Samantalang hindi mapalagay si Jay dahil hindi man lang nagreply si Cissie sa mga messages niya. Tumawag na siya ng ilang beses ngunit wala paring sumagot. Naisip niyang puntahan nalamang ngunit napagtanto niya na baka lalong lumala ang sitwasyon. Wala siyang nagawa kundi antayin nalang ang text nito or kumustahin nalang niya ito kinabukasan. Hindi siya makatulog ng maayos kakasilip sa cellphone niya baka sakaling may reply ngunit wala pa rin.
"Anong oras na ba?" ang sambit ni Cissie habang nakapikit ang isang mata. "Hay, 3 a.m pa pala, nasaan naba ang phone ko?...Huh? Ang daming messages, 10 missed calls. Grabe! Kay Jay galing lahat, nakakahiya," nakaramdam siya ng guilt.
Biglang tumunog ang phone ni Jay kaya napabalikwas siya ng bangon at tinungo ang mesa para basahin ang mensahe. Kahit naalimpungatan siya at nakapikit pa ang isang mata ay dali-dali niyang binasa ang message. Kay laking pasalamat niya at galing kay Cissie ang message. Wala siyang sinayang na segundo at tinawagan niya agad ito.
"Hello, Ciss nasaan ka ngayon? Okay ka lang ba?" aalalang tanong niya.
"Salamat sa pagaalala, sorry din kung hindi ako naka-reply agad. Nakatulog ako sa kaiiyak. Andito pa ako sa room ko, tinatapos ko lang ang pagiimpake,"
"Saan ka tutuloy ngayon?"
"H-hindi ko alam, siguro uuwi na ako sa amin," gatol niyang sagot dito. Halatado sa tono ng boses nito ang kalungkutan. Narinig niya pa itong napabuntong-hininga.
"Huwag muna, sayang naman ilang buwan nalang at graduation na natin. Kausapin ko Lola ko na dito ka muna pansamantala."
"Nakakahiya naman sa inyo, ni hindi nga ako kilala ng Lola mo eh. Baka isipin pa niya na may relasyon tayo."
"Saka mo muna isipin 'yan. Ang mahalaga ay may matutuluyan ka pansamantala. Tutulungan kitang linisin ang pangalan mo at panagutin natin ang sino mang nanira sa'yo."
"Sige. Wala naman talaga akong choice kundi kapalan nalang ang mukha ko eh. Wala naman kasi akong kamag-anak dito sa bayan."
"Sige punta ka dito ng 6 a.m antayin kita sa kanto. Kausapin ko muna si lola sa kusina. Bye see you later."
"Thank you, bye."
Dali-daling tinapos ni Cissie ang pag-iimpake habang tumutulo ang luha niya. Hindi niya mapigilan ang emosyon dahil napamahal narin sa kaniya ang bahay na iyon kahit mala-kalbaryo ang dinanas niya. Inabot din siya ng halos limang taong nanirahan dito. Ang masakit lang doon, hindi man lang maayos ang paglisan niya.
Matapos siyang maligo ay nagpaalam na siya sa amo niya na mukhang wala namang balak na pigilan siya. Kaya bitbit ang maleta niya naglakad siya patungo sa street nila Jay. Malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang lalaki.
"Kanina ka pa ba dito? Sorry ah, pinag-antay kita. Nakakahiya na talaga sa'yo," ang dispensang wika ni Cissie sa lalaki.
"Ano ka ba naman, okay lang 'yon. Kung tutuusin may kasalanan din naman ako. Kasi kung 'di kita pinilit na sumali eh 'di sana mangyari sa'yo to," sabay abot nito sa maleta ng dalaga.
Habang naglalakad sila patungo sa bahay nila Jay ay hindi magkamayaw ang mga kapitbahay nila sa pag-uusisa sa kanila. Kaya nakadama tuloy ng hiya ang dalaga dahil nagmukha silang nagtanan.
"Jay, grabe pala mga kapitbahay niyo 'no? Napakamalisyoso. Kahit hindi sila nagsasalita alam ako ang laman ng utak nila. Parang sinasabi nilang nagtanan tayo."
"Don't mind them, they just don't have things in their own to look up to. So they're too busy caring somebody's life. Come on! Hurry up we'll gonna be late in our class."

BINABASA MO ANG
Loving Bezzie [TAGALOG]
Ficción GeneralThis the Tagalog edition, but I'm starting to post the English edition. TEASER: Between two people of different genders, which is more important, love or friendship? Some would say that friendship is more important, for others, it is love. But if yo...