gusto sana kitang damayan kaso di pwede eh" diretso niyang sabi, nabigla ako sa mga sinabi niya kaya niyakap ko siya.
"Ah-h, Drak-e di ako makahing-a" sabi niya.
Bumitaw ako sa pagkakayakap.
"Sorry, ba't di mo kaagad sinabi?ilang years akong nagtanim ng galit sa puso ko" sabi ko.
"Sasabihin ko naman sana, kasi balita ko nagtatampo kadaw sakin at galit kasi umalis kaagad ako nun, nong bumalik ako di mo ngako kinakausap e paano ko sasabihin?" sabi niya.
"Kung alam ko lang sana di ko sinayang yong ilang taon na di pag pansin sayo dahil lang sa galit na nararamdaman ko, Pero ang importante successful ang operation at buhay ka tsaka okay na tayo ngayon" sabi ko.
"Masaya ako dahil bati na ulit tayo" sabi niya.
"Mas masaya ako, dahil sa wakas yong galit na namuo sa puso ko ng ilang taon ay wala na, sorry talaga Lily di man lang kita binigyan ng chance mag explain, oh ano friends?" sabi ko, sabay taas nong hinliit niya sa kamay.
"Wala yun, ang importante ayos na tayo ngayon, Oo, friends" sabi niya habang nakangiti at nag pinky swear kami, para kaming mga bata matapos namin gawin yun, at tumawa kami na parang baliw.
Ang saya saya ko ngayon dahil sa wakas, nagkaayos na kami ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
A One Sided Love (Short Story)
Storie breviAre you ready to love without being loved back? Magpapakatanga ka ba?