Chapter 2

3.4K 111 24
                                    

Mabilis lumipas ang mga oras at uwian na. Nanggigigil si Steph sa inis dahil lagi siyang naiisnob ni Jay kaya laging siyang gumagawa ng paraan para mapapalapit lang nito. Kaya noong makita niya nagiimpake ito ng gamit,

“Hi Jay, kumusta naman ang unang araw mo dito?” sabay hawak ni Steph  sa braso nito. “Sana magustuhan mo ang mga tao dito kahit hindi ganun kagaling magsalita ng Tagalog”

Nailang naman si Jay sa iginawi ng babae kaya kinuha niya ang kamay nito na nakalambitin sa braso niya.

“Of course! It was all good. I think language wouldn’t be a problem besides I can understand and speak Visayan a little. Well, thank you for your concern but I really have to go,” sabay dampot sa mga gamit at umalis na agad.

“Jay, wait up! Baka naman gusto mong itour kita sa buong campus bago umuwi. Maaga pa naman eh…hey!” dere-derecho parin si Jay kaya inis na inis si Steph.

“Kainis! Hindi man lang lumingon ang mokong! May araw ka rin sa akin lalaki ka! Hindi kita titigalan hanggat hindi ka mahuhulog sa akin,” sabay evil grin niya.

At sa kabilang banda, si Cissie ay naunang umalis ng hindi man lang nagpa-alam kay Jay dahil naisip niya baka magkaroon ng maling impression siya sa lalaki. Nagmamadali din siya dahil marami pa siyang gawain sa bahay na pinagtatrabahuan niya. Habang naglalakad sa kalye ay may biglang kumalabit sa balikat niya.

“Ay kabayo! Ano ka ba? Papatayin mo ata ako sa gulat eh. Akala ko hold-uper na,” habol-hininga niya.

“Patay agad? Hindi ba puwedeng himatay muna?" natawa pa ito sa sinabi ni Cissie. "Sorry naman. Nakita kasi kitang seryosong-seryoso sa paglalakad. Ni hindi mo nga napansin na tumatawag ako sa'yo eh,  kaya ginulat kita,” ang depensa ni Jay.

“Pasensiya na, marami kasi akong iniisip na trabaho pagdating ko. Marami pang assignments kaya minsan nawawala ako sa ulirat sa kakaiisip kung alin ang uunahin ko. Eto pa, may upcoming rehearsal pa. Hay naku, kailan pa kaya ako makakapagrelax? Hindi kasi ako ipinanganak na mayaman,” linitanya niya.

“Akala mo ba walang problema ang mga mayayaman?—Meron! Namomroblema sila Kung paano nila ubusin ang pera nila,” nagbiro si Jay.

“Ay ikaw talaga oo! Akala ko pa Naman tahimik ka. Kasi kanina hindi ka man lang nakikipag-usap sa ibang classmates natin, iyon pala kalog ka din. ”

“Not really, tahimik talaga ako at namimili ako ng mga taong kinakausap ko. Puwede naring kalog, pero sa mga close friends ko talaga. I seldom give attention sa mga taong papansin.”

“Oh really, mukhang ironic naman ata. Kasi sa mga tipong gaya mo na mayaman at may hitsura, mukhang 'di makatutuhanan.”

“Hindi ah! If you would know me, you would definitely like me.”

“I’m sorry?” nashock si Cissie sa sinabi ng binata dahilan para hindi niya mapigil ang bilis ng pagtibok ng puso niya.

“Whoa, I mean, you would like me as a friend. Ikaw naman oh, sensitive masyado. By the way, malapit na pa la ang bahay namin. Diyan lang sa tabi ng tennis court, ikaw?”

“Ah malapit lang din ako, diyan lang sa kasunod ng street niyo. O paano, sa unahan pa ako. Nice meeting you uli.”

“Nice meeting you too. Mabuti magkalapit lang pala tintirhan natin. Hindi tayo magkakaproblema sa rehearsal dahil puwede kitang puntahan sa inyo.”

“Naku, hindi pwede, magagalit amo ko. Bawal akong magtengga-tengga baka tuluyan na akong palayasin,”

“Hindi iyan, magpapaalam naman tayo sa kanila at hindi naman lagi tayong tutugtog eh. Kaya ko na ‘yang maniobrahin.”

Loving Bezzie [TAGALOG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon