Chapter 5

20 1 0
                                    

Chapter 5

Inabot na kami ng dilim ng makarating sa isang malaking gate na kulay Itim.

"Ang creepy..."

Bulong ni Alexa habang pinagmamasdan ang buong lugar. Nasa loob pa kami ng sasakyan at si dad ang bumaba para kausapin ang nagbabantay dun na mga militar.

Kapansin pansin sa mga militar ang balot na balot nilang katawan. Siguro nga ay nag iingat silang lahat.

Bumalik na si dad ng sasakyan at ang gate naman ay unti unti ng nagbukas. Sumilay agad saamin ang daan kung saan may mga lampost dun na nagbibigay ng ilaw pagkatapos ay mapunong bahagi ulit.

"Malawak ang lugar na toh,kung mas maaga pa ay maipapasyal ko kayo sa buong lugar,ngunit Gabi na at kailangan niyo munang magpahinga."

Salita ni dad na ikinasang ayon namin. Lahat kami ay palinga linga sa paligid. Medyo malayo na kami sa gate na dinaanan namin kanina at habang papalayo kami ay nakikita ko na ang isang mataas na tower.

Hindi ko mapigilang hindi macurious sa buong lugar. Parang nasa gitna kami ng gubat dahil wala namang ibang bahayan dito.

"Maging maingat kayo sa bawat galaw niyo dito. Dahil isang maling galaw niyo ay maaari kayong mahawa ng Pelemial virus within 5minutes"

Ganung kadali pala makahawa ang Pelemial virus. Kaya pala kailangan talaga naming mag ingat ng sobra.

"Wag ka daw magaslaw Alexa baka mahawaan kapa hindi makalabas ng buhay"

Pang aasar ni clark kay Alexa. "Hindi ako mahahawaan clark,baka ikaw pa! Hindi kana makakapang chix pagnahawaan ka!" Bawi ni Alexa.

Ewan ko ba naman sa dalawang yun. Sa araw araw na magkasama sila puro nalang bangayan.

Lumiko si dad sa kanang bahagi ng daan. Napansin ko lang ang paiba ibang daan dito. Masyadong madami ang likuan,at mga pwedeng daanan. Pero may mga number ang bawat isa na sigurado akong pattern yun.

"Patter ba ang mga number na nasa daan dad?" Tanong ko kay dad na seryoso sa pagmamaneho.

"Oo Eerah,may number ang bawat daan dahil may mga daanan Jan na diretso sa lugar kung saan nandun ang mga nabiktima ng virus"

Tumango tango nalang ako. Kaya pala talagang may number ang mga daanan dito. Para hindi malito ang mga pupunta rito kung sakali.

Habang papalapit na kami ay pansin na naming lahat ang isang gusali. Katamtaman ang taas nun at parang sa matataas na panauhin o empleyado nakalaan ang gusaling iyon.

"Dito na po tayo tito?" Tanong ni Alexa kay dad nang maihinto na ang sasakyan.

May mga tao namang lumapit sa direksyon namin,Nakatuxedo silang itim at malalaki kung tutuusin.

Nagsibabaan na kami ng sasakyan. Ipinakuha ni dad ang gamit namin sa mga lalaking lumapit samin.

"Eerah,sumama ka muna saakin."

Sabi ni dad at sumunod naman ako. Ipinahatid na ni dad sa mga lalaking lumapit saamin ang mga kaibigan ko.

Naglalakad lang kami ni dad habang ako ay nagmamasid sa paligid. Mukhang alam na alam na ni dad ang pasikot sikot dito.

Gumamit kami ng elevator ni dad para mas mapadali kuno kami. Hindi ko tuloy mapigilang hindi humanga sa lugar na ito.

"Where are we going dad?"

"In my office"

Mukhang nasa itaas na bahagi ang office ni dad dahil kanina pa kami nasa elevator.

CRIMSON SOCIETYWhere stories live. Discover now