Chapter 8
Nakalampas na kami sa Proxemein kung saan nandun ang mga bago palang na nahahawaan ng virus,maging sa Plexiemelein ay nakalampas narin kami.
Tinatahak namin sa kasalukuyan ang daan malapit sa mataas na tower.
May mansyon sa kalapit na tower,sobrang laki nun at kung iyong susuriin ay maaaring iyon ang tinutuluyan nila Mr. Safiro,ngunit ang hindi ko maalis sa aking isip ay kung posible bang nandun din ang kaniyang anak na si Rachel. Isa pa,hindi maaaring isama sa mga taong hindi pa nahahawaan ng virus ang nahawaan na ng virus...
"Ang mansyon na yan ay ipinasadya pa ni Mr. Safiro Buencamino para sa kanila ng kaniyang anak. Hindi siya pumayag na isama ang kaniyang anak sa mga malala na dahil mas manghihina daw ang kaniyang anak..."
Paliwanag ni Dra Adelfa na siyang kasamahan na Dr ni dad. Lahat kami ay nakikinig sa kanilang sinasabi. Nauuna sa paglalakad saamin si Dad at halos kasabay lang namin ang ibang mga Dr na kasamahan ni dad.
"Dra Adelfa....sino sino po ang kasama diyan sa mansyon? Saka,hindi po ba sila nahahawaan ni Rachel e diva nga siya ang kauna unahang nainfect ng virus?"
Usisa ni Alexa habang naglalakad kami. Tiningnan ko muna ang wrist watch ko at dun tumambad sakin ang oras na malapit na palang mag alas 9.
Nilingon ko saglit si Winston na kanina pang tahimik at mukhang malalim ang iniisip.
Nahuli naman niya akong nakatingin sa kaniya kaya mabilis din akong umiwas ng tingin. Maaaring may bumabagabag sa kaniya at ayokong usisain yun sa ngayon.
Tumigil kami sa paglalakad sa harapan ng malaking pinto. Mansyon na mansyon nga kung titingnan. Unti-unti iyong bumukas at unti unti rin saaming bumubungad ang mga taong naroroon.
Hindi ganung kaliwanag sa loob at balot na balot ng mga kurtina ang malalaking bintana. Tanging chandelier lang ang nagbibigay ng liwanag sa loob,may malaking lamesa na siguradong para talaga sa mga panauhin na dadalo.
May isang malaking lalaki na naka suot ng formal attire na siyang lumapit saamin. Napaisip ako dahil Hindi siya nakasuot ng pang protekta para sa virus gayung sigurado ako na isa sa mga kwarto sa itaas nakahiga si Rachel.
"Dr Matteo Sayaka...."
Galanteng salita ng lalaking papalapit saamin na kung hindi ako nagkakamali ay siya na si Mr. Safiro Buencamino.
Pumapalakpak siya habang papalapit saamin. Hindi ko mapigilang hindi mapuna ang hihithit niyang tabaco. Negosyanteng negosyante ang kaniyang datingan.
"So...is this is the Team of your daughter?"
Pagtatanong ni Mr. Safiro "Yes Mr. Safiro,By the way she is Dra Eerah Sayaka,my one and only daughter"
Pagpapakilala ni dad saakin. Gayunpaman,ang hangin sa loob ay kakaiba,ang aura ng lahat na naririto ay kakaiba. Mga misteryoso kung tititigan ngunit parang normal na tao lang.
"I'm glad that you're here Dra Eerah, siguro kung hindi nadapuan ang anak ko ng pesteng sakit na yan ay malamang isa narin siyang sikat na Dra ngayon...baka mas sikat pa sa anak mo. Hahaha"
Nainsulto ako sa narinig kong iyon,ngunit palalampasin ko na lang ang araw na ito.
"I'm just kidding you know,oh welcome to the Crimson Society"
Masiglang salita ni Mr. Safiro. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko sabay tumango. Sinabihan kami ni Mr. Safiro na dadalhin niya kami sa kwarto kung saan naroroon ang kaniyang anak.
Sila dad at ang iba paniyang kapwa dr ay inutusan ni Mr. Safiro naicheck ang mga machine na siyang ginagamit para kay Rachel,nasa kabilang kwarto daw iyon kaya hindi kami magkakasama nila dad.
Nasa unahan ko si Mr. Safiro habang nasa hulihan ko ang mga kaibigan ko. Hindi namin inaalis ang aming mga suot na pamproteksyon dahil nga base sa aming kaalaman ay si Rachel ang unang nadapuan ng virus kaya malamang at kung sakali ay makakahawa siya saamin kung hindi kami mag iingat.
Mataas na ang naaabot ng aming paa dahil sa hagdan na aming nilalakaran,may red carpet din dito na siyang aming nalalakaran.
Kahit na maliwanag na sa labas,dito sa loob ay tanging chandelier na lang ang nagbibigay liwanag.
Wala saaming magtangkang magtanong kay Mr. Safiro,dahil mukhang hindi naman kami sasagutin kung sakali at baka mabara lang niya ang mga itatanong namin.
Huminto kami sa isang pintuan na malaki,binuksan iyon ni Mr. Safiro at nang magbukas na iyon ay doon na tumambad saaming paningin ang mga machines na naroroon,wala rin iyong pinagkaiba sa mga normal na kwarto lang.
Pumasok kami sa loob at nakita namin ang isang babaeng tahimik na nakahiga at nakakabitan ng mga kung ano anong machines sa katawan.
Sa katawan palang ay alam mo nang malakas na ang epekto ng virus sa kaniya. She looks so painted. Namamayat narin siya dahil siguro sa lakas ng epekto ng Pelemial Virus sa kaniya.
Naunang lumapit sila Steven habang ako ay nanatili sa aking tayo kasama si Mr. Safiro. Diretso lang ang mga mata ko sa mga kaibigan ko,ramdam ko ang takot at pagka excite na hindi ko maipaliwang. Hindi rin naman nagtagal ay lumapit ako sa babaeng nakahiga,o si Rachel. Sabi nila ay tanging machine na lamang ang nagbibigay ng buhay sa pasyente. Kaya naman ganito na lamang si Mr. Safiro ka desperado na gumaling ang kaniyang anak.
Inilabas ko ang mga gamit ko to check her and kung anong estado ng kaniyang dugo maging ang mga cells niya.
I found out that she is in critical. I wonder how she can survive without any cure. Siguro nga ay ikamamatay niya talaga ito kung hindi lamang machine ang nakakabit sa kaniya.
Tinitigan kong mabuti ang kaniyang itsura at iniisip kung ano ang ibibigay kong paunang lunas upang hindi na lamang iasa sa machine ang buhay niya because the more that she takes a machine for her life,the more she will suffer.
"Dra. what will you do now?" Carl asking me with full of curiosity. Maybe he found out that this task will be more difficult and hard to us. Dahil hindi ito basta sakit lang,kundi dito nakasalalay ang buhay nilang lahat at buhay ng buong mundo.
Mariin kong tinitigan ang sinasabi noon na pinagdapuan ng paruparo sa dalaga. Maliit lang yon kung tutuusin ngunit makikita mo na ibang iba ang kulay na yon kumpara sa maputla niyang kulay ngayon. Sa sobrang curios ko ay tinanggal ko ang gloves ko na nagsisilbing proteksyon. I was about to touch her but someone grabbed me.
"Don't you dare to touch her without my permission!"
Mautorisadong boses ng isang di kilalang lalaki. Marahil ay siya ang humila saakin papalayo sa pasyente.
Agad naman akong nilapitan nila Winston at cheneck kung okay lang ba ako.
"Ayaw mong mahawakan ang pasyente namin ng walang permiso mo? Bakit humingi ka ba ng permiso saakin na hawakan mo si Eerah?!" Singhal ni Winston sa lalaki. Samantalang si Mr. Safiro lang ay nakatindig at mistulang pinapanood kami.
"Oonga! Wala kang karapatang hilahin si Dra!" Dugtong ni Carl
Ang tensyon sa loob ay parang umaapaw. Hindi man namin kilala ang lalaking humigit saakin at inilayo ako sa pasyente ay pamilyar ang mukha niya saakin at ang kaniyang kilos.
Sandali pa at nabalot ng katahimikan ang kwarto. Tila ba nakakasakal at ang tatalim ng kanilang titig sa bawat isa. Hanggang sa naalarma kaming lahat dahil sa machine na lumakas lalo ang tunog at nangingisay na pasyente.
Sa ayaw at sa gusto ng lalaking yon na lumapit ako sa pasyente ay hindi ko pwedeng basta na lamang tingnan ang pasyente. Lalo pa't nag aagaw buhay ang anak ni mr. Safiro.
I run immediately to the patient. Nilagpasan ko ang masamang tingin ng lalaking humila saakin kanina. Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit sa pasyente at malagpasan ang lalaki ay isang malamig na boses ang pinakawalan niya na sapat na siguro ang lakas para ako lamang ang makarinig
"One wrong move....and she will die...."
YOU ARE READING
CRIMSON SOCIETY
Mystery / ThrillerCrimson Society, is the society for all peoples that affected of Pelemial Virus. Dr. Sayaka and their team will be handle this kind of Virus. Well,better read my story.