Chapter 2

12 1 2
                                    

LILY's POV

Ilang araw na'kong nakakulong sa kwarto wala akong ibang ginawa kundi matulog ni hindi na nga'ko kumakain sa tamang oras, kumakain lang ako pag pinipilit ni mama, wala akong ganang kumain. Bat niya ba'ko iniiwasan? Wala naman akong ginagawa ah? Concern lang naman ako, baka kung ano nang nangyaring masama sakanya. Di ko naman pinipilit ang sarili ko sakanya, alam ko naman na kaibigan lang ako, pero bakit ganun siya? Bakit parang pinagtatabuyan niya'ko?Dati naman close na close kami, nong mga bata palang kami sabay kaming naglalaro, alam namin kung nasan ang isa't isa kinukwento namin kung anong ganap sa school, sa bahay, sa buhay namin. Pero parang nagbago na ngayon sabagay, may gf na siya alam ko naman yun, porket may gf bawal na makipagkaibigan sa babae? Mas nauna naman ako dun sa gf niya ah, mas nauna akong mahalin siya, pero kahit ako ang na-una sa huli yong babae na yun parin ang minahal niya, gusto ko lang naman kahit papano may lugar padin ako sa puso niya kahit bilang kaibigan man lang, sa nangyayari ngayon parang di na kaibigan ang turing niya sa'kin, kagaya nong nangyari, pinagtabuyan niya'ko buti sana kung sa bahay niya lang ako pinagtabuyan, pero pati sa buhay niya pinagtabuyan niya nako.

"Anong sinabi mo kay mama? Bat ba nangingialam ka ng buhay na may buhay?" galit na sabi niya non, first time kong nakita siyang magalit, galit na galit siyang bumungad sakin nong naglalakad ako pauwi sa bahay, bigla siyang sumulpot na galit na galit.

"Sinabi ko lang nama-n kun-g nasaa-n ka kasi nag aalal-a kami say-o" nanginginig kung sabi sakanya.

" Sana hinayaan mo nalang kami, last day niya na dito! Aalis na siya bat kailangan mong sabihin? Kaya ngako tumakas para walang makaalam e, dumating ka pa, sinabi mo pa kay mama kung nasan ako, naputol tuloy yong last bonding namin last na yun Lily! Matagal pa bago yong balik niya uli! umalis na siya di man lang namin na sulit yong araw na 'yun, sana ikaw nalang umalis sana hindi nalang siya, bumalik ka na dun sa lugar niyo, umalis ka na sa buhay ko! "  sigaw niya sakin, takot na takot ako sakanya nun, naginginig yong buong katawan ko, kasabay ng nginig ang sakit na nararamdaman ko sakit na di kayang alisin ng kahit ano mang gamot, sakit na  di ko alam kung gagaling pa, sakit na siya lang ang makakagamot.

"So-rry, di ko nama-n alam na kukun-in ka ni tita pa-g nalama-n niya kung nasaa-n ka, nag-aalal-a lan-g naman kami say-o" mahina kong sabi sakanya.

"Kung nag aalala ka sakin, please do me a favor" sabi niya, kalmado na ng kunti kesa kanina pero halata parin ang galit sa boses niya.

"A-an-o?" sabi ko sakanya, anlakas padin ng kabog ng puso ko dahil sa takot.

"kung talagang nag aalala ka sakin,
Wag ka ng magpapakita sakin,
Umalis ka na sa buhay ko" seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

"Okay, I will, anything for you my bestfriend". Naiiyak kong sabi sakanya habang nakatitig sa mga mata niya, umalis na'ko bago paman tuluyang tumulo ang mga luha sa bughaw na mga mata ko.

Sana maging masaya siya sa tuluyang pag alis ko sa buhay niya.

A One Sided Love (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon