Chapter 6

13 0 0
                                    

Chapter 6

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Winston. Ano bang problema niya?

"Akala ko naligaw kana at napunta kana sa mismong tuluyan ng mga nahawaan ng virus...."

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa ka-oayan niya o hindi.

"Nagtext sakim ang dad mo,sabi niya ay papunta kana sa kwarto mo pero iniintay kita kanina pa at hindi kanamn dumadating"

Nagkalas na siya sa pagkakayakap niya at naglakad na kami sabay.

"Hindi panaman siguro ako nahihibang para pumunta agad don?"

Salita ko sa kaniya na kahit na pumunta naman talaga ako ay inilihim ko nalang. Ayokong mag alala sakin sila,o kaya naman malaman ni dad na nagpunta ako agad dun lalo pa't wala akong suot na kung ano.

Tumigil ako sa room number ko. Katabi lang pala nun ang room number ni Winston. 

"I'm sorry again,nag alala lang ako...."

Nginitian ko nalang si Winston at saka tinap ang kaniyang balikat. "Take some rest winston,malalim na ang gabi."

"I will Eerah..."

Pagkatapos nun ay pumasok nako sa kwarto ko. Tamad kong binagsak ang katawan ko sa malaking Kama na naroroon.

Ipinukol ko ang aking tingin sa puting kisame. Pagkatapos ay tiningnan sa kaliwang kamay ko ang folder na hawak ko.

Huminga muna ako ng malalim at iniling iling ang aking ulo. Hindi pa ako nakakaramdam ng antok kaya mabuti pa sigurong pag aralan ko na muna ang nasa folder na hawak ko.

Tumayo ako sa kama at inobserbahan muna ang paligid. May comfort room narin dito,at may flat screen TV narin,may study table din na nadito at kung ano ano pang gamit.

Napukol ang tingin ko sa isang malaking glass window. Lumapit ako dun at hinawi ang kurtina. Binuksan ko ang naturang bintana at dun ko nakita na may pahingahan sa labas na hindi ganun kalawak.

Naglakad ako papunta sa may mesa na nandun habang ang lugay kong buhok ay nalilipad ng hangin.

Mula rito ay nakikita ko ang mga kakahuyan sa paligid at maging gate na siyang dinaanan namin kanina.

Hindi rin ako nagtagal sa labas nayun at pumasok nadin agad sa loob. Isinara kong mabuti ang bintana at hinayaang hindi matauban ng kurtina.

Napangiti naman ako ng makita kung anong kulay iyon. "Nice color!" I mumbled to my self.

Maroon kasi iyon na tenernuhan ng yellow. And I love that kind of color!

Umupo ako sa isang study table at binuksan ang maliit na ilaw na naroon. Kahit humihikab na ako ay diparin ako inaantok.

Binuksan ko muli ang folder at tiningnan iyon isa-isa.

Since nakita ko na ang paruparong nasa unahan ng folder ay nilakdawan ko na iyon.

Pinagtuunan ko ng pansin ay ang picture ni Rachel Buencamino.

Mas matanda siya saakin ng 3years kung tutuusin. Maganda siya at slim ang body. Ngunit sa picture na nakahiga siya sa Kama at may dextrose na nakakabit at maliit na tubo sa ilong ay parang malaki ang ibinagsak ng katawan niya kumpara sa una niyang picture.

Napansin ko ang isang lalaki na katabi niya at nagbabantay sa kaniya. Kamukha niya yung lalaki na pumigil saakin.

Binuklat ko muli ang iba pang impormasyon dahil nababadtrip lang ako pag nakikita ang pagmumukha ng lalaking iyon!

Sumalampak saakin ang mga taong naapektuhan nanga ng virus.

May nakalagay din sa folder na listahan na ng mga namatay,at listahan ng mga nag aagaw buhay kasama nadin ang mga kababago palang na naapektuhan.

Wala palang nakasaad kung kelan mamamatay ang isang taong naapektuhan ng Virus. Kung mismong hindi na kakayanin ng katawan mo ay mamatay ka talaga.

Binalikan ko ang picture ni Rachel,impossible namang makayanan pa ng katawan niya ang ganung katagal na pagsusurvive sa virus nayun.

Ngunit sigurado akong machine nalang ang bumubuhay kay Rachel.

Dirin nagtagal at nakaramdam na ako ng antok. Nagtungo na ako sa aking Kama at natulog. Bukas pa kami ililibot ni dad sa buong bahagi ng society para maging pamilyar kami sa mga sulok dito. I need more energy for tomorrow.....

Winston's point of view

Nakatingin lang ako sa kisame at nag iisip ng malalim. Hindi ko alam kung saan pa nagpunta kanina si Eerah dahil natagalan pa siyang makabalik dito. Hindi naman siya maliligaw or what dahil matalino si Eerah.

Tumayo muna ako para sana puntahan si Eerah sa room number niya. Ang team namin ay magkakabukod ang kwarto at dina pinagsama sama. Bawat room number na narito ay may mga pangalan namin.

Pagkabukas ko ng pinto ay napansin ko agad ang isang taong nagmamadaling pumasok ng elevator at may kausap sa phone niya.

"Yes boss,they're here now. Nagpapahinga na sila....yes boss,bye"

Susundan ko pa sana siya ngunit pinili kong magtago muna sa pinto dahil mukhang napansin niya ako.

Hindinna siya nag abalang lumapit sakin dahil nanatili siya sa loob ng elevator habang malawak ang ngisi sa kaniyang labi.

Naka cap siyang black at hindi kagaya ng iba na nakatuxedo ay siya ay plain black lang lahat.

Sinubukan kong tingnan kung saan siya galing ngunit nabigo ako dahil hindi ko magawang masundan ang mga naging footprints niya.

Babalik na sana ko ng kwarto ko ng mapansin sa tapat ng room number ni Eerah ang isang I.d.

Pinulot ko yun at tiningnang mabuti.

'Joepert Einstein'

Nakalagay sa kaniyang I.d ang kaniyang position dito sa crimson society. Isa siya sa mga tauhan ni Mr. Safiro,ngunit ang ipinagtataka ko ay hindi siya nakatuexedo gaya ng mga nauna naming nakita kanina.

Bumalik na ako sa kwarto ko at sinubukan ng matulog ngunit hindi parin ako inaantok.

Kinuha ko ang aking laptop at at nagsimulang magresearch about Pelemial virus. I know that tito matteo gave the information about that virus to Eerah,pero mas mabuti na ang mag advance learning kahit papaano.

Isang makulay na paruparo ang lumabas sa pagreresearch ko. Ngunit bukod dun ay wala ng iba pang info na pwede kong malaman. Wala ring nasabing gamot sa Virus nayun.

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Medyo magulo narin ang buhok ko dahil sa kasasabunot kanina sa pag aalala kay Eerah.

Ibinaba ko nalang ang Laptop ko at dinampot ang phone kong nasa katabing table ko lang.

Hinanap ko sa contacts ang number ni mom. I'm sure that she's worrying to me.

Nung una ay hindi pumayag si mom na sumama ako sa sa team namin nila Eerah dahil masyado daw delikado at hindi nalalayong pati kami ay mahawaan ng Virus nayun. Pero pinilit ko si mom kapalit ng pagbalik ko dun ay mag uuwi ako ng balita na pumayag na si Eerah na magpakasal saakin.

Gusto ni mom si Eerah para sakin at ako naman ay gustong gusto ko rin si Eerah. She's the type of girl that everyone should be adore. She's pretty and smart. Of course,siya ang naging Cumlaude ng aming batch kaya lahat ay proud sa kaniya lalong lalo na ako.

Kung may isa lang na hindi payag saamin ni Eerah ay yun ay si Dad...since he told to me that he doesn't want Eerah for me,I started to be angry with him. We always fight for all the time. Busy siyang tao pero hindi niya ako masuportahan sa gusto ko. Ewan ko ba naman kay dad kung bakit naaayawan niya pa ang kagaya ni Eerah....

Basta ako....I'm willing to wait no matter what happens. Because at the end of the day,I know that it'll be worth....

CRIMSON SOCIETYWhere stories live. Discover now