LILY's POV
Maaga akong nagising ngayong umaga, ewan ko ba parang ang saya saya ko ngayon, napansin nga yun ni mama kanina habang kumakain kami.
"Lily, bumaba ka na diyan the breakfast is ready" sigaw ni mama. Kaya agad akong bumaba.
"Aba, himala at bumaba ka kaagad, akala ko magkukulong ka ulit sa kwarto mo teka, parang masaya ka ata ngayon?" sabi ni mama.
"Palagi naman akong masaya ma" sagot ko.
"Anong palagi? Parang kahapon lang nagkukulong ka at umiiyak" sambit ni mama.
"Masama bang maging masaya ma?" sabi ko.
"Di naman sa gano'n, nakakapanibago lang" nakangiting sabi ni mama.
At agad akong kumain, grabe parang sobrang gutom na gutom ako, andami kong nakain ngayon, ansakit na nga ng tiyan ko.
Pagkatapos kong kumain, kaagad akong naligo, habang naliligo kumakanta-kanta pa'ko, parang baliw lang hahahaha.
I never dream
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing 🎶And I could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game 🎶Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each dayHabang feel na feel ko ang pagkanta, nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya agad kong kinuha tuwalya para ibalot sa katawan ko, nong sasagutin ko na ang tawag nagulat ako kung sino ang tumatawag.
Calling...
DrakeAnswer - End
Biglang tumibok ng malakas ang puso ko, kinakabahan talaga ako pagdating kay Drake, ewan ko ba kung anong meron sakanya kung bakit kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang answer button.
"Hell-o" kinakabahan kong sagot.
"Good morning lily" sagot niya sa kabilang linya, Ang ganda ganda ng boses niya lalaking laki yong tipong malalim at malambing yong boses feeling ko talaga singer tong lalaking 'to chos!
"Napatawa-g ka?" nahihiya kong sabi.
"Umm, Are you free today?" mahina niyang sabi. Omg yayayain niya ba' kong magdate? Omg eto na ba Lord? Matutupad na ba ang hinihiling ko?
Assuming ka masyado teh
Badtrip talaga tong konsensya na to.
"Yeah, baki-t?" mahinhin kong sabi.
"Ano kasi e" nahihiya niyang sabi.
"Ano?" sabi ko.
"Magpapasama sana ako bumili ng ring, kung okay lang sayo?" sabi niya.
Ansaket.
"Sur-e, ngayo-n na?" pilit kong lagyan ng buhay yong boses ko, ayoko namang isipin niya na, nalulungkot ako, answerte naman ng gf niya mukhang papakasalan na siya ni Drake balita ko 4 years na daw sila, naging sila nong mag start mag college ni Drake at ngayong graduating na si Drake mukhang bubuo na siya ng pamilya kasama nong gf niya, di niya pako napapakilala dun, sana ipakilala niya'ko kahit masakit sa part ko gusto ko din naman makilala yong taong papaksalan ng taong mahal ko kahit na alam kong di ako ang taong yun 4 years na kami ni mama dito sa davao, bumalik lang kami dito nong mag c-college nako, sa states nako nakapagtapos ng high school, since 6 years akong nandun dahil sa treatment para sa fully recovered ko, nagkaroon kasi akong ng temporary amnesia bumalik lang nong umuwi na kami dito, andami kasing ala alang hindi ko nakakalimutan at isa si Drake sa ala ala na yun ang bestfriend at ang first love ko. Sa loob ng 4 na taon dito hindi ako pinapansin ni Drake lagi siyang galit sakin di ko nga maintindihan kung bakit, hangang isang araw bumalik na yong ala ala ko, yong ala alang pag iwan ko sakanya at yong aksidente, pa isa isa kasing bumabalik ang ala ala at hanggang ngayon ansakit padin na may iba na siya, lagi akong nag aabang ng pagkakataon na sabihin sakanya ang nangyari sakin pero lagi niyakong iniiwasan, tuloy ang pag iwas niya at umabot sa 4 na taon, kaya sobrang saya ko nong sa wakas nalaman niya na, pero huli na ang lahat kasi may mahal na siyang iba at mukhang papakasalan niya na, ramdam ko ang pagmamahal ni Drake kay Nelly ibang iba sa pagmamahal na binibigay niya sakin, dahil ang pagmamahal na binibigay sakin ni Drake ay pagmamahal bilang kaibigan lang samantalang kay Nelly, pagmamahal na handang pakasalan siya, Ano bang laban ko dun? Gusto kong maging masaya para kay Drake, pero di ko magawa dahil hanggang ngayon ansakit parin dahil umasa ako na kami sa huli.
