Chapter 1

6.9K 144 47
                                        

Taong 2004 nang si Cissie Cruz ay nasa 4th year High School sa isang private school sa bayan ng Siquijor. Galing siya sa isang mahirap na pamilya sa baryo ng Cangmatnog. Napilitan siyang pumasok sa bilang working student para makapag-aral sa bayan. Namatay ang tatay niya noong 13 anyos palang siya at hindi maganda ang dinanas niya sa naging amo niya. Ngunit tiniis niya lahat para makatapos lang ng High School. Sa kabila ng mahirap na kalagayan, naging positibo parin siya sa buhay at kaakibat ng kanyang pagiging positibo ay ang hilig siya sa music. Nagsimula siyang tumugtog ng gitara noong 14 anyos palang siya. Kinahiligan niya ang 80s rock artists gaya ng Bon Jovi, Metallica, Skidrow , Firehouse atbp. At noong ikatatlong araw ng pasok niya bilang graduating student,

"Argh! Late na naman ako nito, kainis kasi 'tong Mayor Doma-to beng 'to eh. Imbes na trabaho niyang magpakain ng matanda sa akin pa pinasa. Dapat nga siya na ang gumawa nito, kasi siyang may malaking sahod samantalang ako ni isang singkong duling wala pa. Pambihiriang buhay 'to, oo! Mapapahiya na naman ako nito sa buong klase. Take a deep breath Cissie, kaya mo iyan! Bilis Cissie makakaabot ka pa, bilis!"  ang patakbong wika ni Cissie sa sarili. At habang kumakaripas siya ng takbo papasok sa classroom nila, bad mood na naman ang teacher nilang si Ms. Langit, dahil sobrang pasaway na naman ang mga kaklase niya.

"Class! Don't you ever dare to lose my temper! You know me already. Huwag niyo akong sagarin at talagang makikita niyo ang hinahanap niyo! Ipapahiya ko kayo sa buong campus kahit pa sa harap ng mga crushes niyo! At...Well, well, well Ms.Cruz , what a big intruder! You're late again!" ang galít na wika ni Ms. Langit.

"Patay...lagot!"ang bulong ni Cissie. "Uhmm Ms. Langit I'm so sorry for being late, I did an errand before coming here. As you know, I am a working student, and I have my blind patient to be fed every morning before rushing here. So, I hope you would understand."

"Very good excuse eh, but I won't buy it. Do something that everybody will enjoy this morning. Alright class, what do you want her to do?" ang wika ni Ms. Langit habang tumataas ang kilay na humarap sa mga studyante.

"Why don't we let her introduce herself to our new classmate? Iyon bang tipong mala prinsipe ang dating," ang mapangtrip na sabi ni Steph.

"Ayos!" sigaw naman ng karamihan.

"Alright then. Well, Ms. Cruz alam mo na ang gagawin mo. 'Yong nasa unahan, 'yong may salamin ah, siya ang bago niyong classmate from Manila. Lapitan mo siya pagkatapos halikan mo ang kamay niya na para bang prinsipe ka na makikipagkilala sa prinsesa," ang mapang-asar na utos ni Ms. Langit.

"Do I really have to do this? Ma'am naman, baka pwede naman pong iba nalang gagawin ko. Baka puwedeng kanta or sayaw nalang po Ma'am, please," ang pagmamakaawa niya.

"I'm sorry, iyan na nga lang ang hiniling kong kapalit ng pagiging late mo eh. Saan ka pa, makakahalik ka sa kamay ng estranghero ng 'di oras? At hindi lang basta estranghero, artistahing estranghero pa. O mamili ka, isusumbong kita sa amo mo na lagi kang late or gawin mo nalang ang gusto ng classmates mo?" ang pambablackmail ni Ms. Langit. Kahit ganoon pa man, malaki pa rin ang respeto no Cissie sa guro nila. Para sa kaniya, ito pa rin ang pinakamahusay na naging teacher niya. 'Yon nga lang medyo terror. Pero natututo naman talaga sila.

"Pero ma'am," ang tanging nasambit ni Cissie.

"Class! Mukhang ayaw ni Cissie, convince niyo siya oh, baka kailangan niya ng cheering squad, guys," wika ni Ms. Langit

"Cissie! Cissie !Cissie!" hiyawan ng mga kaklase niya. Halos mangiyak-ngiyak na si Cissie dahil wala naman siyang magagawa. Kung 'di siya susunod, malalagot siya sa amo niya at baka tanggalan pa siya ng scholarship at hindi niya mapapayagan iyon. Tiniis niya ang hirap at pagod para matapos lang ang high school at makalayas na sa pamamahay na iyon.

Loving Bezzie [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon