Kinaumagahan excited na naman ulit siyang pumasok ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kagabi. May kung anong tambol ang tumutugtog sa dibdib niya tuwing maalala niya ito. Nauana siyang umalis kay Jay dahil ayaw niyang tanungin siya nito tungkol sa nangyari baka hindi niya makayanan at himatayin siya sa sobrang hiya.
“Bakit ako pinagtitinginan ng mga tao?” tanong niya sa sarili habang naglalakad sa pasilyo. Hindi niya maiwasang maasiwa dahil para siyang malulusaw sa mapang-intrigang tingin ng mga ito.
“Yucky! Is she the girl? Oh my goodness! What did he see her?” anang ng isang brat na maarte habang tinitingnan si Cissie mula ulo hanggang paa.
“Hey you filthy beggar! Get a life! Get lost from Jay’s sight. You’re not even pretty, you look so dirty. Stop following him around baka mahawa siya sa kapangitan mo,” wika ng isa pang malditang babae. Ngunit si Cissie ay nagkunwang walang narining at tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad dahil wala naman siyang balak na patulan ang panira-araw ng mga ito.
“Yah! Kapag kinakausap ka ‘wag kang bastos!” singhal ng maldita sabay kaladkad nito kay Cissie.
“Wait lang ha! Una hindi ko kayo kilala at hindi ako bastos. In fact kayo itong basta-basta nanghaharang at nambabastos sa’kin. Pangalawa, I’m not following him. Tanong niyo pa siya! He is just so kind to me and let me stay in his house. And of course I know that I’m not pretty, I don’t pretend either dahil hindi ako hypocrite gaya niyo. Kayo nga dapat ang magkaroon ng sariling buhay. Will you excuse me?” gigil na wika ni Cissie habang pigil na pigil sa sarili.
Hindi na niya pinansin pa ang mga sumunod na sinabi dahil nilayasan na niya sila sapagkat nasisimula ng tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganoon nalang ang panlalait nila sa pagkatao niya. Aminado naman siyang hindi siya maganda, pero ang hindi niya matanggap ay ang pang-iinsulto at pang-aapak sa pagkatao niya, dahil kahit minsan ay hindi siya naging pabigat sa ibang tao. Ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan niya. Habang tumulo ang luha niya wala siyang pakialam sa mga taong tumitingin sa kanya kundi dire-direcho lang siya hangang makarating siya sa room nila. Ang sakit ng kalooban niya dahil sa buong buhay niya ay ngayon lang siya napahiya ng walang dahilan. Ni hindi niya pinansin ang mga katabi at mga kaibigan niyang nagtatanong sa kaniya.
“Hey Bezzie. What’s wrong?” ani ni Jay.
“Nothing. Just something bad came up this morning,” tugon nito habang tumitingin sa kawalan at umiiyak.
“I know you. Hindi ka basta iiyak kung hindi mabigat ang problema. Would you mind telling me what happened?”
“Please, Bizzie I need to be alone. Just let me be alone this time. It would be a great help if you’ll do it.”
“Okay. I’m sorry about it. I’m just worried about you.”
“It’s okay. Just let me be alone for a while. It would very helpful if you let me. Thank you for your concern. I will tell you if I’m ready.”
Hinayaan nalang ni Jay si Cissie na mag-isa, after all kilala niya ‘to na kapag okay na ang lahat ay magsasalita din ito. Hangang sa uwian na ng hapon ay hindi pa rin kumikibo si Cissie at tila walang balak ito na magsalita. Sa pag-aalala ni Jay ay humanap siya ng paraang makapag-open sa dalaga.
“Hey, you’ve been like this the whole day. I’m really worried. You want me to beat the person causing you so much pain?” sabay tapik nito sa balikat ng dalaga.
“Ano ka ba? Sayang ang beauty mo, hindi bagay 'no! Ako nalang kasi mukha naman akong amazona eh.”
“Nah! Hindi naman kami magsapakan eh, kundi magrakrakan at siguradong ako ang mananalo," tumawa pa Ito ng malakas. "Well kidding aside, would you mind telling me what happened early this morning, Bezzie?” patuloy ni Jay.

BINABASA MO ANG
Loving Bezzie [TAGALOG]
Ficción GeneralThis the Tagalog edition, but I'm starting to post the English edition. TEASER: Between two people of different genders, which is more important, love or friendship? Some would say that friendship is more important, for others, it is love. But if yo...