"Lily? Still there?" sambit ni Drake kaya agad akong bumalik sa katinuan, nakakahiya dahil bigla nalang akong natulala sa sinabi niya.
"Sabi ko kanina I'll pick you up" sabi niya.
"No, magco-commute nalang ako" nahihiya kong sabi.
"No! Susunduin kita nakakahiya naman ako na nga ang humingi ng favor tas hindi pa kita isasakay" sabi niya.
"Sige, magbibihis lang ako" sabi ko.
"A'right, I'll pick you on 9" sabi niya, at binaba na ang tawag.
Dali dali naman akong nagbihis, di ko alam kung anong susuotin teka, di naman to date bat ba nagiging conscious ako pagdating kay Drake, sinuot ko nalang yong stripe kong t-shirt black and white siya black yong mga stripes niya, sinuot ko din yong black leggings and white converse shoes ko, black and white is life e Hahahaha. Pagkatapos kong magbihis bumaba nako at nagpaalam kay mama na sasamahan ko si Drake, naghintay ako dun sa may waiting shed sa tapat ng bahay namin, malapit din kasi siya sa kalsada.
Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na si Drake. Kulay black yong kotse niya na Mercedes-Benz
"Hey Lily, get inside" sabi niya, kaagad din naman akong pumasok. Nakakatuwa dahil andaming teddy bears sa kotse niya, tsaka first time kong makasakay sa kotse niya.
Ilang minuto na din ang nakalipas, walang nagsasalita kaya inunahan ko na.
"Mag p-propose ka na sa gf mo? " nahihiya kong sabi sakanya.
"Hmm, yeah" nakangiti niya sabi, ramdam na ramdam mo yong excitement sa mukha niya.
Ouch.
"Naks, pakilala mo naman sakin, matagal ko ng gustong makilala siya" sambit ko.
"Sure, pagbalik niya" nakangiti padin niyang sabi, gusto ko talagang mameet kung sino yong papakasalan ng bestfriend ko wala kasi akong alam bukod sa pangalan niya.
Nag usap kami ni Drake tungkol sa gf niya at tungkol sa magiging trabaho niya madami dami din kaming napag usapan, namiss ko to.
Ilang minuto din bago kami makarating dun sa sikat na ring shop sa buong Pilipinas ang Ring De Amore.
"We're here" sambit ni Drake.
Agad naman kaming bumaba, at pumasok binati naman kami nong babae, mukhang siya yong may ari.
"Good morning sir and ma'am, we have new fresh designs here mula sa mga pinakamagaling na ring designers sa buong mundo" masigla niyang sabi.
"Sige na Lily tulungan mo'ko pumili" sabi ni Drake.
"Sige" sagot ko naman.
"Girlfriend niyo sir? Naku bagay kayo" sabi nong babae.
Omg.
Bigla tuloy napatingin si Drake sakin, nakakahiya.
"No, we're just friends, actually bestfriends" sabi ni Drake.
"Naku, sayang naman bagay pa naman kayo, by the way para sa gf niyo sir or para sa bestfriend?" sabi nong babae.
Nakakaloka.
"Para sa Girlfriend" sabi ni Drake.
Aray.
Teka, bat ba ako nasasaktan totoo naman ah, siguro dapat itigil ko nalang ang pag asa, dapat maging masaya nalang ako sakanila.
"Look drake, may nakita ako" sabi ko kay drake.
Omg, ang ganda ganda naman nito, may nakita akong ring ang ganda ng design silver siya tas parang may heart sa gitna parang gawa sa diamond yong heart sa gitna, ang ganda.
"Oo nga, I'm sure magugustuhan to ni Nelly" sabi ni Drake.
"Magugustuhan talaga ni Nelly yan, ako kaya pumili niyan" proud kong sabi sa kanya.
"Thank you so, much Lily you're the best" sabi ni Drake, bakas sa mukha niya ang saya at excitement kaya naman,
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
BINABASA MO ANG
A One Sided Love (Short Story)
Cerita PendekAre you ready to love without being loved back? Magpapakatanga ka ba?