Chapter 3

2.3K 96 17
                                    

Ilang buwan din ang lumipas at palapit nang palapit ang Foundation Day Celebration. Kaya naman ang lahat ng estudyante ay puspusan ang pagiinsayo. Hindi naman pahuhuli ang section nila Cissie dahil bawat segment ng kanilang performance ay talagang pinag-iisipan nilang mabuti. Ang team si Steph ay halos hindi na umuuwi ng bahay para lamang makakabuo ng mahusay na choreography. Sila Cissie naman ay nag-uusap tungkol sa kanilang rehearsal habang naka recess break.

“Ano kaya ang mga kantang papatok sa mga audiences natin?” tanong ni Jay sa mga kaband mates niya.

“Ang mga tao dito sa probinsiya namin ay hindi mahilig sa tunog kalye at mga novelty songs kaya hindi natin puwedeng tugtugin mga iyon. Mas maganda kung alternatives at 80’s rock ang kakantahin natin,” ang mungkahi ni Cissie.

“Well, thank you for the suggestions Ciss, but what band they usually listen to?” tanong ni Jay.

“More on Guns ‘n Roses, Bon Jovi, Metallica, Firehouse, Skidrow and Scorpions sila when it comes to 80’s rock and Creed, Greenday, Staind, Default, Nickelback, 3 Doors Down naman pagdating sa alternatives,” ang sagot ni Jun.

“Ilang kanta naman kaya ang tutugtugin natin?” tanong naman ni Jeff.

“Probably ten songs: five for 80’s rock and five for alternative, what do you think guys? ” tanong ni Jay.

“Okay yan sa’kin at least magkaka-ibang genre. Ang tanong ay paano natin sila mapapasaya sa mga kankantahin natin? I mean paano ang pasok natin sa program?” si Cissie naman ang nagtanong.

“Ang unang kantahin natin ay Enter Sandman and then hindi natin tapusin ang kanta kasi limited lang ang oras natin, basta hindi puwedeng walang guitar solo hangga’t maari. Pagkatapos, alternative songs naman, then 80’s rock uli para bang alternate genre ang gagawin natin,”sagot ni Jay.

“Ayos iyan! Enter Sandman-Metallica, When I Come Around-Greenday, Sweet Child-GnR, Higher-Creed, Livin’ on a Prayer-Bon Jovi, So Far Away-Staind, Love of a Lifetime-Firehouse, It Only hurts-Default, Still Loving You-Scorpions, and Here Without You-3 Doors Down. Parang may kwento na pinagdugtong-dugtong lang!” bulalas ni Cissie.

“Mukhang okay nga iyang naiisip mo Ciss, lahat ba ng mga ‘yan gusto mo? Parang nababanaag ko kasi sa mukha mo eh,” wika ni Jay.

“Siyempre 'yong mga 80’s lang. I appreciate alternatives pero mas astig ang sipa ng 80’s rock eh,” sagot nito.

“Yeah, I agree. So, when we will gonna start kicking?” tanong ni Jun.

“Mamaya na sana para  mapaghandaan natin ng maigi kasi mahihirap pa naman ang 80’s rock,”  suhustiyon ni Jeff.

“Oo nga. Ganito nalang, magkaniya-kaniya muna tayo ng practice. Ikaw Jeff, tutukan mo ang mga lyrics ng kanta pati ang mga kanta mismo. Ikaw Jun, pakinggan mo rin ang mga drums’ scale at kami ni Cissie since kailangan ko pa siyang turuan ng bass, sabay na kaming magpractice,”sagot ni Jay.

“Cool! Okay kami niyan. Malapit lang naman ang bahay namin ni Jeff kaya kahit sabay nalang din muna kami,” wika ni Jun.

“Okay then, mas maganda ‘yon at every weekend ay magrehearse tayo. Meron pa naman tayong ilang buwan,”  ani ni Cissie.

“Tara pasok na tayo sa room, malapit na ang time natin. Usap-usap nalang tayo every now and then,” wika ni Jay habang tinungo ang labasan ng canteen.

Natapos na naman ang buong araw ng klase nila pero as usual nauuna siyang umuwi dahil sa routine ng trabho, at ayaw niya ring makasabay si Jay baka kung anu-ano naman ang pumapasok sa isip niya. Ngunit nang palabas na siya ng gate. May patakbong papalapit sa kanya.

Loving Bezzie [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon